hayaan nyong ikwento ni master labo ang mga pangyayare at kaganapan sa buhay-buhay ni udubugdabugs ukol sa kanyang sariling pananaw at opinyon...
Martes, Mayo 13, 2014
Parang World Peace. Nga-nga Part 2.
Inilabas na ang listahan ng mga personalidad na damay sa PDAF o Pork Barell Scam.
Pero ang problema lahat merong listahan lahat maalam sa pangkalahatang issue na ito.
Si Ping Lacson merong labinlimang personalidad. Ang GMA 7 at si Sandra Cam merong tig labing siyam, ang kaso lang kay Sandra Cam dehins nya pa inilabas ang mga pangalan ng ibang sangkot.
At ang hindi naten alam kung meron ba talaga syang listahan o nagpapataas lang ng presyo.
Ang hirap kase sa bansang ito sadyang madami ang madudunong at magagaling at maraming may alam.
Ang kalalabasan, nagkuwang-kuwang na ang tutuong istorya. Ang gasgas sa daliri nagiging malaking sugat sa dalawang braso.
Hindi ko sinasabeng walang kasalanan o may kasalanan ang mga taong asa listahan. Ang punto debista ko lang kung maraming merong opinyon at alam mas tumatagal at lumalabo ang patutunguhan ng mga ebidensya at proseso ng pag sisiyasat ng makasaysayang dagok na ito.
At ang malupit dito, hindi pa nilalabas ang tutuong listahan nila Benhur Luy at Napoles. Kayo na ang bahalang pag tahi at magtagpi-tagpi kung ilalabas man nila ang listahan. Dahil pag nagkataon magiging parang labinlimang talampakang sudoko ang istoryang ito.
Babalik ako ulit sa una kong punto. Ang pagkamit ng hustisya sa PDAF Scam ay parang World Peace. Imposibleng Makamtam.
Naputa na.
Parang World Peace. Nga-nga.
Ano sa tingin nyo ang mahihita ng sambayanang Pilipino ngayong naisiwalat na ang listahan ni Napoles ng mga nakinabang sa Pork Barrel Scam.
Napakaraming matataas at makapangyarihang personalidad ang nabibilang sa listahan. Pero ang natitirang katanungan ay kung maisasakdal ba itong mga personalidad na ito.
Mamamatay na ang mga taong sangkot at mga saksi sa isa sa mga pinaka malaking eskandalo ng Philippine Government pero itaga nyo sa bato ni isa wala ni isa sa kanila ang hihimas ng malamig na rehas.
Ang pagkamit ng hustisyang sa eskandalong ito ay parang World Peace. Imposibleng makamtan.
Napakaraming matataas at makapangyarihang personalidad ang nabibilang sa listahan. Pero ang natitirang katanungan ay kung maisasakdal ba itong mga personalidad na ito.
Mamamatay na ang mga taong sangkot at mga saksi sa isa sa mga pinaka malaking eskandalo ng Philippine Government pero itaga nyo sa bato ni isa wala ni isa sa kanila ang hihimas ng malamig na rehas.
Ang pagkamit ng hustisyang sa eskandalong ito ay parang World Peace. Imposibleng makamtan.
![]() | |
| Nga-Nga! |
Miyerkules, Enero 29, 2014
Punta ka dito Condo. Dala ka Food. - Master Labo Version
Kasalukuyan.
"Uy anjan ka na pala." saad ng magandang dalaga sa binatang nakangiti sa pintuan. "Binigla mo naman ako, hindi pa ako nakakapaglinis". dugtong nito.
"Hindi mo manlang ba ako papapasukin?" tanong ng nakangiting makisig na binata.
Binuksan ng dalaga ang pinto at pinatuloy ang binata. "May dala ako food. san ko to ilalagay?" tanong ng binata.
Itinuro lang ng dalaga ang mesa. Tuloy-tuloy naman ang binata sa lamesa at nilapag ang mga bitbit. Mabilis na tumungo ang binata sa katabing sofa at umupo. Inayos ang kwelyo ng polo at nilingon ang dalaga.
"O saan ka pupunta?" tanong ng binatang halatang kabado (sa magandang paraan) at excited.
Hindi na lumingon pa ang dalaga at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
Napatayo ang binata at hahabol sana sa dalaga ng merong lumabas sa kwartong silid lang ay kurtina na merong tangang-tangang baril.
"Umupo ka jan, ilapag mo ang telepono mo sa sofa, huwag kang gagalaw." utos ng matipunong lalaki.
Wala ng nagawa pa ang binata kundi sundin ang inuutos. Lumapit ang lalaking tangan ang baril sa binata at sabay unday ng pukpok sa muka ng binata.
Tumulo ang dugo sa basag ng ilong at napayuko nalang sa sakit ang binata.
5 Days ago.
"Kuys, meron akong bagong chik, hanep ang ganda batang bata." yabang ng matipunong binata sa kanyang mga lalaking kabarkada.
"Baka naman retokada yan, kuys." balik ng barkadang kagagaling lang sa masidhing hiwalayan sa matagal na kasintahan.
"Hindi kuys. Actually hindi ko alam." tawa ng binata "Pero maganda talaga, muka namang hindi." bawi ng binata.
"Mauna na ako, magkikita daw kame sa Fort." ang sinaad ng binata sa mga barkada habang itoy tumatayo.
"Ingat ka ha. Maraming gaga ngayon. Enjoy." paalala ng Baklang kaibigan nito.
Beep. Beep. Tunog ng mamahaling cellphone ng binata, habang nakaupo sa likod ng mamahaling sasakyan.
Habang tangan ang teleponong touch screen inutusan nito ang drayber na kumanan at ihinto ang sasakyan sa harap ng mamahaling gimikan at meron daw sasakay.
"Hintay lang naten kuya sandale." utos ng binata sa drayber.
Ilang minuto lang ang lumipas ay meron ng kumatok sa sasakyan, binuksan naman ng binata ang pinto at pinatuloy ang napakandang dalaga.
"Kanina pa kayo?" tanong ng dalaga sa binata "Hindi naman." maikling balik nito sa dalaga.
"Saan tayo?" tanong ng dalaga sa binata. "Pwede ba sa inyo?" saad nito.
Hindi pa nakakasagot ang dalaga ay inutusan na ni binata ang drayber na tumungo sa mamahaling condo sa di kalayuan.
Hindi na nakasabat ang dalaga dahil narin siguro sa hiya o dahil gusto rin nito.
"Kuya itetext nalang kita magpark ka muna." utos ng binata sa drayber.
Tinahak ng dalawa ang magarbong entrada ng condo papuntang elevator.
Pagkapasok palang nila sa kwarto ay nagpakita na ng motibo ang binata sa lalaki. Hinawakan nito ang kamay at hinatak papalapit sa kanya.
Akmang hahalikan ng lalaki ang dalaga sa labi pero iniwas ng dalaga ang kanyang muka at humakbang papuntang refrigerator.
"Uminom muna tayo, meron pa akong wine dito." saad ng dalaga.
Sa kahabaan ng inom at marahil dahil sa lasing narin, humantong sa tawaran ang kanilang usapan.
"100K pwede na?" tanong ng binata sa dalaga.
"sige." saad ng dalaga
Sa tagpong ito ay maaksyon na ang kaganapan, nakababa na ang pantalon ng binata at sa iba na humahalik ang dalaga ng biglang tumunog ang telepono nito.
Akmang titigil ang babae sa kanyang gawain pero hinawakan ng binata ang kanyan ulo na inimoy nagsasabing wag mong itigil.
"Maaga tayo bukas. Alas 4 ng madaling araw palang dapat dito ka na. No excuses." ang mga nakasaad sa telepono ng Binata.
Tiningnan nito ang relo at nakitang mag aalas dos imedya na.
Napamurang pabulong ang binata sabay sabe sa dalaga "Mauna na ako, meron akong lakad mamaya. Babalik nalang ako. Text mo nalang ako."
Wala ng paa-paalam na naganap dahil madaling madali si binata.
Kasalukuyan.
Sunod-sunod na suntok at sipa ang tinanggap ng nakagapos na binata habang tumutulo ang dugo, sipon, luha sa sahid na balot sa mamahaling carpet.
"200K ang ibibigay mo sa kanya, kalimutan mo na yung 100K." saad ng animoy pinuno sa binatang nakahandusay sa sahig.
Tango nalang nalang ang binalik ng binata sa hindi makitang lalaki.
"Bitbitin nyo yan at ibaba ang shorts, ihiga nyo sa lamesa." utos nito sa mga kasama.
Hindi naman kapayatan si binata pero sa laki ng mga inutusan para lang syang batang binitbit sa mga kamay at paa.
"Eto ang sasabihin mo, Ako si (ang pangalan mo), nangrape ako ng kaibigan." saad ng pinuno habang tangan ng isa ang teleponong naka bidyo.
"Ako si Von Nabora. Nirape ko si Janice Cornelio." saad ng binata sa cellphone.
"Mali!" sabay unday ng suntok sa basag na ilong ng pinuno.
"Ulitin mo. Ganito! Ako si Bong Ibara. NANGRAPE AKO NG KAIBIGAN." pakutyang ulit ng pinuno.
Muling inupo ang binata sa upuan habang nakababa pa ang kanyang mamahaling shorts.
"AAAA...." naudlot na pagsigaw ng binata dahil hinawakan ng maskuladong mama ang bibig.
"yan ang bagay sa mga kautald mo." saad ng pinuno
Napalunos ang binata sa sinapit. Kahit sino mang lalaki ang makaramdam nito ay sadyang hindi makakakilos ng matino.
3 Days ago.
"Ced. Babalik sya rito sa Sabado." saad ng dalaga sa kausap sa telepono.
"Sige, basta mauna na jan si Ged magtatago muna sya sa kwarto, pagpasok nya, labas ka na agad, kame na bahala." Saad ni Ceddie Yee sa kausap.
"Ced. Kinakabahan ako, baka sumabit tayo." balik ng dalaga na halatang kabado kahit na ilang ulit na nilang ginawa ito.
"Huwag kang kakabahan, akong bahala sayo. O sige na tatawagan ko pa ang tropa." Pahuli nito sabay baba ng telepono.
Kasalukuyan.
"Pupunta tayo ng Pulis, ipapablotter naten ang nangyare, Proteksyon lang ito." Saad ng pinuno sa binatang hirap ng idilat ang mga mata dahil sa sakit at maga.
"Parang awa nyo na sir. Masisira ako sa mga tao." humahangos na sagot ng binata.
"Hindi lalabas to, basta bigyan mo sya ng twohun... gawin mo ng 500K." sagot ng pinuno.
Sabay-sabay silang bumaba ng elevator at tumulak sa sasakyan, maraming liko ang kanilang dinaanan hagaang sa mawalan na clue ang binata kung asan na sila.
Maya-maya pa ay naaninag na ng binata sa di kalayuan ang kulay asul na building na merong ilaw sa harapan.
Bago buksan ng pinuno ang pinto, tumingin ito sa binata at sinabing "Isang milyon na ang ibibigay mo." sabay hatak pababa ng sasakyan sa binata at bitbit patungong presinto.
Kinabukasan.
Headline na ang binata sa Pahayagan at buhos ang sintimyento at halo-halong reaction sa socail media.
***Ito po ay kathang isip lamang ng may akda na hango at malapit sa tunay na pangyayare.***
Huwebes, Enero 9, 2014
Demokrasya para sa Tao
Epektibo nga ba sa bayan na ang mga tao ay sing tigas ng simento ang ulo at sing kapal ng make-up ng baklang parlorista ang muka, gaya nalamang ng mga politiko at pareng namunini at namumunini sa pagnanakaw.
Simulan naten ang argumento sa depinisyon ng demokrasya, ayon ke Merriam Webster, ang demokrasya o democracy ay "a system
of government by the whole population or all the eligible members of a state,
typically through elected representatives." sa tagalog (o sige sa Filipino) ay uri
ng gobyerno ng tao (mamamayan) para sa tao (mamamayan).
Napakagandang pakinggan pero sa atin sadyang masaklap ang kinahantungan.
Rewind ng kaunti, Pebrero bentesais nang si Apo ay umalis (hiram sa immortal na kanta ng Yano), eto ang naging hudyat ng pagbabalik ng Pilipinas sa Demokrasya. Pinangunahan ng Biyuda ng Wonder Boy of Senate ang buong Bansa sa daan patungong demokrasya.
Fast forward sa kasalukuyan, anong nangyare, PUTANG INA! mas masahol pa ata ang kinahantungan.
Daanan na nga naten ang mga sumunod, maikli lang naman, parang yung aleng umupo ng pagkatagal tagal na akala ng lahat na tiga salba (saving grace) pero puro buwitri pala ang buong angkan at kaibigan.
FVR, Tiger Economy (pero di naman ramdam ng nakararami), wow ang sarap pakinggan pero sadyang magaling lang sigurong magsuhol si Tabako sa media at suwerte nya wala pang Facebook, Twitter, Instagram, Blog o kung ano-ano pang shit ang meron nun. Kundi, nabasah sya sa mga proyekto nyang Multi Milyong World Expo sa Pampanga at ang pagbebenta nya ng Fort Bonifacio na ngayon ay lugar na ng mga tiga Alta de siyudad na pamilya.
Erap, Erap para sa Mahirap, pero sa Ateneo nag aral mula elementarya hanggang masipa nung high-school. Si Joseph Ejercito Estrada na sana ang saving grace ng mga maralitang Pilipino (ngaba?) kung hindi lang inahas ng kanyang dating matalik at kasangga sa Mahjong na Ilokanong ganid na namamaril ng leon sa kanyang kaarawan na nambubugbog ng chicks at nangmamartilyo ng junjun ng kalaguyo nya at marami pang iba na si Gov. Chavit Singson dahil sa onsehan (parang ganun na rin yun) sa Jueteng. Anjan din ang sensational na Plunder case at milyon-milyong Jose Velarde account na hindi nabawi.
Sa palagay ko lang, kasalanan ng GMA 7 at ABS-CBN lahat ng pangyayare. Kung hindi sana nila binandera sa telebisyon ang pagsasayaw ni Tessie Oreta matapos manalo ang mayorya sa pag bukas ng envolope, e di sana, hindi nagalit ang mga tao at hindi nag EDSA 2, ayun tuloy namunini ang mga Lahing Arroyo.
GMA, eto na ang kasagutan sa lahat ng dasal ng mga MAKUKUNAT ANG MUKA at WALANG KUNSIYENSANG PILIPINO. Hindi ko na kailangang iditalye, sa 9 na taong pamamalakad nya yung NLEX lang at SCTEX ang na aappreciate ko sa mga nagawa nya (baka mali ako, kung ganun man, e Puking ina nila! binabawi ko na.)
Pagkatapos ng 9 na taong kahihiyan at kakurakutan, sakto naman ang pagpapaalam ng Ina ng Demokrasya. Ika nga ng nakararami, History repeats itself, mistulang nananadya ang panahon ng mamatay si Tita Cory ay sya ring huling taon ni GMA sa upuan at mistualng merong binabalak na maitim para ito ay manatili sa kapangyarihan.
Putok na Putok ang pangalan ni Manny "ang tunay na mahirap na merong dalawang lote ang pamilya sa Tondo nung sya ay bata pa at lahat sila ay pinanganak sa UST hospital" Villar at Mr. Palengke-Bawang Mar Roxas para sa pagkapangulo. Pero dahil sa bugso ng panahon at nananaghoy na damdaming Pinoy, ayun nagpatihulog nga sa Bitag ang mga (P sana pero sige T nalang as in) Tuta (sorry po pero di pako botante nung 2012) kasama na si Mr. Palengke, bumigay din, na ang buong akala ay mapapsakanya ang pagka Bise para mas lalong tumibay ang kanyang pangarap sa 2016.
Mejo napapalayo na ako dahil sa sidhi ng damdamin (naksnampyutsa), balik sa argumento, hindi kailanman pasok sa banga ang Demokrasya sa bayang matitigas ang ulo, bakit? kase ang ihahalal nila ay matigas din ang ulo, at kung minalas malas ka pa e hindi lang ang ulo ang matigas pati ang muka.
Dapat sa nasyong matitigas ang ulo, ang kailangan ay pagbabago, pagbabago sa sarili, hindi naten kailangan ang PANG WORLD PEACE na pagbabago, ika nga ng isang kasabihan HINDI KAILANGAN NG MUNDO ANG MALAKIHANG PAGBABAGO, ANG MALIIT PERO MAGANDANG GAWAIN KUNG AARAW ARAWIN AY MAGIGING HABITO (meron bang tagalog, sige na nga Filipino, na ganitong salita? ay sya sige Habit na).
Kung ako ang tatanungin nyo kung anong uri ng Gobyerno ang bagay sa aten ay sagot ko ay Ewan ko. Ang punto de bista ko lang naman ay, kahit na anong uri ng gobyerno ay hindi epiktibo sa taong matigas ang ulo, pero mas malala ang kumbinasyon ng dalawa parang Monggo sa Spaghetti.
Andami kong sinat-sat wala din naman pala akong mabibigay na sulusyon, at kung ang makakabasa nito ay parehas ni Boy NoyNoy, hindi ako mag tataka kung may magkokomentong, "PURO KA SAT-SAT WALA KA NAMANG GINAGAWA." Eto ang sagot ko sa inyo.
*kahit na hindi ito tatakbo sa 2016 sya parin ang isusulat ko sa balota ko
Lunes, Disyembre 16, 2013
Trahedya ni Don Mariano
Hindi ko lubos maisip kung bakit karamihan ng mga nasasangkot sa mga nakamamatay na trahedya sa lansangan ay ang mga pampublikong sasakyan.Nitong umaga lang isa na namang lagim ang gumimbal sa sambayanang Pinoy ng malaglag ang isang pampasaherong bus at tumubos ng mahigit dalampung inosenteng mananakay.
Mula nuong akoy nagkamulat at natutunong magpatakbo ng sasakyang de motor, nakamulatan ko na ang ganitong sistema. Hindi ko tuloy lubos maiisip kung sino ang may sala, ang sasakyan? ang kumpanya ng sasakyan? ang nagmamaneho ng sasakyan? o ang mga ahensya ng gobyernong namamahala sa mga ganitong uri ng sasakyan?
Ang sasakyan? tama bang ang sasakyan ang dapat sisihin? mahina ang preno, kalbo ang gulong, sira ang tail light, sira ang headlights, sira ang silinyador. Sa tingin ko, maling mali ang ganito, respondibilidad ng nagpapatakbo na siguruhing ligtas ang kanyang sasakyan bago ilabas sa garahe. Kaya sa mga nakakadisgrasa na ang dahilan o palusot ay sa minamaneho, magisip kayo kung sino ang bobo.
Ang Kumpanya ng sasakyan? ewan ko ba kung paano nila nasisikmura ang magpatuloy na magpasada na alam naman nilang ilang daang buhay na ang nilagay nila sa alanganin o kinitil na nila. Etong si Don Mariano, suki ito sa Killer Highway, lalong lalo na ang mga bus nitong ordinary na animoy parating natatae ang driver sa tulin. Sa dami ng nasasangkot sa mga malagim na trahedya sa daan hindi mo tuloy maalis ang magtanong kung meron bang mga batayan ang mga hinayupak na ito sa pag pili ng kanilang drayber. Sila ba ay tumitingin sa eksperyensya ng kanilang mga applikante o sa dami ng kayang ipasok na pero nitong mga ito sa kanila regardless kung kwalipikado sila o hindi.
Ang drayber? ewan ko ba naman kung bakit ang mga drayber, lalong lalo na ang mga kalalakihan, pag nakakita ng maluwag na daan ay para bang dinadagdagan ng timbang ang kanila ng mga paa sa silinyador (kasama na po ako duon). Kulang nalang ay tapakan ang silinyador hanggang lupa para lang palabasin na matulin ang kanilang sasakyan. Ano ba ang nahihita naten dito? ang takutin ang atin mga sarili? takutin ang mga nakasakay? o ilagay sa panganib ang mga ating mga sakay? minsan tinatanong ko din ang sarili ko kung bakit, pero hindi ko rin masagot. Hindi ko rin lubos maisip na kung bakit ang mga bababala o panuntunan sa daan ay mistulang mga suhestiyon lamang at patawa. Halimbawa, sa killer highway, speed limit 60KPH, public transport stay inside yellow lane, no swerving, at kung ano-ano pang kaeklatan. Pero naman, pag natyempohan mo ang mga hinayupak na mga bus, jeep, taxi, motor, pribadong sasakyan magiisip ka tuloy kung tutuo ba ang mga panuntunang ito o dagdag kickback lang ng mga namumuno. Oo, merong mga nahuhuli, pero sa inaraw-araw na pag daan ko jan hindi ko pa nabilang sa daliri ko sa kamay ang mga bus na nasakyan kong kung tumakbo ay higit sa sisenta, magsakay at magbaba sa gitna ng daan, o ang magpalipat lipat ng linya kahit na ito ay hindi natatkda sa kanya.
Ahensya? kung meron mang isisisi sa mga ito ay ang kakulangan ng ipin sa pagpapatupad ng panuntunan at ngipin sa pag paparusa sa mga lumalabag. Sa awa ng Diyos, sa libo libong pagkakatong nakakita ako ng mga disgrasya sa daan na kumitil ng ilang buhay ay wala pa akong nabalitaan o nadinig na merong nakulong o napagbayad ng limpak na limpak na salapi. Ngipin lang ang sagot dyan, ngipin na kakagat at lalamat sa mga taong matigas ang ulo.
Sa pagtatapos, siguro hindi na kailangan ng isang henyo para isipin kung sino dapat ang sisihin, 99% ng disgrasya sa ano mang larangan ay HUMAN FACTOR yung isang pursyento ay talagang tsamba nalang, yung mga sinaryong sa FINAL DESTINATION mo lang mapapanuod.
Naway, bigyan ng lakas at malawak na pang unawa ang mga pamilya ng mga nawalan at bigyan ng lakas at tatag ng loob (na kahit anong tukso ay kanilang iiwasan) sa mga pagpapatupad ng parusa sa mga dapat parusahan. Bigyan din nawa ng tapang ang mga may sala, tapang para akuhin ang responsibilidad ng kanilang nagawa.
Pagpalain tayong lahat ng Lumikha.
Huwebes, Setyembre 19, 2013
Dining with the Istars
"Kuya asa loob ba sila Enchong Dee?" tanong ng dalagang nakatungo sa harang at sa gilid ng balikat ng bruskong kalbong bodyguard. "Oo" maikling balik ko. Nagtanong ulit sya ng "Nagpapicture ka?" binalikan ko ng mabilis at malumanay na "Hinde" hindi ko inasahan ang kanyang sagot. "TARAY!".
Eto ang ekse nuong nakaraang linggo ng maabutan kame [Naks!] nila Enchong Dee, Julia Montes, at Jed Madela sa kaninan na ang espesyalidad ay ang malalaking talangka sa isang mall sa Subic.
Tahimik kameng naghahapunan ng dumadundong ang sahig at animoy merong aklasang nagaganap sa labas ng restawran. Ayun pala e pumasok na ang mga taartits sa kinakainan namen, galing sa kanilang mall show para sa kanila soup [soap pala] opera sa HEBIHES-SIBEHEN.
Napabilib ako dahil sa kapal ng taong nagmasid at naki UZI sa mga bagito at bagitang ito, inaamin ko naman, dalawang paligo lang ang lamang ko kay Enchong at isang linggong kus-kus naman lamang ng Misis ko kay Julia Montes, si Jed Madela, ayus lang [hahaha], na talagang mga artistahin ang dating [malamang, tanga ka ba, kaya nga artista sila e].
Sandamakmak din ang mga naglalakihang body guards na nakapalibot sa kanila na alam na alam mong kahit singa lang nila pag tumama sa yo e matutulog ka. Sa kapal ng mga bantay nila e mistulang si PNOY ang kumakain sa loob kasama ang kanyang trusted ally na si Napo... Mar Roxas pala.
Naisip ko tuloy kung gaano kahirap ang maging isang sikat, isipin mo napakasarap ng kinakain mo pero dapat naka poise ka parin, kase pag nakita kang pangit sa Instagram o Facebook habang nilalantakan mo yung sipit ng malakaing talangka e katakot-takot na batikos ang makukuha mo.
Hindi ka makakapag isaw sa may UP dahil syempre dudumugin at magkakanda duling duling ka sa mga flash ng camera ng mga kabataang babae at mga ermats na super diehard sa mga artista in general.
[Tapos syempre asa PEUPS ka na malapit din sa THE ATENEO, hindi mo maiiwasang batikusin ng mga EEEWWWWIIIEEE-SUPER-DUPER-SOSYAL-ANAK-NG-POLITIKO-or-BUSINESS-MAN-NA-DAWIT-KAY-NAPOLES-WITH-MATCHING-ROLLING-OF-THE-EYES-WHO-THE-HELL-DO-YOU-THINK-YOU-ARE-BRATS]
Hindi ka makakapagmall or kung makakapag mall ka man ay parang kang timang, kase isipin mo naglalakad kang merong umaaligid aligid sayong mga utaw at paminsan-minsay nanakawan ka pa ng litrato.
Kaya mas pinili ko nalang maging pribado [wag na kayo kumontra, nakikibasa nalang nga kayo e].
Nauna na kameng lumayas kase bukod sa bawal silang lapitan, trip kase ni esmi na pakunan si Mikay larawan sana sakinala, e tapos na din kameng lumantak at oras na ng pagtulog ng pinaka maganda kong prinsesa.
Habang kami ay paalis ng restawran para bang nagpapaligsahan silang tatlo kung sino ang unang makakabukas ng malaking talangka ng pinakamabilis.
At dahil sa tipono at tindig ng wangkata alam na alam kong si Enchong ang mananalo, ibig ko sanang icheer si Enchong para mas lalo syang ganahan pero baka mapahamak lang ako kaya hindi ko na tinuloy.
Ang naisip ko sana kaseng cheer ay ENCHONG GO! ENCHONG GO! ENCHONG!
Biyernes, Hunyo 7, 2013
Sipag o Suwerte
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang argumento ko sa paksang ito. Sa di nalalayong panahon ay nagkaruon kame ng balitaktakan ni misis kung ang pagiging masipag ang susi sa matiwasay na buhay o swerte lamang. Siya ay sa una at ako sa huli, na merong bahagyang halo ng una.
Ang argumento nya pag nagsipag ka papasok at papasok din ang swerte sayo, ang akin naman, pag sinuwerte ka, tapos magsipag para hindi mawala, para bang, pag nabigyan ka ng break sa buhay, wag mo ng bitawan pagsikapan mo at gagantimpalaan ka. Merong point si misis at mas nakararami ang sasangayon sa knya, tyak yan, ang mga taong abnormal lng na gaya ko ang maniniwala sa huli.
Pero ianalyze nyo, ang mga kapatid nating mga labor worker, araw-araw nagbabanat ng buto yan kulang nalang ipalit nila yung muka nila sa semento kakatrabaho pero ang ending sa siksikang bus parin ang bagsak nila papauwi, hindi mo namang masasabing tamad yang mga yan, kahit na sa cavite pa nakatira yan at sa may san jose del monte bulacan ang trabaho nila, hindinghindi nalalate yang ma yan, sayang ang kaltas.
Ibaling naten sa kabilang pahina ng buhay, yung mga sakyutib na sinuwerte lang na nabigyan ng break, ay iba ang pagkudkud sa maghapon, de aircon na opisina, malambot na upuan, laptop, starbucks, at suv-ng modelo ang gamit sa pag uwi. At kahit dalawang tambling lang ang layo ng bahay nila sa opisina ay nalalate pa gawa ng natrapik sila, oks lang sa knila yun, la namang bawas sa sweldo e, kung meron man barya lang, hindi ramdam. Saang daan ako papunta kung inyong tatanungin, simple lang, hindi lahat ng masisipag ay nabibiyayaan, kung tutuo man yang kasabihan na yan, lahat sana ng nagoopisina o bumabangon sa umaga o gabi para magtrabaho at kumayod, ay ubod na ng yaman, sana tutuo pero malabo.
Bibigyan ko kayo ng analization by comparisson, wala sigurong pinagiba si john gokongwei sa mamang nag dedeliver ng jaryo tuwing umaga, bike? check. good? check. clientle? check. etc. etc. pero si gokongwei ay naka jackpot, suwerte, kaya ayun isa na sya sa pinakamayamang tao sa pilipinas, habang si mamang jaryo ay ayun parin, pajak dito pajak duon, tapon dito tapon duon.
Parehas silng masipag pero hindi sila parehas na sinuwerte, consistent din sila sa pag sisipag kase hindi yayaman si gokongwei kung tamad sya, at hndi rin magpapatuloy na magdeliver si manong ng jaryo kung tamad sya. Parehas silang masipag, pero hindi sila parehas na mayaman, at hindi rin sila parehas na sinuwerte.
Siguro sa pagtatapos, isa ito sa mga walang kamatayang argumento tulad ng sa manok at itlog, may kanya kanyang pananaw at paniniwala. Pero isa lang ang sigurado, hindi ka tamad at lalong hindi ka malas kung higit sa tatlong beses ka nakakakain sa luob ng 24 oras.
PS. Pasensya na kayo kung walang sense, kinati lang kamay ko sa pagsulat.
Ang argumento nya pag nagsipag ka papasok at papasok din ang swerte sayo, ang akin naman, pag sinuwerte ka, tapos magsipag para hindi mawala, para bang, pag nabigyan ka ng break sa buhay, wag mo ng bitawan pagsikapan mo at gagantimpalaan ka. Merong point si misis at mas nakararami ang sasangayon sa knya, tyak yan, ang mga taong abnormal lng na gaya ko ang maniniwala sa huli.
Pero ianalyze nyo, ang mga kapatid nating mga labor worker, araw-araw nagbabanat ng buto yan kulang nalang ipalit nila yung muka nila sa semento kakatrabaho pero ang ending sa siksikang bus parin ang bagsak nila papauwi, hindi mo namang masasabing tamad yang mga yan, kahit na sa cavite pa nakatira yan at sa may san jose del monte bulacan ang trabaho nila, hindinghindi nalalate yang ma yan, sayang ang kaltas.
Ibaling naten sa kabilang pahina ng buhay, yung mga sakyutib na sinuwerte lang na nabigyan ng break, ay iba ang pagkudkud sa maghapon, de aircon na opisina, malambot na upuan, laptop, starbucks, at suv-ng modelo ang gamit sa pag uwi. At kahit dalawang tambling lang ang layo ng bahay nila sa opisina ay nalalate pa gawa ng natrapik sila, oks lang sa knila yun, la namang bawas sa sweldo e, kung meron man barya lang, hindi ramdam. Saang daan ako papunta kung inyong tatanungin, simple lang, hindi lahat ng masisipag ay nabibiyayaan, kung tutuo man yang kasabihan na yan, lahat sana ng nagoopisina o bumabangon sa umaga o gabi para magtrabaho at kumayod, ay ubod na ng yaman, sana tutuo pero malabo.
Bibigyan ko kayo ng analization by comparisson, wala sigurong pinagiba si john gokongwei sa mamang nag dedeliver ng jaryo tuwing umaga, bike? check. good? check. clientle? check. etc. etc. pero si gokongwei ay naka jackpot, suwerte, kaya ayun isa na sya sa pinakamayamang tao sa pilipinas, habang si mamang jaryo ay ayun parin, pajak dito pajak duon, tapon dito tapon duon.
Parehas silng masipag pero hindi sila parehas na sinuwerte, consistent din sila sa pag sisipag kase hindi yayaman si gokongwei kung tamad sya, at hndi rin magpapatuloy na magdeliver si manong ng jaryo kung tamad sya. Parehas silang masipag, pero hindi sila parehas na mayaman, at hindi rin sila parehas na sinuwerte.
Siguro sa pagtatapos, isa ito sa mga walang kamatayang argumento tulad ng sa manok at itlog, may kanya kanyang pananaw at paniniwala. Pero isa lang ang sigurado, hindi ka tamad at lalong hindi ka malas kung higit sa tatlong beses ka nakakakain sa luob ng 24 oras.
PS. Pasensya na kayo kung walang sense, kinati lang kamay ko sa pagsulat.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)







