Linggo, Disyembre 18, 2011

kamustasa...

Mahigit isang buwan din akong nawala sa sirkulasyon dahil sa mga maraming kadahilanan.
Isa na dyan ay ang wala akong means para mag sulat sa blog na ito, unang una na ang kawalan ko ng computer pangalawa ay ang kawalan ng internet.
Anjan din ang rason na walang mga kaganapang magtutulak saken upang bumangon at magrenta ng computer para magsulat.
Oo maraming naganap, anjan kang ang hiwalayang piolo-kc, awayang rhian at motwister, at kung ano-ano pang shit.
Anjan din ang mga kaguluhang nangyayare sa ating gobyerno, mula sa pag lift ng travel ban sa mga Arroyo hanggang sa pag pabor ng desisyon para sa mga magsasaka ng HLI ng korte suprema hanggang sa pag aresto kay CGMA hanggang sa pag lipat mula sa st. lukes hanggang VMMC, hanggang sa pag impeach kay CJ Corona, pero wala sa mga nabanggit ang nagtulak saken para magsibpag na magsulat.
Nag retrench din sa opis namen, gawa nga ng pag pullout ng isang dambuhalang telco company na cliente ng former opis ko ng pagkatagal tagal sa hindi maipaliwanag na pagkakataon o rason.
Pero ok na din yun, at least hindi ko na kailangang makibagay sa boss kong ubod ng galing at talino na wala na yatang dudunong pa kahit na sino, yan ang kanyang sariling pananaw.
Yun lang nakakamiss din ang mga katrabaho kong naging bahagi nadin ng buhay ko at sanay naging bahagi din ako ng buhay nila. sabe ko nga, no goodbyes, let's just see each other around.
Isa nga syang worth isulat pero, not to the extent that I would give a page for it, maraming nawalan ng trabaho bago magpasko pero sa industriyang ginagalawan namen, kasama to sa kalakaran. Good thing binayran kameng retrenchment pay, kahit na installment, at least meron kesa sa wala.
Awa ng Diyos, 2 araw bago ang huling araw ko sa opis, nakahanap ulit ako ng kumpanya sa parehas na posisyon. kaya salamat talaga, at least mairaraos parin namen ang pasko ng meron maluwag ng kaunte.
Sa ngayon, maghahanap muna ko isang matibay na inspirasyon para sa isang page worth story, kaya hanggang sa muli.

Panghuli nga pala, sa mga tiga PAG-ASA (hindi ko nilalahat), have you realized the cost of your fucking laziness and stupidity???  INCOMPETENT FUCKS!!!

Sa mga kapatid nating tiga Mindanao, Tibay ng loob at pananalig sa Diyos lang po, makakaraos din tayo. Ang dasal namen ay laging sa inyo. Kapit lang.