Huwebes, Enero 9, 2014

Demokrasya para sa Tao

Epektibo nga ba sa bayan na ang mga tao ay sing tigas ng simento ang ulo at sing kapal ng make-up ng baklang parlorista ang muka, gaya nalamang ng mga politiko at pareng namunini at namumunini sa pagnanakaw.

Simulan naten ang argumento sa depinisyon ng demokrasya, ayon ke Merriam Webster, ang demokrasya o democracy ay "a system of government by the whole population or all the eligible members of a state, typically through elected representatives." sa tagalog (o sige sa Filipino) ay uri ng gobyerno ng tao (mamamayan) para sa tao (mamamayan). 

Napakagandang pakinggan pero sa atin sadyang masaklap ang kinahantungan.

Rewind ng kaunti, Pebrero bentesais nang si Apo ay umalis (hiram sa immortal na kanta ng Yano), eto ang naging hudyat ng pagbabalik ng Pilipinas sa Demokrasya. Pinangunahan ng Biyuda ng Wonder Boy of Senate ang buong Bansa sa daan patungong demokrasya.



Fast forward sa kasalukuyan, anong nangyare, PUTANG INA! mas masahol pa ata ang kinahantungan.

Daanan na nga naten ang mga sumunod, maikli lang naman, parang yung aleng umupo ng pagkatagal tagal na akala ng lahat na tiga salba (saving grace) pero puro buwitri pala ang buong angkan at kaibigan.

FVR, Tiger Economy (pero di naman ramdam ng nakararami), wow ang sarap pakinggan pero sadyang magaling lang sigurong magsuhol si Tabako sa media at suwerte nya wala pang Facebook, Twitter, Instagram, Blog o kung ano-ano pang shit ang meron nun. Kundi, nabasah sya sa mga proyekto nyang Multi Milyong World Expo sa Pampanga at ang pagbebenta nya ng Fort Bonifacio na ngayon ay lugar na ng mga tiga Alta de siyudad na pamilya.



Erap, Erap para sa Mahirap, pero sa Ateneo nag aral mula elementarya hanggang masipa nung high-school. Si Joseph Ejercito Estrada na sana ang saving grace ng mga maralitang Pilipino (ngaba?) kung hindi lang inahas ng kanyang dating matalik at kasangga sa Mahjong na Ilokanong ganid na namamaril ng leon sa kanyang kaarawan na nambubugbog ng chicks at nangmamartilyo ng junjun ng kalaguyo nya at marami pang iba na si Gov. Chavit Singson dahil sa onsehan (parang ganun na rin yun) sa Jueteng. Anjan din ang sensational na Plunder case at milyon-milyong Jose Velarde account na hindi nabawi. 

Sa palagay ko lang, kasalanan ng GMA 7 at ABS-CBN lahat ng pangyayare. Kung hindi sana nila binandera sa telebisyon ang pagsasayaw ni Tessie Oreta matapos manalo ang mayorya sa pag bukas ng envolope, e di sana, hindi nagalit ang mga tao at hindi nag EDSA 2, ayun tuloy namunini ang mga Lahing Arroyo.


GMA, eto na ang kasagutan sa lahat ng dasal ng mga MAKUKUNAT ANG MUKA at WALANG KUNSIYENSANG PILIPINO. Hindi ko na kailangang iditalye, sa 9 na taong pamamalakad nya yung NLEX lang at SCTEX ang na aappreciate ko sa mga nagawa nya (baka mali ako, kung ganun man, e Puking ina nila! binabawi ko na.)



Pagkatapos ng 9 na taong kahihiyan at kakurakutan, sakto naman ang pagpapaalam ng Ina ng Demokrasya. Ika nga ng nakararami, History repeats itself, mistulang nananadya ang panahon ng mamatay si Tita Cory ay sya ring huling taon ni GMA sa upuan at mistualng merong binabalak na maitim para ito ay manatili sa kapangyarihan.

Putok na Putok ang pangalan ni Manny "ang tunay na mahirap na merong dalawang lote ang pamilya sa Tondo nung sya ay bata pa at lahat sila ay pinanganak sa UST hospital" Villar at Mr. Palengke-Bawang Mar Roxas para sa pagkapangulo. Pero dahil sa bugso ng panahon at nananaghoy na damdaming Pinoy, ayun nagpatihulog nga sa Bitag ang mga (P sana pero sige T nalang as in) Tuta (sorry po pero di pako botante nung 2012) kasama na si Mr. Palengke, bumigay din, na ang buong akala ay mapapsakanya ang pagka Bise para mas lalong tumibay ang kanyang pangarap sa 2016.

Mejo napapalayo na ako dahil sa sidhi ng damdamin (naksnampyutsa), balik sa argumento, hindi kailanman pasok sa banga ang Demokrasya sa bayang matitigas ang ulo, bakit? kase ang ihahalal nila ay matigas din ang ulo, at kung minalas malas ka pa e hindi lang ang ulo ang matigas pati ang muka.

Dapat sa nasyong matitigas ang ulo, ang kailangan ay pagbabago, pagbabago sa sarili, hindi naten kailangan ang PANG WORLD PEACE na pagbabago, ika nga ng isang kasabihan HINDI KAILANGAN NG MUNDO ANG MALAKIHANG PAGBABAGO, ANG MALIIT PERO MAGANDANG GAWAIN KUNG AARAW ARAWIN AY MAGIGING HABITO (meron bang tagalog, sige na nga Filipino, na ganitong salita? ay sya sige Habit na). 

Kung ako ang tatanungin nyo kung anong uri ng Gobyerno ang bagay sa aten ay sagot ko ay Ewan ko. Ang punto de bista ko lang naman ay, kahit na anong uri ng gobyerno ay hindi epiktibo sa taong matigas ang ulo, pero mas malala ang kumbinasyon ng dalawa parang Monggo sa Spaghetti.

Andami kong sinat-sat wala din naman pala akong mabibigay na sulusyon, at kung ang makakabasa nito ay parehas ni Boy NoyNoy, hindi ako mag tataka kung may magkokomentong, "PURO KA SAT-SAT WALA KA NAMANG GINAGAWA." Eto ang sagot ko sa inyo.


*kahit na hindi ito tatakbo sa 2016 sya parin ang isusulat ko sa balota ko

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento