Biyernes, Agosto 12, 2011

POC Director Col. Jeff Tamayo

Nakakatuwa naman si Director Jeff Tamayo ng POC, kase hindi pa sya nakuntento sa pag tawag ng AMPAO at MATATANDA na ang mga kampiyon nating mga mananagwan, eto na naman at binabanatan na naman nya ang mga huli, dahil ayon daw sa kanya, ang mga nakalaban daw ng mga Dragon Warriors naten ay mga baguhan, at kung ikukumpara daw sa kanila, ay walang binatbat.
Parang nilaban mo daw ang mga UAAP players kila Kobe Bryant, ganoon ang kanyang gustong palabasin.
Sir naman, anu ba ang gusto mong palabasin at panay ang banat mo sa mga taong nagbuhat ng bangko nateng mga pinoy at nagbigay ng karangalan? Anu ba ang ginawa nila sayo at parang gusto mo silang ibasura at itapon sa kangkungan inspite ng pagdala nila ng mga ginto sa pangalan ng Pilipinas?
Sir, favor lang, tigilan mo na hindi ka nakakatulong, kaya itigil mo na yang pagpuputak mo, para kang matandang nagpuputa (no pun intended).
Nakakalungot lang isipin na meron paring mga utak biyang katulad ni Director Jeff Tamayo na ang pagaasta ay isa sa mga cancer nating mga pinoy.
Sir maging thankful nalang tyo at ipagpasalamat naten ang pagbigay nila ng karangalan sa Pilipinas, pag hindi ka pa tumigil, papaluin na kita ng sagwan sa bibig mo. matae ka sana sa pantalon mo.

Martes, Agosto 9, 2011

Dragon Warriors - Philippine Dragon Boat Team

Ipagpunyagi ang mga magigiting na mananagwang Pinoy na nag uwi ng 5 ginto at 2 pilak na medalya mula sa bansa ni Uncle Sam sa kakatapos lang na paligsahan sa pagsagwan.
Nakakalungkot mang isipin, ayon sa PSC hindi sila maaring bigyan ng reward sa pag bigay ng karangalan sa bansang Pilipinas dahil hindi na sila maituturing na National Team.
Anak ng bakang dalaga, kahit pala maubos ang bayag mo sa kakasagwan para lang maipakita mo ang galing ng Pinoy, hindi parin sayo ibibigay ang kakapiranggot na pagkilala, dahil tinuring kang the prodigal son.
Ang galing ng PSC, hindi na kayo nasiyahan sa pag tanggal nyo sa kanila at pag alis ng suporta, hindi nyo pa sila bibigyan ng kunsuwelo de bobo manlang, muntik muntikan na nga silang hindi makasali dahil ayaw nyo silang bigyan ng pamasahe at suporta, kung walang nag sponsor sa kanila, malamang sa malamang, walang medalya at walang karangalan.
Sa mga magagaling na lider ng PSC, sana pag uwi ng ating mga magigiting na mananagwan wag kayong isakay sa kanilang dragon boat at ipasyal sa manila bay, tos pag asa kalagitnaan na, kayoy isa isang itapon at iiwanan, matae sana kayo sa mga pantalon nyo.
Sa ating DRAGON WARRIORS at sa mga atletang Pinoy na hindi nabibigyan ng kaukulang suporta at pagkilala, MARAMING MARAMING SALAMAT! MABUHAY ANG LAHING BROWN!

Biyernes, Agosto 5, 2011

Nuon at Ngayon

Nung bata ako, napakadaling maghanap ng kalaro, laki ako sa kalye ng lipton sa Filinvest.
Wala pang mga bahay sa amen, kaya tanaw na tanw mo kung may mga bata ng naglalaro sa kalye, kahit na limang kanto pa ang layo.
Pag nakita na ang mga kalaro, kakaripas na ako ng tagbo papunta sa umpukan para umpisahana ang paborito nameng laro, Agawan base.
Nung tumanda ng kaonte, iba na ang hilig ang pagtambay sa bahay bahay ng mga barkada para palihim na manunuod ng bold movies na kung saan wala pang peke, all-natural ika nga, at ang mga buhok sa katawan ng mga bida ay umaatikabo pa sa kapal, kasabay nito ang paligsahan nameng mag kakaibigan, ang unahan. (wink wink).
Konting taon pa ang lumipas ang pinagkakaabalahan na nameng mag babarkada ay ang palihim na pag hithit ng sigarilyo sa may tanke ng tubig ng barkada namen at ang pag inom ng alak na ang pulutan ay minsan siopao o kaya naman ay ang nagyeyelong monggo na ilang araw na ang tanda.
Kaonti pa, nagkalisensya na kameng lumabas at gumimik, patok na patok ang padis point sa antipolo, green hills, at timog. naging ugali din nameng mag uwi ng memorabilya kung saan kame mapunta. ash tray, coaster, pinggan, kutsara, tinidor, o kahit anong bagay na pwedeng ibulsa. meron pa kameng isang experience kung saan nakakuha kame ng mga chicks sa jaloux na ang akala ng lahat ay patok na patok ang mga itsura pero lahat at nawala ng sumikat na ang araw.
Lumipas ang maraming taon, ang iba nangibang bansa, ang iba nagka anak, nagka asawa, in short ang lahat ay may sari-sarili ng buhay, kasabay nito ay ang onti-onting pagkapatay ng aming pagkakakita-kita at pagsasama-sama.
Kung dati ay kaya kong tanawin ang layo ng limang kanto ngayon kahit ang kapit bahay namen ay hindi ko na matanaw.
Kung dati ang pag nuod ng bold ay mortal sin, wala na itong challenge dahil anytime pwedeng pwede na.
Kung dati ang pag inom at paninigarilyo ay dapat ilihim at nagbibigay ng ibang satispaksyon, ngayon ang tanging silbi nito ay ang pag tanggal ng kabwisitan sa buhay opisina.
Kung dati ang pag kikita-kita at pag gimik ng magkakasama ay napaka dali ngayon ay swertihan nalang.

Miyerkules, Agosto 3, 2011

What are the odds?

What are the odds? on my way home from work, no plans of drinking, ready to hit the sack and call it a day.
But LO and BEHOLD, on the marquee, NOLI AURILLO, after that everything changed.
Parked my car, ordered a beer and off to an awesome musical night with a legend.
And to make it even sweeter, CUBA LIBRE is served.
Now that's what I say WHAT ARE THE FREAKIN ODDS?
Am on my first weapon of choice. Cheers!!!

Huwebes, Hulyo 28, 2011

Ang tanging hiling

Isa lang ang aking hiling sa bukas na darating... Sabay-sabay kaming gigising sa isang umagang maningning...

Miyerkules, Hulyo 27, 2011

Tropical Banter

Happen to stumble on this awesome shit over the weekend in Olongapo. As shown on the picture, it's manned by none other than the legends Basti Artadi and Tirso Ripol. It's all about good, intelligent, rock on, hilarious, full of music bantering. You can watch it on your PC or download it on your IPOD and shit. This is one good shit and dont miss it our and go see for your self. happy bantering. Not for kids though, it has a lot profanities which makes the shit so good. Paps, must check it out, they have a lot of good covers of Neil Young and shit you'll enjoy it. here's the link - http://battleaxenetwork.com/tag/tropical-banter-2/

Martes, Hulyo 19, 2011

Tandem Cinema

Namulat ang aking mga mata sa makasaysayang tandem cinema sa may recto nuong akoy asa grade 6 nung dalhin ako ng aking nakakatandang pinsan para manuod ng isang R18 na palabas, na dobol screening pa.
Nuong una akoy nagtataka kase nga ang nakasanayang sinehan ay hindi pwede ang mga bata sa ganitong mga palabas, akoy nagulat nung kami ay papasukin ng hindi manlang sinisita.
pagpasok palang sa sinihan ay putok na putok na ang amoy ng klorox at animoy parang natapunan ng isang trak ng sofdrinks ang sahig sa lag-git.
Ang pinanuod namen nuon ay ang pelikula ng nagiisang Robin Padilla at Vina Morales na ang Utol kong hudloom at kadobol nito ang pelikula ni Jestoni Alarcon at Gretchen Barreto na nakalimutan ko na ang title pero tandang tanda ko pa na ang kontrabida ay si John Regala.
Fast forward, 3rd year high school, tamad na tamad akong pumasok sa eskuwela sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, ang siste habang nag aabang ng masasakyan, sakto namang paalis ang isang barkadang de oto, ayos sakto, sumakay ay sumama sa may bandang tayuman, sa may jolibee, para sa sunduin ang kanyang nobya, para ihatid sa san sebastian sa may recto.
Ang sabe ko sa barkada ko hanggang recto lang ako, kase may bibilhin akong libro o thesis, pero ang dahilan, akoy manunuod ng R18 na sine sa Tandem Cinema, perkpek na perkpek, nakakain na ko ng pananghalian ng libre, dahil sa barkada, at dahil dobol screening ang palabas, sakto pag labas ko ng sinehan, uuwi na ko dahil tyempo na ng uwian sa eskuwela.
Bayad sa tiket, pasok sa sinehan, hanap ng upuan, tos aksyon na!!!
Habang akoy bising-bising nanuod ng mga maiinit na eksena, merong isang mamang may bigote, naka white tshirt na nakatuck sa kanyang maong na pantalon, na may bitbit na itim na jacket ang tumabi sa akin.
Nuong una akoy nagtaka dahil, sa dinami daming bakanteng upuan at maluwag na puwesto, bakit sa tabi ko pa ito naupo, taena, naputol ng bahagya ang ginagawa, pero pag tapos ng kanyang pag upo, balik sa telon ang aking mga mata.
Maya-maya, meron akong naramdamang kamay na huma-hawak sa aking binti papalapit kay EHEM!!! dagli-dagli akong tumayo tiningnan ang mama, sabay sapak sa muka, tos takbo sa malapit na CR at nagkulong sa nagiisang bakanteng cubicle, na nakasaksi na ng napakaraming makamundong pagkakasala ng ibat-ibang parokyano ng nasabing sinehan.
Habang tagaktak ang pawis at bilis ng hininga, sya ring bilis ng aking isip sa pagkuha ng takip ng inidoro (yung takip ng lalagyan ng tubig para sa flush nito) kung sakaling papasok ang mamang bakla at akoy patulan o kung ano man.
Pero nakalipas ang ilang minuto ay walang nangyare, dahan-dahang lumabas ng cubicle at sa CR nagmamasid kung asan ang mama, sinipat ang dating kinauupuan at wala na sya ruon, naglaro sa aking isip na umalis na o mag iba ng pwesto dahil maaga pa at pag umuwi ako ng maaga, yari ako kay mudra, at syempre dala na rin ng kapusukan.
Naupo ulit ako at ibinaling ang mata sa telon para saksihan ang mga umaatikabong eksena, pagtapos ng makailang minuto, at lumiwanag ang eksena sa pelikula, parang may nag utos sa akin na lumingon sa aking likuran, pag tingin ko sa likod, anduon ang mamang bakla na nagtangkang manghipo, na parang nakatingin sa akin at ready to attack anytime, parang syang isang leon na naka kubli sa damuhan at anytime dadamba sa kanyang prey.
Bumilis ang pintig ng puso tumagaktak ang pawis sa nuo at kili-kili, dali-dali akong tumayo at tumakbo papalabas ng sinehan hanggang ISETAN MALL.
Sakto, pagdating ko sa Isetan nakita ako ng utol ko na pumapasok sa MAPUA sa unang baitang ng college, buti nalang meron din syang pasok at that time at parehas kame ng nasabe sa isat-isa.
HINDI KA PUMASOK ANO!!! madalit sabe, sabay kaming umuwe at hindi sinumbong ang isat-isa.
Hindi ko sinabe sa kanya ang pangyayareng ito at marahil, gaya ng mga nakakakilala sa akin, kasama ni utol, alam na nila kung bakit hindi ako makanuod ng sine ng nag iisa, kahit na anong palabas at kahit sa anong sinehan.