Huwebes, Setyembre 19, 2013

Dining with the Istars

"Kuya asa loob ba sila Enchong Dee?" tanong ng dalagang nakatungo sa harang at sa gilid ng balikat ng bruskong kalbong bodyguard. "Oo" maikling balik ko. Nagtanong ulit sya ng "Nagpapicture ka?" binalikan ko ng mabilis at malumanay na "Hinde" hindi ko inasahan ang kanyang sagot. "TARAY!".

Eto ang ekse nuong nakaraang linggo ng maabutan kame [Naks!] nila Enchong Dee, Julia Montes, at Jed Madela sa kaninan na ang espesyalidad ay ang malalaking talangka sa isang mall sa Subic.

Tahimik kameng naghahapunan ng dumadundong ang sahig at animoy merong aklasang nagaganap sa labas ng restawran. Ayun pala e pumasok na ang mga taartits sa kinakainan namen, galing sa kanilang mall show para sa kanila soup [soap pala] opera sa HEBIHES-SIBEHEN.

Napabilib ako dahil sa kapal ng taong nagmasid at naki UZI sa mga bagito at bagitang ito, inaamin ko naman, dalawang paligo lang ang lamang ko kay Enchong at isang linggong kus-kus naman lamang ng Misis ko kay Julia Montes, si Jed Madela, ayus lang [hahaha], na talagang mga artistahin ang dating [malamang, tanga ka ba, kaya nga artista sila e].

Sandamakmak din ang mga naglalakihang body guards na nakapalibot sa kanila na alam na alam mong kahit singa lang nila pag tumama sa yo e matutulog ka. Sa kapal ng mga bantay nila e mistulang si PNOY ang kumakain sa loob kasama ang kanyang trusted ally na si Napo... Mar Roxas pala.

Naisip ko tuloy kung gaano kahirap ang maging isang sikat, isipin mo napakasarap ng kinakain mo pero dapat  naka poise ka parin, kase pag nakita kang pangit sa Instagram o Facebook habang nilalantakan mo yung sipit ng malakaing talangka e katakot-takot na batikos ang makukuha mo.

Hindi ka makakapag isaw sa may UP dahil syempre dudumugin at magkakanda duling duling ka sa mga flash ng camera ng mga kabataang babae at mga ermats na super diehard sa mga artista in general. 

[Tapos syempre asa PEUPS ka na malapit din sa THE ATENEO, hindi mo maiiwasang batikusin ng mga EEEWWWWIIIEEE-SUPER-DUPER-SOSYAL-ANAK-NG-POLITIKO-or-BUSINESS-MAN-NA-DAWIT-KAY-NAPOLES-WITH-MATCHING-ROLLING-OF-THE-EYES-WHO-THE-HELL-DO-YOU-THINK-YOU-ARE-BRATS]

Hindi ka makakapagmall or kung makakapag mall ka man ay parang kang timang, kase isipin mo naglalakad kang merong umaaligid aligid sayong mga utaw at paminsan-minsay nanakawan ka pa ng litrato.

Kaya mas pinili ko nalang maging pribado [wag na kayo kumontra, nakikibasa nalang nga kayo e].

Nauna na kameng lumayas kase bukod sa bawal silang lapitan, trip kase ni esmi na pakunan si Mikay larawan sana sakinala, e tapos na din kameng lumantak at oras na ng pagtulog ng pinaka maganda kong prinsesa.

Habang kami ay paalis ng restawran para bang nagpapaligsahan silang tatlo kung sino ang unang makakabukas ng malaking talangka ng pinakamabilis.

At dahil sa tipono at tindig ng wangkata alam na alam kong si Enchong ang mananalo, ibig ko sanang icheer si Enchong para mas lalo syang ganahan pero baka mapahamak lang ako kaya hindi ko na tinuloy.

Ang naisip ko sana kaseng cheer ay ENCHONG GO! ENCHONG GO! ENCHONG!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento