Miyerkules, Enero 29, 2014

Punta ka dito Condo. Dala ka Food. - Master Labo Version

Kasalukuyan.

"Uy anjan ka na pala." saad ng magandang dalaga sa binatang nakangiti sa pintuan. "Binigla mo naman ako, hindi pa ako nakakapaglinis". dugtong nito.
"Hindi mo manlang ba ako papapasukin?" tanong ng nakangiting makisig na binata.

Binuksan ng dalaga ang pinto at pinatuloy ang binata. "May dala ako food. san ko to ilalagay?" tanong ng binata.

Itinuro lang ng dalaga ang mesa. Tuloy-tuloy naman ang binata sa lamesa at nilapag ang mga bitbit. Mabilis na tumungo ang binata sa katabing sofa at umupo. Inayos ang kwelyo ng polo at nilingon ang dalaga.

"O saan ka pupunta?" tanong ng binatang halatang kabado (sa magandang paraan) at excited.

Hindi na lumingon pa ang dalaga at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Napatayo ang binata at hahabol sana sa dalaga ng merong lumabas sa kwartong silid lang ay kurtina na merong tangang-tangang baril.

"Umupo ka jan, ilapag mo ang telepono mo sa sofa, huwag kang gagalaw." utos ng matipunong lalaki.

Wala ng nagawa pa ang binata kundi sundin ang inuutos. Lumapit ang lalaking tangan ang baril sa binata at sabay unday ng pukpok sa muka ng binata.

Tumulo ang dugo sa basag ng ilong at napayuko nalang sa sakit ang binata.

5 Days ago.

"Kuys, meron akong bagong chik, hanep ang ganda batang bata." yabang ng matipunong binata sa kanyang mga lalaking kabarkada.

"Baka naman retokada yan, kuys." balik ng barkadang kagagaling lang sa masidhing hiwalayan sa matagal na kasintahan.

"Hindi kuys. Actually hindi ko alam." tawa ng binata "Pero maganda talaga, muka namang hindi." bawi ng binata.

"Mauna na ako, magkikita daw kame sa Fort." ang sinaad ng binata sa mga barkada habang itoy tumatayo.

"Ingat ka ha. Maraming gaga ngayon. Enjoy." paalala ng Baklang kaibigan nito.

Beep. Beep. Tunog ng mamahaling cellphone ng binata, habang nakaupo sa likod ng mamahaling sasakyan.

Habang tangan ang teleponong touch screen inutusan nito ang drayber na kumanan at ihinto ang sasakyan sa harap ng mamahaling gimikan at meron daw sasakay.

"Hintay lang naten kuya sandale." utos ng binata sa drayber. 

Ilang minuto lang ang lumipas ay meron ng kumatok sa sasakyan, binuksan naman ng binata ang pinto at pinatuloy ang napakandang dalaga.

"Kanina pa kayo?" tanong ng dalaga sa binata "Hindi naman." maikling balik nito sa dalaga.

"Saan tayo?" tanong ng dalaga sa binata. "Pwede ba sa inyo?" saad nito.

Hindi pa nakakasagot ang dalaga ay inutusan na ni binata ang drayber na tumungo sa mamahaling condo sa di kalayuan.

Hindi na nakasabat ang dalaga dahil narin siguro sa hiya o dahil gusto rin nito.

"Kuya itetext nalang kita magpark ka muna." utos ng binata sa drayber.

Tinahak ng dalawa ang magarbong entrada ng condo papuntang elevator.

Pagkapasok palang nila sa kwarto ay nagpakita na ng motibo ang binata sa lalaki. Hinawakan nito ang kamay at hinatak papalapit sa kanya.

Akmang hahalikan ng lalaki ang dalaga sa labi pero iniwas ng dalaga ang kanyang muka at humakbang papuntang refrigerator.

"Uminom muna tayo, meron pa akong wine dito." saad ng dalaga.

Sa kahabaan ng inom at marahil dahil sa lasing narin, humantong sa tawaran ang kanilang usapan.

"100K pwede na?" tanong ng binata sa dalaga. 

"sige." saad ng dalaga

Sa tagpong ito ay maaksyon na ang kaganapan, nakababa na ang pantalon ng binata at sa iba na humahalik ang dalaga ng biglang tumunog ang telepono nito.

Akmang titigil ang babae sa kanyang gawain pero hinawakan ng binata ang kanyan ulo na inimoy nagsasabing wag mong itigil.

"Maaga tayo bukas. Alas 4 ng madaling araw palang dapat dito ka na. No excuses." ang mga nakasaad sa telepono ng Binata.

Tiningnan nito ang relo at nakitang mag aalas dos imedya na.

Napamurang pabulong ang binata sabay sabe sa dalaga "Mauna na ako, meron akong lakad mamaya. Babalik nalang ako. Text mo nalang ako."

Wala ng paa-paalam na naganap dahil madaling madali si binata.

Kasalukuyan.

Sunod-sunod na suntok at sipa ang tinanggap ng nakagapos na binata habang tumutulo ang dugo, sipon, luha sa sahid na balot sa mamahaling carpet.

"200K ang ibibigay mo sa kanya, kalimutan mo na yung 100K." saad ng animoy pinuno sa binatang nakahandusay sa sahig.

Tango nalang nalang ang binalik ng binata sa hindi makitang lalaki.

"Bitbitin nyo yan at ibaba ang shorts, ihiga nyo sa lamesa." utos nito sa mga kasama.

Hindi naman kapayatan si binata pero sa laki ng mga inutusan para lang syang batang binitbit sa mga kamay at paa.

"Eto ang sasabihin mo, Ako si (ang pangalan mo), nangrape ako ng kaibigan." saad ng pinuno habang tangan ng isa ang teleponong naka bidyo.

"Ako si Von Nabora. Nirape ko si Janice Cornelio." saad ng binata sa cellphone. 

"Mali!" sabay unday ng suntok sa basag na ilong ng pinuno.

"Ulitin mo. Ganito! Ako si Bong Ibara. NANGRAPE AKO NG KAIBIGAN." pakutyang ulit ng pinuno.

Muling inupo ang binata sa upuan habang nakababa pa ang kanyang mamahaling shorts. 

"AAAA...." naudlot na pagsigaw ng binata dahil hinawakan ng maskuladong mama ang bibig.

"yan ang bagay sa mga kautald mo." saad ng pinuno

Napalunos ang binata sa sinapit. Kahit sino mang lalaki ang makaramdam nito ay sadyang hindi makakakilos ng matino.

3 Days ago.

"Ced. Babalik sya rito sa Sabado." saad ng dalaga sa kausap sa telepono.

"Sige, basta mauna na jan si Ged magtatago muna sya sa kwarto, pagpasok nya, labas ka na agad, kame na bahala." Saad ni Ceddie Yee sa kausap.

"Ced. Kinakabahan ako, baka sumabit tayo." balik ng dalaga na halatang kabado kahit na ilang ulit na nilang ginawa ito.

"Huwag kang kakabahan, akong bahala sayo. O sige na tatawagan ko pa ang tropa." Pahuli nito sabay baba ng telepono.

Kasalukuyan.

"Pupunta tayo ng Pulis, ipapablotter naten ang nangyare, Proteksyon lang ito." Saad ng pinuno sa binatang hirap ng idilat ang mga mata dahil sa sakit at maga.

"Parang awa nyo na sir. Masisira ako sa mga tao." humahangos na sagot ng binata.

"Hindi lalabas to, basta bigyan mo sya ng twohun... gawin mo ng 500K." sagot ng pinuno.

Sabay-sabay silang bumaba ng elevator at tumulak sa sasakyan, maraming liko ang kanilang dinaanan hagaang sa mawalan na clue ang binata kung asan na sila.

Maya-maya pa ay naaninag na ng binata sa di kalayuan ang kulay asul na building na merong ilaw sa harapan.

Bago buksan ng pinuno ang pinto, tumingin ito sa binata at sinabing "Isang milyon na ang ibibigay mo." sabay hatak pababa ng sasakyan sa binata at bitbit patungong presinto.

Kinabukasan.

Headline na ang binata sa Pahayagan at buhos ang sintimyento at halo-halong reaction sa socail media.

***Ito po ay kathang isip lamang ng may akda na hango at malapit sa tunay na pangyayare.***

Huwebes, Enero 9, 2014

Demokrasya para sa Tao

Epektibo nga ba sa bayan na ang mga tao ay sing tigas ng simento ang ulo at sing kapal ng make-up ng baklang parlorista ang muka, gaya nalamang ng mga politiko at pareng namunini at namumunini sa pagnanakaw.

Simulan naten ang argumento sa depinisyon ng demokrasya, ayon ke Merriam Webster, ang demokrasya o democracy ay "a system of government by the whole population or all the eligible members of a state, typically through elected representatives." sa tagalog (o sige sa Filipino) ay uri ng gobyerno ng tao (mamamayan) para sa tao (mamamayan). 

Napakagandang pakinggan pero sa atin sadyang masaklap ang kinahantungan.

Rewind ng kaunti, Pebrero bentesais nang si Apo ay umalis (hiram sa immortal na kanta ng Yano), eto ang naging hudyat ng pagbabalik ng Pilipinas sa Demokrasya. Pinangunahan ng Biyuda ng Wonder Boy of Senate ang buong Bansa sa daan patungong demokrasya.



Fast forward sa kasalukuyan, anong nangyare, PUTANG INA! mas masahol pa ata ang kinahantungan.

Daanan na nga naten ang mga sumunod, maikli lang naman, parang yung aleng umupo ng pagkatagal tagal na akala ng lahat na tiga salba (saving grace) pero puro buwitri pala ang buong angkan at kaibigan.

FVR, Tiger Economy (pero di naman ramdam ng nakararami), wow ang sarap pakinggan pero sadyang magaling lang sigurong magsuhol si Tabako sa media at suwerte nya wala pang Facebook, Twitter, Instagram, Blog o kung ano-ano pang shit ang meron nun. Kundi, nabasah sya sa mga proyekto nyang Multi Milyong World Expo sa Pampanga at ang pagbebenta nya ng Fort Bonifacio na ngayon ay lugar na ng mga tiga Alta de siyudad na pamilya.



Erap, Erap para sa Mahirap, pero sa Ateneo nag aral mula elementarya hanggang masipa nung high-school. Si Joseph Ejercito Estrada na sana ang saving grace ng mga maralitang Pilipino (ngaba?) kung hindi lang inahas ng kanyang dating matalik at kasangga sa Mahjong na Ilokanong ganid na namamaril ng leon sa kanyang kaarawan na nambubugbog ng chicks at nangmamartilyo ng junjun ng kalaguyo nya at marami pang iba na si Gov. Chavit Singson dahil sa onsehan (parang ganun na rin yun) sa Jueteng. Anjan din ang sensational na Plunder case at milyon-milyong Jose Velarde account na hindi nabawi. 

Sa palagay ko lang, kasalanan ng GMA 7 at ABS-CBN lahat ng pangyayare. Kung hindi sana nila binandera sa telebisyon ang pagsasayaw ni Tessie Oreta matapos manalo ang mayorya sa pag bukas ng envolope, e di sana, hindi nagalit ang mga tao at hindi nag EDSA 2, ayun tuloy namunini ang mga Lahing Arroyo.


GMA, eto na ang kasagutan sa lahat ng dasal ng mga MAKUKUNAT ANG MUKA at WALANG KUNSIYENSANG PILIPINO. Hindi ko na kailangang iditalye, sa 9 na taong pamamalakad nya yung NLEX lang at SCTEX ang na aappreciate ko sa mga nagawa nya (baka mali ako, kung ganun man, e Puking ina nila! binabawi ko na.)



Pagkatapos ng 9 na taong kahihiyan at kakurakutan, sakto naman ang pagpapaalam ng Ina ng Demokrasya. Ika nga ng nakararami, History repeats itself, mistulang nananadya ang panahon ng mamatay si Tita Cory ay sya ring huling taon ni GMA sa upuan at mistualng merong binabalak na maitim para ito ay manatili sa kapangyarihan.

Putok na Putok ang pangalan ni Manny "ang tunay na mahirap na merong dalawang lote ang pamilya sa Tondo nung sya ay bata pa at lahat sila ay pinanganak sa UST hospital" Villar at Mr. Palengke-Bawang Mar Roxas para sa pagkapangulo. Pero dahil sa bugso ng panahon at nananaghoy na damdaming Pinoy, ayun nagpatihulog nga sa Bitag ang mga (P sana pero sige T nalang as in) Tuta (sorry po pero di pako botante nung 2012) kasama na si Mr. Palengke, bumigay din, na ang buong akala ay mapapsakanya ang pagka Bise para mas lalong tumibay ang kanyang pangarap sa 2016.

Mejo napapalayo na ako dahil sa sidhi ng damdamin (naksnampyutsa), balik sa argumento, hindi kailanman pasok sa banga ang Demokrasya sa bayang matitigas ang ulo, bakit? kase ang ihahalal nila ay matigas din ang ulo, at kung minalas malas ka pa e hindi lang ang ulo ang matigas pati ang muka.

Dapat sa nasyong matitigas ang ulo, ang kailangan ay pagbabago, pagbabago sa sarili, hindi naten kailangan ang PANG WORLD PEACE na pagbabago, ika nga ng isang kasabihan HINDI KAILANGAN NG MUNDO ANG MALAKIHANG PAGBABAGO, ANG MALIIT PERO MAGANDANG GAWAIN KUNG AARAW ARAWIN AY MAGIGING HABITO (meron bang tagalog, sige na nga Filipino, na ganitong salita? ay sya sige Habit na). 

Kung ako ang tatanungin nyo kung anong uri ng Gobyerno ang bagay sa aten ay sagot ko ay Ewan ko. Ang punto de bista ko lang naman ay, kahit na anong uri ng gobyerno ay hindi epiktibo sa taong matigas ang ulo, pero mas malala ang kumbinasyon ng dalawa parang Monggo sa Spaghetti.

Andami kong sinat-sat wala din naman pala akong mabibigay na sulusyon, at kung ang makakabasa nito ay parehas ni Boy NoyNoy, hindi ako mag tataka kung may magkokomentong, "PURO KA SAT-SAT WALA KA NAMANG GINAGAWA." Eto ang sagot ko sa inyo.


*kahit na hindi ito tatakbo sa 2016 sya parin ang isusulat ko sa balota ko