Biyernes, Hunyo 8, 2012

Penelope "Pin" Altamonte - Ang Alamat ng Pinya

Si Pin ay isang kolehiyalang sosyal na nag aaral ng interdisciplinary studies sa Ateneo De Manila University. Mabait at matalinong bata si Pin, pero meron syang kakaibang ugali na hindi naayon sa unang dalawang kagandahang asal, ito ay magtanong imbes na maghanap.

Alas sais ng umaga, tumunog ang alarm sa IPHONE 4S ni Pin, hudyat para sa pag bangon sa super lambot na kama sa napakalamig na kwarto.

"Yaya Maring!" sigaw ni Pin sa tagapag alaga. "Where's my sleepers, I need to take a bath na, don't want to be late, I have exams pa" sunod ni Pin sa pobreng Matanda.

"Anjan lang yan Pin sa ilalim ng kama mo, silipin mo." mabait na sagot ni Aling Maring sa alaga. "Oooops, there you go." sagot ng dalaga. "got it na yaya, thanks." pabuntot nito.

"Pin breakfast ka na, 8 :30 na, baka malate ka" saad ni yaya maring sa alaga. "almost done yaya, thanks, have you seen my phone pala yaya? can't find it e" tanong ulit ng alaga.

"Check mo sa side table mo, hindi pa ko nag aayos jan." pailing na sagot ni probeng matanda. 
"Got it yaya, need to text Jenny to bring the materials we need for the up coming event sa school." saad ni Pin.

Anim na taong palang si Pin ay si yaya Maring na ang kanyang tiga alaga, dito na rin ito tumanda at parang inakong sariling anak na rin si Pin, sa kadahilanang halos sa kanya na ito lumaki dahil sobrang busy ang kanyang mga magulang sa pagpapayaman.

Ang hindi nya lang maisip ay bata palang si Pin ay sobrang matanungin na ito mas lalo na sa kanyang gamit, makailang beses na ding pinaalahanan ni yaya Maring si Pin sa kanyang napapansin sa kanyang di kanais-nais na pag uugali, pero hindi pa rin ito nagbago.

Ilang araw bago ang school event nila Pin, nag pasyang mag sleep over ang mga kakalse nya sa kanilang bahay, para pag lamayan ang kanilang ginagawang logo at dekorasyon sa kanilang PAIRING BOOTH, na kanilang gagamitin sa nalalapit na school fare.

Dahil sa kasunduan nilang magkakaibigan, na hindi sila kukuha ng anumang tulong sa kahit kanino sa pag gawa, nag bigayan sila ng mga gagawin, toka-toka kumbaga. 
Habang ang iba ay pag gupit at pag dikit at toka, si Pin pag pintura ang nakahiligan, dahil narin sa kanyang hilig sa pag pinta.

At dahil centralized ang aircon nila sa bahay, sa may garden ito nag pipintura ng kanilang plywood na booth.
Sa makailang pagkakataon, nakailang beses din itong nakatanong sa kanyang mga kagrupo ukol sa mga gamit nya sa pag pinta, gaya ng nakasanayan, inuuna ni Pin ang pag hanap gamit ang bibig kesa ang mata.

"Penny?" sigaw ng dalaga. "have you seen the green paint? I need it kase to repaint the inner part e." tanong sa kaibigang gumugupit ng bilog na logo at lettering na ilalagay nila sa booth.
Sasagot na sana si Penny kung saan, pero si Mina ang sumabat ng pasigaw, "Pin, all the things you need is with you, please use your eyes not your mouth." painis na sagot ng dalaga, marahil na rin siguro sa pagod at pagkadismaya niya sa hindi kagandahang ugali ng dalaga.
Pag tapos na pag tapos nitong sumigaw, bumulong ito sa sarili at sinabing "Hope eyes will grow all over you so wont be asking no more." sabay punas sa nuong ginigilidan ng pawis at pagod.

Makalipas ang ilang oras, tapos na ng iba ang kanilang sariling toka, at oras na para ipag dugtong dugtong ang mga gawain, sa mga nakalipas na oras ay hindi na rin nila nakarinigan si Pin mula sa labas.
Habang sila ay papalabas ng bahay, silay nag bibiruan pa sa di na pag imik ni Pin. "guessed it worked baby." nakangiting sambit ni Jean kay Mina. ngiti at malambing na tawa lang ang isinukli ng mga magkakaibigan sa nasaad ni Jean.

Pagkalabas nila sa garden, buong gulat nila ng makitang hindi pa natapos ang ginagawa ni Pin. "where the hell is she?" saad ni Penny na may halong dismaya. sabay sabay nilang isinisigaw ang pangalan ni Pin para tanungin kung bakit hindi nito natapos ang pagpipintura. "PIN! PIN! PIN! where the hell are you, you have alot of things to explain!" pa galit na saad ni Jenny sa kaibigan.

Pilit nilang hinahanap ang kaibigan sa paligid pero hindi nila ito makita, sabay sabay silang nagtakbuhan sa kinaroroonan ni Mina ng ito ay mapatili na animoy may nakitang multo. "I think I saw her, guys, I think I saw her." sabay sa pag hangos ni Mina habang binibitawan ang mga pasigaw na kataga.

Lahat ay nagimbal ng sumilip sila sa tinuturong lugar ni Mina, sa loob ng booth na pinipinturahan ni Pin, sa tabi ng lata ng pinturang green at paintbrush na nakalaglag sa bermuda grass, ay isang uri ng halaman na may bunga sa gitna na animoy ulo ng babaeng tinubuan ng maraming mata.

Ang alamat ng Pinya.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento