Magkano para sa iyo ang halaga ng isang -daan? Para sa akin, hindi na kasing tulad nung bata ako, ngayon si isang daan ay pang gasulina, pang load, pamasahe papuntang opis, 4 na oras ng pang DOTA at kung iba-iba pa.
Kung tutuusin kung ikukumpara date, napaka small time nalang nya ngayon.
Kahapon, pagtapos kong magbayad ng bill namen sa tubig sa may Galleria, napadaan ako sa may McDo sa foodcourt, bigla akong napaisip, hindi naman ako gutom, pero sinilip ang oras, alas 4 ng hapon, sakto, MIRIENDA TIME!!! pumila, tumingala, pumili ng natitipuhan.
Ayus, turn ko na sa counter, I made up my mind, QUARTER POUNDER MEAL tos Upsize ang fries and drinks. Saktong-sakto to, para tuloy-tuloy na ako sa biyahe wala ng hintuan kumbaga, pag uwi ko sa mag-ina ko sa Gapo.
Sir 155 po, bayad ako 200, tos sabay about ni ms. cashier ang sukli, 45 pesos, ayus meron pang konting pang chicharon sa biyahe, sakto lang para hindi mainip.
Sabi ni ms. cashier, sir, prepare lang po, sa gilid muna kayo, sabay tawag nung asa likuran ko, OK, sige sa gilid muna. Sakto namang daanan ang asa gilid ko ng mga papasok at palabas na emplyeyado ng McDo, may lumabas na may karay-karay na malaking lalagyan, so ang siste, napa usog ako ng bahagya sa bandang likuran. Ok lang, masarap naman ang mimiriendahin ko, sabe ko sa isip ko.
Habang nag aantay sa bandang likuran, merong isang mejo matandang babae, siguro mga around 50++ to 60 ang edad, kase halata sa mga kunot sa nuo at muka nya tsaka ang mga uban sa ulo. Maayos naman ang suot nya at hindi naman sya yung mga karaniwang mga nanglilimos, pero syempre dahil, mejo prejudicial tayo, yun agad ang nagrehistro sa ating utak, masisisi nyo ba ako, e kahit san ka ata mag punta sa maynila e naparaming mga ganito.
Bumulong sya sa aken, nung una hindi ko naintindihan, O SADYANG HINDI KO ININTINDI KASE, ANG SA ISIP KO, MALAMANG ANG MODUS NYA ITO KESYO HINDI PA KUMAKAIN PENGE NAMAN NG KONTING BARYA, Eklat. habang bumubulong sya sa akin, otomatic naman ang kanang kamay ko sa pag dukot sa barya sa bulsa ko, para mabilisang pag bigay ng barya, lima lang ok na, may 40 pa akong pang chicharon.
Pero duon sa pagbulong nya sa aken, wala akong narinig na pag hingi ng pera, TAMA BA ANG NADINIG KO? TUBIG ANG HINIHINGI? so ang sabi ko, NAY ANO PO IYON? sabe ng pobreng NANAY, "IHO PWEDE MO BA AKONG HINGAN NG TUBIG SA KANILA? HINDI PA KASE AKO KUMAKAIN, GALING LANG AKONG OSPITAL, WALA AKONG PAMBILI DITO, TUBIG LANG, PANG TULONG KO SA BISKWIT NA DALA KO." at habang binabanggit nya itong mga ito ay nakangiti sya sa aken na merong konting hiya.
Tumingin ako sa itaas, sa mga pagpipilian ng mga pagkain, mga value meals, ang pinaka mababa ay ang burger MCDO, 58 pesos, sabay tingin sa sukli ko sa aking kakainin. 45 pesos, kulang.
Pero naalala ko, 300 pala yung pera ko, meron pa akong isang daan, dinukot ko ang wallet ko at sabay kuha sa isang daan, inabot ko sa pobreng NANAY, sabe ko, O NAY BILI NA PO KAYO NG KAKAININ NYO, pag abot ko sa kanya ay tumulo ang mga luha sa gutom nyang mga mata, at sabing, "SALAMAT IHO, SALAMAT IHO" habang humihikbi, tapos himas ko sa likod nya, ok lang po, sige bili na kayo ng pagkain.
Sa sandali iyong, nawala sa isip ko ang binili ko, ang gusto ko lang e, kumain ang pobreng matanda, hindi ko namalayan na ok na pala yung nabile, ko. Sabe ko sa pobreng Nanay, Sige po anjan na yung binili ko, pero hindi pa rin natapos ang ang kanyang pagsasalamat, hanggang sa paglakad kong papalayo sa pilahan.
Habang ako ang kumakain, syay naupo sa hindi kalayuan, minamasid ko ang pobreng Nanay, bumili sya ng isang burger at may tangan-tangan sa kanyang isang kamay ang isang plastic cup ng tubig, inilapag ang mga bit-bit sa lamesa sabay kuha sa humberger nya, pumilas ng bahagya, tapos sinilid ang natira sa kanyang bag.
Nakita ko sa expresyon ng muka nya nung una nyang pag kagat, tila batang sabik na sabik sa kendi at ang fulfillment ng pagkain nya pagtapos ng gutom sa maghapon, pagtapos nyang kumagat ay tumalikod na sya papalabas ng mcdo, habang nagpupunas ng mga natirang luha ta pawis sa muka, habang ako ay ninamnam ang aking quarter pounder.
Makailang beses na din akong nakahangos ng QUARTER POUNDER, pero sa pagkakataong ito,
tila sa ibang paraan ang pag luto nila sa aking burger, pagsubo ko nito at tila napaka sarap at napaka linamnam.
From here on, hindi ko na UUNDERIN si ONE HUNDRED PESOS, pinamalas nya sa akin ang kakayahan nyang magpaiyak dahil sa tuwa sa NABIBIGYAN at NAGBIBIGAY.
very noble :) *highfive*
TumugonBurahini love you...
TumugonBurahin