hayaan nyong ikwento ni master labo ang mga pangyayare at kaganapan sa buhay-buhay ni udubugdabugs ukol sa kanyang sariling pananaw at opinyon...
Lunes, Marso 25, 2013
Nangina nga aldaw
Nuong kamey mga asa elementarya palang ay madalas ang aming pag uwi sa probinsya pagsapit ng kwaresma. Gamit ang aming ever reliable '85 toyota coralla DX, PAW 503, sama-sama naming babaybayin ang kahabaan ng expressway hanggang pampamnga hanggang tarlac hanggang Cuyapo Nueva Ecija. Magsisimula ang aming lakbay sa kahabaan ng commonwealth ave na datiy 4 lanes lamang, north at south bound na. Tatahakin namen ang north ave, hanggang edsa palabas ng expressway. Kung suswertehin ay si paps ang magmamaneho si mams sa shotgun, at kaming tatlo ay karambola sa likod. Masayang magbiyahe nuon, hindi masyado maiinit at hindi pa gaanong trapik, at ang pag gamit ng seatbelt at AC ay pang mayaman lang. Hudyat ng bulacan ang mga pine tree sa gilid ng daanan, ibig sabihin, malapit na kayo sa napakahabang tulay, na hinehele ka habang itoy binanaybay, dahil sa disensyong pag laro nito sa alon ng mga sasakyan. Maglalaro kame ng hulaan sa mga nakatalikod na ads at kung sino ang matalo ay pitik sa tenga ang parusa. Pag lampas ng mahabang tulay, ang pinaka masarap na parte ng biyahe, kase ibig sabihin ay Dau na at eto ay mistulang stop over ng lahat ng nagpapanorte. Pag alang sumpong si paps ay makaka meryenda kame (peace paps). Eto na rin ang hudyat na ikay babay-bay sa bayan ng mabalacat papuntang bambam tarlac, kung saan makikita ang dulo at memorial ng Death March, at dto ka rin makakakita ng daan-daang namamatang nag pepenitensya. Anjan kang naghahampas sa likod ng taling merong maliliit na pirasong kawayan, buhat buhat ang mabigat na krus, dumadapa ng naka dipa sa mainit na batuhan, at kaliwa't kanang pasyunan. Hindi rin kumpleto ang biyahe mo pag hindi ka naabala ng mga truck ng tubo na papuntang azucarera sa hacienda luisita, pero daig mo pa ang nagpipinetensya kung kasunod mo ay labindalawang truck ng tubo, dahil malamang sa malamang ay mapapahaba ang biyahe mo. Malalaman mo ding asa Tarlac city ka na kung bahagyang babagal ang takbox ng trapiko, dahil naman dito mo halos makikita lahat ang paradahan ng mga pang probinsyang bus. Victory, Dagupan, Rabbit, Baliwag, Viron, Pantranco, atpb, dito rin ang opisyal na stop over ng mga bus station. Ilang hintay nalang at mararating mo na ang gerona tarlac na ang sasalubong sayo ay ang istatwang ibong geron. Ilang usad pa at maabot mo na ang paniqui tarlac, madadaanan mo din ang historical ng maituturing na PNB dahil mula ng ako'y mag kaulirat ay syay isang banko na at hindi pa nagbabago ng anyo at lokasyon (hanggang ngayon). Pagkalamas ng paniqui ay dapat ka ng kumanan sa may anao tarlac, dadaanan ang riles ng treng niluma na ng panahon at kalawang, ilang minuto pa ay maabot mo na ang nampicuan, katulad ng cuyapo, itoy malayong bayan ng Nueva Ecija. Pagkalampas mo lng ng hacienda ay mararating mo na ang barangay cabauangan, ang boundary ng nampicuan at cuyapo. Unang brgy ng Cuyapo ang bentigan, at ang ibig sabihin nito ay wala pang samping minuto ay sa bayan ka na. Hindi rin nakakaligtaan ang pag busina sa waiting shed ng lawak, ang sabe ng marami meron daw nangungua duon, para ka lang nakikiraan, kaya ika'y bubusina. Pagdatinglo ng bayan, bubungad sayo ang San Roque parish church, sa kaliwa ay ang municipio at sa kaliwa ay ang tindahang yero. Pag kaliwa ng sasakyan dito ay ang hudyat na nagsisimula na ang aming summer vacation.
Linggo, Marso 24, 2013
Puor
Pulang-pula ang kalangitan. Nagpuputukan ang mga lata ng sardinas at cornbeef sa naka-pakang pwesto ni aling iska. Hindi magkanda ugaga amg mga may ari ng tindahan, kawatan, at usisero sa pag kuha ng mga pwedeng isalba sa bigasan ni mang poldo. Hatungal na lang ang nagawa ni aling iska ng makita ang tindahang halos ding-ding nalang ang matira ng dahil sa sunog na nagsimula sa mga lumang kawad ng kuryenteng buhol-buhol na ni minsan ay hindi pa nasilayan ng tiga panelco nung itayo ang palengke. Nang hina ang nakaduting bumbero nung nakita nyang umaapoy ang langit sa malapit, alam na alm nya kaseng isang himala lang makakaapula sa nagaganap na delubyo, pero kahit gayon taas nuo syang sumakay sa kakarag karag na truck para puntahan ang sunog. Halong kaba at pangamba ang naramdaman ni earl nang makita ang mga umaasang tao sa kalye. Kasabay ng lonang bubong ng palengkeng naabo ang mga kabuhayan at pangarap ng daan-daang nasunugan. Pero sabe ni mang gusting masayahin, ayus lang yan, marami namang bumbay.
Miyerkules, Disyembre 19, 2012
Boy Praning/Christmas Wish
Ilang araw lang ang nakakalipas ng unang atakihin ng hika ang aming unica hija ng walang kaabog-abog, walang sensyales ika nga.
Dati rati kase pag sinusumpong sya ay uunahan muna ng walang puknat na ubo kaya kame ay somewhat handa na.
Pero nitong huling araw e bigla biglaan lang, natutulog kame at nagising nalang si misis na naghahabol na ng hininga ang aming mikaela.
Ako ay napraning dahil ganun na ganun ang eksena nung siya ay nag seizure sa ospital, pre-shunting nya for hydro, lahat tulog katabi nya si misis at parang may nanggising kay misis dahil inaatake si mikay.
Karipas pababa ng bahay para kunin ang kanyang inhaler para sa kanyang hika, parehas din ng scenario nung akoy kumaripas ng takbo palabas ng kwarto namen papuntang nurse station para humingi ng tulong 2 taon na ang nakalilipas.
Bumalik ulit sa akin ang takot na naramdaman ko nung sya ay inatake, hindi na naman ako makatulog at pinagmamasdan kung siya ay humihinga pa. Praning na kung praning pero hindi nyo ko marahil masise.
Nang hindi ko na makayanan ang aking kapraningan ay pinuwersa ko ng ipunta si mikaykot sa ER para mawala ang aking kaba.
Alas singko ng madaling araw dali daling nagpunta ng ospital para ipasuri ang unica at buti nalang wala ng narinig ang mga doktor na hissing sound sa kanyang paghinga. Salamat sa Diyos.
Hindi ako praning na tao at hindi rin ako taranta. Kesehodang may nagpapatayan o may mga bumabagsak na tipak ng bato sa gilid ko ay hindi ako magkukumaripas ng takbo. Pero pag dating sa aking anghel, ay ibang usapan na.
Pagtapos nito ay alam ko na ang tanging hiling ko sa pasko, at gaya ng sa mga nakaraaang pasko, sanay ilayo at alisin na ang mga sakit ni mikaela.

Miyerkules, Oktubre 3, 2012
Ward 434
Hindi nya mapigilang umiyak habang tumingin papalayo ng magpaalam sina Mang Berto na makakalabas na rin pagkalipas ng halos isang buwan sa loob ng ward 434.
"buti pa sila makakalabas na" saad niya sa sarili "kami kaya kailan?" dugtong niya.
"O Delya, mauna na kame, wag ka magalala makakaraos din tayo" sabay tapik ni Aling Isang sa balikat ng matanda. ngiti lang ang isinukli ni Delya sa matanda.
Mahigit isang buwan na sya sa loob ng ospital hindi dahil sa sakit, pero dahil sa babayaring lumobo na ng lumobo dahil sa katagalan nya sa ospital.
Dalawang oras ng makalipas ng dumating ang kanyang mister, si Mang Isko, galing sa PCSO para humingi ng tulong.
"O asan na sila Mang Berto?" takang tanong nito sa asawa, "umuwi na, nakahiram daw sila sa kumare nilang taga istate" sagot nito sa asawa.
"kamusta ang lakad mo?" tanong ni Delya sa asawa.
"Bumalik daw ako sa lunes, para sa interview, tapos maghihintay daw ng ilang araw baka sakale" sagot ng asawa.
napapikit nalang si Delya sa sagot ng asawa, wala itong magawa, dahil pangatlong balik na nila dito para humingi ng tulong para sa kanyang gamutan.
"Nay, si Tessy tumatawag" saad ni Isko sa asawa.
"Hello, kumare?" sagot ni Delya "meron ba? parang awa mo na, para makalabas na ko, babayaran din kita pag lakas ko." paiyak na tanong ni Delya.
"mare, pasensya na, lahat ng kakilala ko nilapitan ko na, pero wala pa rin e, pasensya na" malungkot na sagot ni Tessy. Napaiyak nalang si Delya sa narining sa telepono.
Paikot-ikot, padapa, patihaya, patagilid, kahit na anong pwesto ang gawin ni Isko sa pagtulog ay hindi nya magawang makuha ang tulog, dahil na rin sa problema at pagisip ng pagkukunan ng pambayad sa ospital.
Nagulat nalang ito ng makitang nakangiti sa kanya ang asawa at sabay sabing, "may awa ang Panginoon Isko" sabay pikit. Sa nasaad ng asawa kahit papano ay napawi ang alala nito at nakuha rin ang tulog.
Alas syete imedya, oras ng bigay ng pagkain, pandesal at kape ang rasyon nila, gaya ng mga nakaraang araw, nuong una ay lima sila sa kwarto pero sa pag dating ng mga araw ay isa-isang nagsiuwian ang mga kakwarto nila hanggang sila nalang ang naiwan.
"O sige Delya, tigisa tayo sa tinapay, babaunin ko na to, pupunta ko ng city hall, kay mayor, baka sakali ulit, siguro naman sa dami ng humihingi sa kanya e makaulit tayo" saad ni Isko na animoy merong bagong lakas at sigla. tumango lang at ngumiti si Delya.
"kumain ka ha, wag mo na ko alalahanin, makakadiskarte din ako" bilin nito sa asawa kahit na alam nitong pamasahe lang ang laman ng kanyang bulsa.
Alas singko na ng natapos si Isko sa city hall, maganda ang resulta ng kanyang lakad, sabay para sa jeep na sasakyan, hindi nya mapigilan ang sarili sa pag ngiti habang papasakay, sabay isip, "magugustuhan ni Delya ang balita ko".
Bumangon si Delya sa kama at sabay tumungo sa bintana na tanaw ang mala dagat ng kotse at naggagandahang bahay sa paligid ng ospital.
"Napakahirap talaga ng walang pera" saad nito sa sarili. "Nay, eto na po ang gamot nyo, wag nyo po kalimutang inumin ha" bilin ng nakaduting nurse sa pobreng pasyente. tumango lang si Delya.
Ng dahil sa pagpila sa maghapon, hindi na naiwasan ni Isko ang maidlip sa loob ng sinasakyang jeep, kumukumpas ang kanyang ulo sa pag uga ng jeep.
Nagkatinginan sina Ben at Poldeng sabay senyas sa hawak ng mamang natutulog, "HOLDAP TO" sigaw ng dalawa, "wag kang titigil kung hindi sasaksakin kita" panakot ni Poldeng sa Drayber.
Nagulat si Isko sa narinig sabay yakap sa brown envelope na hawak. "Ikaw, akin na yang hawak mo" sigaw ni Ben kay Isko. "wag po kailangan ito ng asawa ko asa ospita..." BANG!!! umalingawngaw ang putok ng baril sa loob ng jeep at humandusay sa kinauupuan si Isko dahil sa tama ng baril sa ulo.
Karipas sina Ben at Poldeng sa takbo habang bitbit ang mga nakulimbat sa mga pasahero, ng makalayo ay dali-daling tiningnan ang mga nakuha.
"tingnan mo agad yung envelope parang pera" pagmamadali ni Poldeng sa kasama
Dali-daling binuklat ni Ben ang envelope pero puro papel lang ang laman, ng walang makitang pera ay itinapon nalang ito sa tabi, sabay tangay ng tubig papuntang estero ang appointment paper ni Mang Isko kay Mayor para sa pag hingi ng tulong pinanshal. "tang inang matanda yun nagpabaril dahil sa papel, bobo amputa." nakangiting saad ni Ben.
Message Sent! ngumiting ibinulsa ni Fred ang kanyang cellphone ng biglang may kumalabog, na animoy may nahulog na mabigat at malaking bagay, sa likurang bahagi ng gusali, dali-dali itong tumakbo upang usisahin ang lumikha ng malakas na ingay.
Nagimbal nalang ito ng makitang isang matandang babae na wala ng buhay ang may gawa ng malakas na ingay.

Martes, Setyembre 11, 2012
Changing Lanes
Have you been caught in a situation wherein you're about to go somewhere, but, you have no freaking idea or its crazily vague where you want to go? And to add, someone depends on your decision.
Left? Right? Straight? or go back? and the hardest thing is you have no idea what will be outcome of your decision? hopefully it will be the right one, but if it ain't the right one, you need to endure the pain.
Changing lanes is a very risky move and rewarding at the same time, risky in a sense that you might get lost again, when you're already lost, might get hit or swept by a passing car or whatever, or you can be at your destination faster than you expect or move ahead of other vehicles when and if you made the right lane.
Goes the same with life... many chose the right path... but a lot did the wrong one... hoping that am making the right and rewarding turn this time...
Biyernes, Hunyo 8, 2012
Penelope "Pin" Altamonte - Ang Alamat ng Pinya
Si Pin ay isang kolehiyalang sosyal na nag aaral ng interdisciplinary studies sa Ateneo De Manila University. Mabait at matalinong bata si Pin, pero meron syang kakaibang ugali na hindi naayon sa unang dalawang kagandahang asal, ito ay magtanong imbes na maghanap.
Alas sais ng umaga, tumunog ang alarm sa IPHONE 4S ni Pin, hudyat para sa pag bangon sa super lambot na kama sa napakalamig na kwarto.
"Yaya Maring!" sigaw ni Pin sa tagapag alaga. "Where's my sleepers, I need to take a bath na, don't want to be late, I have exams pa" sunod ni Pin sa pobreng Matanda.
"Anjan lang yan Pin sa ilalim ng kama mo, silipin mo." mabait na sagot ni Aling Maring sa alaga. "Oooops, there you go." sagot ng dalaga. "got it na yaya, thanks." pabuntot nito.
"Pin breakfast ka na, 8 :30 na, baka malate ka" saad ni yaya maring sa alaga. "almost done yaya, thanks, have you seen my phone pala yaya? can't find it e" tanong ulit ng alaga.
"Check mo sa side table mo, hindi pa ko nag aayos jan." pailing na sagot ni probeng matanda.
"Got it yaya, need to text Jenny to bring the materials we need for the up coming event sa school." saad ni Pin.
Anim na taong palang si Pin ay si yaya Maring na ang kanyang tiga alaga, dito na rin ito tumanda at parang inakong sariling anak na rin si Pin, sa kadahilanang halos sa kanya na ito lumaki dahil sobrang busy ang kanyang mga magulang sa pagpapayaman.
Ang hindi nya lang maisip ay bata palang si Pin ay sobrang matanungin na ito mas lalo na sa kanyang gamit, makailang beses na ding pinaalahanan ni yaya Maring si Pin sa kanyang napapansin sa kanyang di kanais-nais na pag uugali, pero hindi pa rin ito nagbago.
Ilang araw bago ang school event nila Pin, nag pasyang mag sleep over ang mga kakalse nya sa kanilang bahay, para pag lamayan ang kanilang ginagawang logo at dekorasyon sa kanilang PAIRING BOOTH, na kanilang gagamitin sa nalalapit na school fare.
Dahil sa kasunduan nilang magkakaibigan, na hindi sila kukuha ng anumang tulong sa kahit kanino sa pag gawa, nag bigayan sila ng mga gagawin, toka-toka kumbaga.
Habang ang iba ay pag gupit at pag dikit at toka, si Pin pag pintura ang nakahiligan, dahil narin sa kanyang hilig sa pag pinta.
At dahil centralized ang aircon nila sa bahay, sa may garden ito nag pipintura ng kanilang plywood na booth.
Sa makailang pagkakataon, nakailang beses din itong nakatanong sa kanyang mga kagrupo ukol sa mga gamit nya sa pag pinta, gaya ng nakasanayan, inuuna ni Pin ang pag hanap gamit ang bibig kesa ang mata.
"Penny?" sigaw ng dalaga. "have you seen the green paint? I need it kase to repaint the inner part e." tanong sa kaibigang gumugupit ng bilog na logo at lettering na ilalagay nila sa booth.
Sasagot na sana si Penny kung saan, pero si Mina ang sumabat ng pasigaw, "Pin, all the things you need is with you, please use your eyes not your mouth." painis na sagot ng dalaga, marahil na rin siguro sa pagod at pagkadismaya niya sa hindi kagandahang ugali ng dalaga.
Pag tapos na pag tapos nitong sumigaw, bumulong ito sa sarili at sinabing "Hope eyes will grow all over you so wont be asking no more." sabay punas sa nuong ginigilidan ng pawis at pagod.
Makalipas ang ilang oras, tapos na ng iba ang kanilang sariling toka, at oras na para ipag dugtong dugtong ang mga gawain, sa mga nakalipas na oras ay hindi na rin nila nakarinigan si Pin mula sa labas.
Habang sila ay papalabas ng bahay, silay nag bibiruan pa sa di na pag imik ni Pin. "guessed it worked baby." nakangiting sambit ni Jean kay Mina. ngiti at malambing na tawa lang ang isinukli ng mga magkakaibigan sa nasaad ni Jean.
Pagkalabas nila sa garden, buong gulat nila ng makitang hindi pa natapos ang ginagawa ni Pin. "where the hell is she?" saad ni Penny na may halong dismaya. sabay sabay nilang isinisigaw ang pangalan ni Pin para tanungin kung bakit hindi nito natapos ang pagpipintura. "PIN! PIN! PIN! where the hell are you, you have alot of things to explain!" pa galit na saad ni Jenny sa kaibigan.
Pilit nilang hinahanap ang kaibigan sa paligid pero hindi nila ito makita, sabay sabay silang nagtakbuhan sa kinaroroonan ni Mina ng ito ay mapatili na animoy may nakitang multo. "I think I saw her, guys, I think I saw her." sabay sa pag hangos ni Mina habang binibitawan ang mga pasigaw na kataga.
Lahat ay nagimbal ng sumilip sila sa tinuturong lugar ni Mina, sa loob ng booth na pinipinturahan ni Pin, sa tabi ng lata ng pinturang green at paintbrush na nakalaglag sa bermuda grass, ay isang uri ng halaman na may bunga sa gitna na animoy ulo ng babaeng tinubuan ng maraming mata.
Ang alamat ng Pinya.
Lunes, Mayo 28, 2012
UFC 147 (kung ako lang ang masusunod)
Kung ako ang masusunod, ang di pagkakaunawaan, gaano man ito kaliit o kalake, dapat idaan sa suntukan ala UFC/WWE.
Sa mga kasalukuyang nangyayare, ito ang aking listahan sa susunod na bakbakan.
Main-Event:
Corona vs PNOY (I quit match)
Co Main-Event:
Tulfo Bros vs Santiago Bros (Royal Rumble)
Undercards:
Lim vs Erap (Iron Man)
Mo Twister vs Rhian Ramos (Hell in a Cell)
Prosecution Panel vs Defense Panel (TLC - Tables, Ladders, and Chairs)
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)