Lunes, Disyembre 16, 2013

Trahedya ni Don Mariano

Hindi ko lubos maisip kung bakit karamihan ng mga nasasangkot sa mga nakamamatay na trahedya sa lansangan ay ang mga pampublikong sasakyan.
Nitong umaga lang isa na namang lagim ang gumimbal sa sambayanang Pinoy ng malaglag ang isang pampasaherong bus at tumubos ng mahigit dalampung inosenteng mananakay.

Mula nuong akoy nagkamulat at natutunong magpatakbo ng sasakyang de motor, nakamulatan ko na ang ganitong sistema. Hindi ko tuloy lubos maiisip kung sino ang may sala, ang sasakyan? ang kumpanya ng sasakyan? ang nagmamaneho ng sasakyan? o ang mga ahensya ng gobyernong namamahala sa mga ganitong uri ng sasakyan?

Ang sasakyan? tama bang ang sasakyan ang dapat sisihin? mahina ang preno, kalbo ang gulong, sira ang tail light, sira ang headlights, sira ang silinyador. Sa tingin ko, maling mali ang ganito, respondibilidad ng nagpapatakbo na siguruhing ligtas ang kanyang sasakyan bago ilabas sa garahe. Kaya sa mga nakakadisgrasa na ang dahilan o palusot ay sa minamaneho, magisip kayo kung sino ang bobo.

Ang Kumpanya ng sasakyan? ewan ko ba kung paano nila nasisikmura ang magpatuloy na magpasada na alam naman nilang ilang daang buhay na ang nilagay nila sa alanganin o kinitil na nila. Etong si Don Mariano, suki ito sa Killer Highway, lalong lalo na ang mga bus nitong ordinary na animoy parating natatae ang driver sa tulin. Sa dami ng nasasangkot sa mga malagim na trahedya sa daan hindi mo tuloy maalis ang magtanong kung meron bang mga batayan ang mga hinayupak na ito sa pag pili ng kanilang drayber. Sila ba ay tumitingin sa eksperyensya ng kanilang mga applikante o sa dami ng kayang ipasok na pero nitong mga ito sa kanila regardless kung kwalipikado sila o hindi.

Ang drayber? ewan ko ba naman kung bakit ang mga drayber, lalong lalo na ang mga kalalakihan, pag nakakita ng maluwag na daan ay para bang dinadagdagan ng timbang ang kanila ng mga paa sa silinyador (kasama na po ako duon). Kulang nalang ay tapakan ang silinyador hanggang lupa para lang palabasin na matulin ang kanilang sasakyan. Ano ba ang nahihita naten dito? ang takutin ang atin mga sarili? takutin ang mga nakasakay? o ilagay sa panganib ang mga ating mga sakay? minsan tinatanong ko din ang sarili ko kung bakit, pero hindi ko rin masagot. Hindi ko rin lubos maisip na kung bakit ang mga bababala o panuntunan sa daan ay mistulang mga suhestiyon lamang at patawa. Halimbawa, sa killer highway, speed limit 60KPH, public transport stay inside yellow lane, no swerving, at kung ano-ano pang kaeklatan. Pero naman, pag natyempohan mo ang mga hinayupak na mga bus, jeep, taxi, motor, pribadong sasakyan magiisip ka tuloy kung tutuo ba ang mga panuntunang ito o dagdag kickback lang ng mga namumuno. Oo, merong mga nahuhuli, pero sa inaraw-araw na pag daan ko jan hindi ko pa nabilang sa daliri ko sa kamay ang mga bus na nasakyan kong kung tumakbo ay higit sa sisenta, magsakay at magbaba sa gitna ng daan, o ang magpalipat lipat ng linya kahit na ito ay hindi natatkda sa kanya.

Ahensya? kung meron mang isisisi sa mga ito ay ang kakulangan ng ipin sa pagpapatupad ng panuntunan at ngipin sa pag paparusa sa mga lumalabag. Sa awa ng Diyos, sa libo libong pagkakatong nakakita ako ng mga disgrasya sa daan na kumitil ng ilang buhay ay wala pa akong nabalitaan o nadinig na merong nakulong o napagbayad ng limpak na limpak na salapi. Ngipin lang ang sagot dyan, ngipin na kakagat at lalamat sa mga taong matigas ang ulo.

Sa pagtatapos, siguro hindi na kailangan ng isang henyo para isipin kung sino dapat ang sisihin, 99% ng disgrasya sa ano mang larangan ay HUMAN FACTOR yung isang pursyento ay talagang tsamba nalang, yung mga sinaryong sa FINAL DESTINATION mo lang mapapanuod.

Naway, bigyan ng lakas at malawak na pang unawa ang mga pamilya ng mga nawalan at bigyan ng lakas at tatag ng loob (na kahit anong tukso ay kanilang iiwasan) sa mga pagpapatupad ng parusa sa mga dapat parusahan. Bigyan din nawa ng tapang ang mga may sala, tapang para akuhin ang responsibilidad ng kanilang nagawa.

Pagpalain tayong lahat ng Lumikha.
 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento