Huwebes, Hulyo 28, 2011

Ang tanging hiling

Isa lang ang aking hiling sa bukas na darating... Sabay-sabay kaming gigising sa isang umagang maningning...

Miyerkules, Hulyo 27, 2011

Tropical Banter

Happen to stumble on this awesome shit over the weekend in Olongapo. As shown on the picture, it's manned by none other than the legends Basti Artadi and Tirso Ripol. It's all about good, intelligent, rock on, hilarious, full of music bantering. You can watch it on your PC or download it on your IPOD and shit. This is one good shit and dont miss it our and go see for your self. happy bantering. Not for kids though, it has a lot profanities which makes the shit so good. Paps, must check it out, they have a lot of good covers of Neil Young and shit you'll enjoy it. here's the link - http://battleaxenetwork.com/tag/tropical-banter-2/

Martes, Hulyo 19, 2011

Tandem Cinema

Namulat ang aking mga mata sa makasaysayang tandem cinema sa may recto nuong akoy asa grade 6 nung dalhin ako ng aking nakakatandang pinsan para manuod ng isang R18 na palabas, na dobol screening pa.
Nuong una akoy nagtataka kase nga ang nakasanayang sinehan ay hindi pwede ang mga bata sa ganitong mga palabas, akoy nagulat nung kami ay papasukin ng hindi manlang sinisita.
pagpasok palang sa sinihan ay putok na putok na ang amoy ng klorox at animoy parang natapunan ng isang trak ng sofdrinks ang sahig sa lag-git.
Ang pinanuod namen nuon ay ang pelikula ng nagiisang Robin Padilla at Vina Morales na ang Utol kong hudloom at kadobol nito ang pelikula ni Jestoni Alarcon at Gretchen Barreto na nakalimutan ko na ang title pero tandang tanda ko pa na ang kontrabida ay si John Regala.
Fast forward, 3rd year high school, tamad na tamad akong pumasok sa eskuwela sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, ang siste habang nag aabang ng masasakyan, sakto namang paalis ang isang barkadang de oto, ayos sakto, sumakay ay sumama sa may bandang tayuman, sa may jolibee, para sa sunduin ang kanyang nobya, para ihatid sa san sebastian sa may recto.
Ang sabe ko sa barkada ko hanggang recto lang ako, kase may bibilhin akong libro o thesis, pero ang dahilan, akoy manunuod ng R18 na sine sa Tandem Cinema, perkpek na perkpek, nakakain na ko ng pananghalian ng libre, dahil sa barkada, at dahil dobol screening ang palabas, sakto pag labas ko ng sinehan, uuwi na ko dahil tyempo na ng uwian sa eskuwela.
Bayad sa tiket, pasok sa sinehan, hanap ng upuan, tos aksyon na!!!
Habang akoy bising-bising nanuod ng mga maiinit na eksena, merong isang mamang may bigote, naka white tshirt na nakatuck sa kanyang maong na pantalon, na may bitbit na itim na jacket ang tumabi sa akin.
Nuong una akoy nagtaka dahil, sa dinami daming bakanteng upuan at maluwag na puwesto, bakit sa tabi ko pa ito naupo, taena, naputol ng bahagya ang ginagawa, pero pag tapos ng kanyang pag upo, balik sa telon ang aking mga mata.
Maya-maya, meron akong naramdamang kamay na huma-hawak sa aking binti papalapit kay EHEM!!! dagli-dagli akong tumayo tiningnan ang mama, sabay sapak sa muka, tos takbo sa malapit na CR at nagkulong sa nagiisang bakanteng cubicle, na nakasaksi na ng napakaraming makamundong pagkakasala ng ibat-ibang parokyano ng nasabing sinehan.
Habang tagaktak ang pawis at bilis ng hininga, sya ring bilis ng aking isip sa pagkuha ng takip ng inidoro (yung takip ng lalagyan ng tubig para sa flush nito) kung sakaling papasok ang mamang bakla at akoy patulan o kung ano man.
Pero nakalipas ang ilang minuto ay walang nangyare, dahan-dahang lumabas ng cubicle at sa CR nagmamasid kung asan ang mama, sinipat ang dating kinauupuan at wala na sya ruon, naglaro sa aking isip na umalis na o mag iba ng pwesto dahil maaga pa at pag umuwi ako ng maaga, yari ako kay mudra, at syempre dala na rin ng kapusukan.
Naupo ulit ako at ibinaling ang mata sa telon para saksihan ang mga umaatikabong eksena, pagtapos ng makailang minuto, at lumiwanag ang eksena sa pelikula, parang may nag utos sa akin na lumingon sa aking likuran, pag tingin ko sa likod, anduon ang mamang bakla na nagtangkang manghipo, na parang nakatingin sa akin at ready to attack anytime, parang syang isang leon na naka kubli sa damuhan at anytime dadamba sa kanyang prey.
Bumilis ang pintig ng puso tumagaktak ang pawis sa nuo at kili-kili, dali-dali akong tumayo at tumakbo papalabas ng sinehan hanggang ISETAN MALL.
Sakto, pagdating ko sa Isetan nakita ako ng utol ko na pumapasok sa MAPUA sa unang baitang ng college, buti nalang meron din syang pasok at that time at parehas kame ng nasabe sa isat-isa.
HINDI KA PUMASOK ANO!!! madalit sabe, sabay kaming umuwe at hindi sinumbong ang isat-isa.
Hindi ko sinabe sa kanya ang pangyayareng ito at marahil, gaya ng mga nakakakilala sa akin, kasama ni utol, alam na nila kung bakit hindi ako makanuod ng sine ng nag iisa, kahit na anong palabas at kahit sa anong sinehan.

Biyernes, Hulyo 8, 2011

Pelikula...

Habang asa bus ako pauwi galing trabaho... ang palabas sa tv ay isang low budgeted na chinese film... ang lulupet ang mga eksenang naabutan ko... sample... nakikipag bug-bugan ang bidang lalake sa isang bar... sa mga napakaraming goons... habang nag-shreshred ng electric guitar mala joe sat... meron ding isang eksena kung saan sinipa ng bidang lalake ang kontrabida sa muka at parang isang baldeng tubig ang lumabas sa kanyang bibig... klasik na klasik... walang pinag iba sa mga klasik na mga pinoy movie noong araw... gaya pag suot ng jajaket ng bidang lalake kahit na napaka init na mga eksena... ang pag papalitan ng mga litanya ng bida at kontrabida bago mag barilan o magsapakan... ang pag tawag ng mga bata ng head ng mga goons sa kanyang mga minions... ang pag rape scene ng leading lady na ang eksena ay ang paghabol ng mga bataan ng mga goons habang tumatakbo ang babae sa ilog o sapa na ang suot lang ay puting nighties... ang pag labas ng tubig sa bibig ng mga nasasapak sa mga fight scenes... ang pag hukay sa lupa ng bidang lalake sa ibinaong baril at bala habang umuulan para sa paghihiganti... ang pag outing ng mga bida sa beach or sa isang resort tapos kakanta at sasayaw ang lahat... na may mga karay karay pang mga dancer... ang pag bugbog ng mga bidang babae sa mga goons sa mga fight scenes sa mga comedy pero pag ang pelikula ay action hindi makalaban ang babae pag ito ay hinahatak ng kontrabida bilang isang hostage... ang mga eksenang malakihang fight scenes sa dulo ng pelikula na ang setting ay parate sa abandonadong planta building o paradahan ng mga bus o basta paradahan... ang hindi maubos ubos na bala ng bida sa mga barilan at ang pag habas na pagtapon sa mga baril na wala ng bala at pupulot ng iba... ang walang katuturang pag sabog ng mga drum o kumpol ng gulong habang tumatakbo ang bida... ang hindi mamatay matay na bida habang binabirail ng lahat ng kanyang kalaban pero pag ito ang bumabaril ay walang mintis kahit na sa kabilang bundok pa ang kalaban... ang pagsugod ng bidang lalake sa kuta ng kanyang kalaban kahit na nagiisa lamang ito (napaka tapang)... at sa kahit na anong uri ng pelikula ang huling pagdating ng mga pulis sa mga barilan at ang lupet ng kanilang intel dahil kilala nila agad ang mga dapat huliin at iposas at kung sino ang bida na mistulang hinahayaan lang na akayin ng kanyang leading lady papalayo kahit na itoy nakapatay ng limang daang tao...
Pero kung ang pinaguusapan ay ang pagiging malupet... wala ng tatalo pa sa nag iisang si LITO LAPID... mula sa papektus na suntok... ang tila mas malakas na suntok kapag nililipat nito ang kalaban sa kaliwa o kanan sa pamamagitan ng pag buhat sa braso... at ang imortal na paghiwa sa bala ng baril gamit lamang ang balisong para tamaan nya ang dalawang kalaban...
Pero ang pinaka malupet na nagawa ni LITO LAPID ay ang paulit ulit na pagupo sa SENADO kahit na ni isang beses ay hindi ko pa nakita sa kahit na anu mang hearing na ginawa nila o nabalitaang nakapag pasa ng batas o pag tayo sa senado para mag privilege speech... yan ang malupet... ang pang pelikulang setting sa tutuong buhay... SIR IDOL ISA KANG ALAMAT...

Huwebes, Hulyo 7, 2011

ISA NALANG ANG NATIRA... WAG NAMAN SANA...

Inuna nila ang 88.3 at pinalitan ng mala NU na format na istasyon, sinunod ang 92.3, na mula sa isang classy na istasyon ay nauwi sa FM na AM, kanina nuong akoy paalis at binuksan ang radyo, pinindot ang preset ng radyo para sa 106.7, pero nanlaki ang aking mga mata sa aking nadining, dinobol check ang istasyon at tama, napaisip, naknampucha, naungasan nanaman ng isa. Wag naman sana nilang isaunod ang 105.1 dahil wala ng matitira, ubos na ang mga Jazz station sa FM. ang bungad ng 106.7 "BISYO NA TO!!!" muntik akong natae sa pantalon ko.

Lunes, Hulyo 4, 2011

Duterte flashes dirty finger at Sara’s critics... SWEET...



MANILA, Philippines - Davao City Vice Mayor Rodrigo Duterte on Monday flashed the dirty finger and cussed at Facebook- and columnist-critics of her daughter Sara following her widely-publicized punching of a trial court sheriff last Friday.
“Ano? Mga columnist? Oh! (shows dirty finger) ta#@n* (expletive),” he said, when asked what he thought about the criticisms from columnists and those who have posted negative comments on the popular social networking site Facebook.
Mr. Duterte, now the acting mayor after her daughter went on leave, again defended his daughter's actions against Sheriff Abe Andres.
Duterte, a popular local official known for bringing peace and order to Davao City, said it doesn't really matter to them whether Sara is removed from her post or loses her license as lawyer.
If he was the mayor at that time of the demolition, Duterte said not only would he have punched the sheriff, he would also have kicked the officer of the court.
"Buti nga kung ganun lang abutin mo sa kin, p#t@ng (expletive)," he said. "Kung ako ang mayor, may tama yan talaga."
Two lawyers sent by Department of Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo arrived in Davao City on Monday to investigate the violent incident last Friday between Duterte and Andres.
Sara faced the media again on Monday and thanked her family and those who have expressed support for her actions.