Namulat ang aking mga mata sa makasaysayang tandem cinema sa may recto nuong akoy asa grade 6 nung dalhin ako ng aking nakakatandang pinsan para manuod ng isang R18 na palabas, na dobol screening pa.
Nuong una akoy nagtataka kase nga ang nakasanayang sinehan ay hindi pwede ang mga bata sa ganitong mga palabas, akoy nagulat nung kami ay papasukin ng hindi manlang sinisita.
pagpasok palang sa sinihan ay putok na putok na ang amoy ng klorox at animoy parang natapunan ng isang trak ng sofdrinks ang sahig sa lag-git.
Ang pinanuod namen nuon ay ang pelikula ng nagiisang Robin Padilla at Vina Morales na ang Utol kong hudloom at kadobol nito ang pelikula ni Jestoni Alarcon at Gretchen Barreto na nakalimutan ko na ang title pero tandang tanda ko pa na ang kontrabida ay si John Regala.
Fast forward, 3rd year high school, tamad na tamad akong pumasok sa eskuwela sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, ang siste habang nag aabang ng masasakyan, sakto namang paalis ang isang barkadang de oto, ayos sakto, sumakay ay sumama sa may bandang tayuman, sa may jolibee, para sa sunduin ang kanyang nobya, para ihatid sa san sebastian sa may recto.
Ang sabe ko sa barkada ko hanggang recto lang ako, kase may bibilhin akong libro o thesis, pero ang dahilan, akoy manunuod ng R18 na sine sa Tandem Cinema, perkpek na perkpek, nakakain na ko ng pananghalian ng libre, dahil sa barkada, at dahil dobol screening ang palabas, sakto pag labas ko ng sinehan, uuwi na ko dahil tyempo na ng uwian sa eskuwela.
Bayad sa tiket, pasok sa sinehan, hanap ng upuan, tos aksyon na!!!
Habang akoy bising-bising nanuod ng mga maiinit na eksena, merong isang mamang may bigote, naka white tshirt na nakatuck sa kanyang maong na pantalon, na may bitbit na itim na jacket ang tumabi sa akin.
Nuong una akoy nagtaka dahil, sa dinami daming bakanteng upuan at maluwag na puwesto, bakit sa tabi ko pa ito naupo, taena, naputol ng bahagya ang ginagawa, pero pag tapos ng kanyang pag upo, balik sa telon ang aking mga mata.
Maya-maya, meron akong naramdamang kamay na huma-hawak sa aking binti papalapit kay EHEM!!! dagli-dagli akong tumayo tiningnan ang mama, sabay sapak sa muka, tos takbo sa malapit na CR at nagkulong sa nagiisang bakanteng cubicle, na nakasaksi na ng napakaraming makamundong pagkakasala ng ibat-ibang parokyano ng nasabing sinehan.
Habang tagaktak ang pawis at bilis ng hininga, sya ring bilis ng aking isip sa pagkuha ng takip ng inidoro (yung takip ng lalagyan ng tubig para sa flush nito) kung sakaling papasok ang mamang bakla at akoy patulan o kung ano man.
Pero nakalipas ang ilang minuto ay walang nangyare, dahan-dahang lumabas ng cubicle at sa CR nagmamasid kung asan ang mama, sinipat ang dating kinauupuan at wala na sya ruon, naglaro sa aking isip na umalis na o mag iba ng pwesto dahil maaga pa at pag umuwi ako ng maaga, yari ako kay mudra, at syempre dala na rin ng kapusukan.
Naupo ulit ako at ibinaling ang mata sa telon para saksihan ang mga umaatikabong eksena, pagtapos ng makailang minuto, at lumiwanag ang eksena sa pelikula, parang may nag utos sa akin na lumingon sa aking likuran, pag tingin ko sa likod, anduon ang mamang bakla na nagtangkang manghipo, na parang nakatingin sa akin at ready to attack anytime, parang syang isang leon na naka kubli sa damuhan at anytime dadamba sa kanyang prey.
Bumilis ang pintig ng puso tumagaktak ang pawis sa nuo at kili-kili, dali-dali akong tumayo at tumakbo papalabas ng sinehan hanggang ISETAN MALL.
Sakto, pagdating ko sa Isetan nakita ako ng utol ko na pumapasok sa MAPUA sa unang baitang ng college, buti nalang meron din syang pasok at that time at parehas kame ng nasabe sa isat-isa.
HINDI KA PUMASOK ANO!!! madalit sabe, sabay kaming umuwe at hindi sinumbong ang isat-isa.
Hindi ko sinabe sa kanya ang pangyayareng ito at marahil, gaya ng mga nakakakilala sa akin, kasama ni utol, alam na nila kung bakit hindi ako makanuod ng sine ng nag iisa, kahit na anong palabas at kahit sa anong sinehan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento