Nung bata ako, napakadaling maghanap ng kalaro, laki ako sa kalye ng lipton sa Filinvest.
Wala pang mga bahay sa amen, kaya tanaw na tanw mo kung may mga bata ng naglalaro sa kalye, kahit na limang kanto pa ang layo.
Pag nakita na ang mga kalaro, kakaripas na ako ng tagbo papunta sa umpukan para umpisahana ang paborito nameng laro, Agawan base.
Nung tumanda ng kaonte, iba na ang hilig ang pagtambay sa bahay bahay ng mga barkada para palihim na manunuod ng bold movies na kung saan wala pang peke, all-natural ika nga, at ang mga buhok sa katawan ng mga bida ay umaatikabo pa sa kapal, kasabay nito ang paligsahan nameng mag kakaibigan, ang unahan. (wink wink).
Konting taon pa ang lumipas ang pinagkakaabalahan na nameng mag babarkada ay ang palihim na pag hithit ng sigarilyo sa may tanke ng tubig ng barkada namen at ang pag inom ng alak na ang pulutan ay minsan siopao o kaya naman ay ang nagyeyelong monggo na ilang araw na ang tanda.
Kaonti pa, nagkalisensya na kameng lumabas at gumimik, patok na patok ang padis point sa antipolo, green hills, at timog. naging ugali din nameng mag uwi ng memorabilya kung saan kame mapunta. ash tray, coaster, pinggan, kutsara, tinidor, o kahit anong bagay na pwedeng ibulsa. meron pa kameng isang experience kung saan nakakuha kame ng mga chicks sa jaloux na ang akala ng lahat ay patok na patok ang mga itsura pero lahat at nawala ng sumikat na ang araw.
Lumipas ang maraming taon, ang iba nangibang bansa, ang iba nagka anak, nagka asawa, in short ang lahat ay may sari-sarili ng buhay, kasabay nito ay ang onti-onting pagkapatay ng aming pagkakakita-kita at pagsasama-sama.
Kung dati ay kaya kong tanawin ang layo ng limang kanto ngayon kahit ang kapit bahay namen ay hindi ko na matanaw.
Kung dati ang pag nuod ng bold ay mortal sin, wala na itong challenge dahil anytime pwedeng pwede na.
Kung dati ang pag inom at paninigarilyo ay dapat ilihim at nagbibigay ng ibang satispaksyon, ngayon ang tanging silbi nito ay ang pag tanggal ng kabwisitan sa buhay opisina.
Kung dati ang pag kikita-kita at pag gimik ng magkakasama ay napaka dali ngayon ay swertihan nalang.
naalala mo pa nung mabasag tayo sa tia marias sa katipunan at tinawid mo ang kalsada habang binabanggit na "ako si bjorn ramos" hahaha classic men!, tsaka nung galing tayo sa katips at basag tayo nagsiuwian, syempre dami sumuka nun at ako naman lasing na nagsasalita sa taxi na aakyat ako ng bakod hehehe! sana magkaroon tayo ng reunion sana possible pa. KAMPAI!!!
TumugonBurahin