Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang argumento ko sa paksang ito. Sa di nalalayong panahon ay nagkaruon kame ng balitaktakan ni misis kung ang pagiging masipag ang susi sa matiwasay na buhay o swerte lamang. Siya ay sa una at ako sa huli, na merong bahagyang halo ng una.
Ang argumento nya pag nagsipag ka papasok at papasok din ang swerte sayo, ang akin naman, pag sinuwerte ka, tapos magsipag para hindi mawala, para bang, pag nabigyan ka ng break sa buhay, wag mo ng bitawan pagsikapan mo at gagantimpalaan ka. Merong point si misis at mas nakararami ang sasangayon sa knya, tyak yan, ang mga taong abnormal lng na gaya ko ang maniniwala sa huli.
Pero ianalyze nyo, ang mga kapatid nating mga labor worker, araw-araw nagbabanat ng buto yan kulang nalang ipalit nila yung muka nila sa semento kakatrabaho pero ang ending sa siksikang bus parin ang bagsak nila papauwi, hindi mo namang masasabing tamad yang mga yan, kahit na sa cavite pa nakatira yan at sa may san jose del monte bulacan ang trabaho nila, hindinghindi nalalate yang ma yan, sayang ang kaltas.
Ibaling naten sa kabilang pahina ng buhay, yung mga sakyutib na sinuwerte lang na nabigyan ng break, ay iba ang pagkudkud sa maghapon, de aircon na opisina, malambot na upuan, laptop, starbucks, at suv-ng modelo ang gamit sa pag uwi. At kahit dalawang tambling lang ang layo ng bahay nila sa opisina ay nalalate pa gawa ng natrapik sila, oks lang sa knila yun, la namang bawas sa sweldo e, kung meron man barya lang, hindi ramdam. Saang daan ako papunta kung inyong tatanungin, simple lang, hindi lahat ng masisipag ay nabibiyayaan, kung tutuo man yang kasabihan na yan, lahat sana ng nagoopisina o bumabangon sa umaga o gabi para magtrabaho at kumayod, ay ubod na ng yaman, sana tutuo pero malabo.
Bibigyan ko kayo ng analization by comparisson, wala sigurong pinagiba si john gokongwei sa mamang nag dedeliver ng jaryo tuwing umaga, bike? check. good? check. clientle? check. etc. etc. pero si gokongwei ay naka jackpot, suwerte, kaya ayun isa na sya sa pinakamayamang tao sa pilipinas, habang si mamang jaryo ay ayun parin, pajak dito pajak duon, tapon dito tapon duon.
Parehas silng masipag pero hindi sila parehas na sinuwerte, consistent din sila sa pag sisipag kase hindi yayaman si gokongwei kung tamad sya, at hndi rin magpapatuloy na magdeliver si manong ng jaryo kung tamad sya. Parehas silang masipag, pero hindi sila parehas na mayaman, at hindi rin sila parehas na sinuwerte.
Siguro sa pagtatapos, isa ito sa mga walang kamatayang argumento tulad ng sa manok at itlog, may kanya kanyang pananaw at paniniwala. Pero isa lang ang sigurado, hindi ka tamad at lalong hindi ka malas kung higit sa tatlong beses ka nakakakain sa luob ng 24 oras.
PS. Pasensya na kayo kung walang sense, kinati lang kamay ko sa pagsulat.
isa ka talagang malaking CHECK!!!!! :) nasa guhit ng palad yan wala sa kung masipag ka .. kanya kanyang suwerte nga naman! apir !! binuksan mo n nman ang natutulog kong utak ser!! APIR!!
TumugonBurahinThanks Jhe, at least meron akong nauuto, hehehe.
TumugonBurahin