Martes, Nobyembre 1, 2011

Top 3 Katakot MooMoo... para sa akin...

Heto ang aking top 3 na listahan ng mga multo na hanggang sa maari ay hindi ko makita sa tanang buhay ko.
Hindi naman ako matatakuting tao, pero kung ang mga eto ang makikita ko e malamang matae ako sa pantalon ko.

3. MGA KILALANG NAMATAY SA SHITTING PARAAN. Gusto kong istress yung Kakilala, kase iba yung dating ng taong kakilala mo tapos namatay, at dadagdag pa duon ang paraan ng kanyang kamatayan. Nabundol, bunggo, nahulog, nasagasaan, binaril sa muka, tinaga sa ulo, sinaksak sa lalamuna, etc. siguro hindi ko lang makayanan iemagine yung hirap at sakit na dinanas nila sa pagkamatay, tapos ipapakita nila sayo yung hitsura nila nung silay namatay.











2. PARING NAKA ABITO NA WALANG ULO. Nakintal na to sa isip ko na hanggang sa ngayon ay aking dala-dala. Nuong kamey bata pa kase, merong mga ilang matatandang nagkwekwento ng kanilang karanasan ng multong ito. E sino ba naman ang hindi matrautraumang 10 taong gulang sa kwentong paring nagmimisa o naglalakas sa kalye ng walang ulo, at kung susuwerte ka, e meron pa syang mga kasamang nagsisimba.
















1. WHITE LADY. Ewan ko kung anong meron tong multo na to na sobrang kinakatakutan ko. Hindi ko rin marecall kung kailan at paanno ko nadevelop ang pagkatakot sa ganitong nilalang. Kahit sa sine o commercial o sa tv, pag white lady na ang lumalabas, hindi ko mapigilang ilipat ang pinapanuod. Pag eto ang magpapakita sakin, huwag naman sana, malayo pa lang ako sa kanya o sya sa akin, paulit-ulit na kong mahihimatay at matatae sa pantalon.