hayaan nyong ikwento ni master labo ang mga pangyayare at kaganapan sa buhay-buhay ni udubugdabugs ukol sa kanyang sariling pananaw at opinyon...
Linggo, Abril 14, 2013
3K FRIEND(isang pagpupugay sa natatanging kaibigan)
Nabibile ba ang pagkakaibigan? Marahil marami ang kokontra pag sinabe kong oo, pero hayaan nyo munang ilahad ko ang istorya bago kayo humusga. 2008, Nobyembre, ados ng makilala ko ang isa sa mga da best na naging kaibigan ko. Sa halagang 3000 pesos nabuo ang magandang pagkakaibigan. Syay binigyan ko ng tulugan at pinakakain ko araw-araw, at ang sukli nyay tapat na kaibigan. Minsan nakakasama ko sya sa inuman sa ibang barkada, pero hindi ubra sa kanya ang pag inom, nakaupo lang sya sa sulok at tahimik na nikikinig at nagtataka sa aming kwentuhan. Madalas ko din syang kasama sa aking paglalakad at pagtakbo, syay tatakbo kung akoy tatakbo at maglalakad din pag akoy lalakad. Nakilang beses na din kameng napapaaway sa ibang siga sa daan, pero lahat silay kanyang tinataob, kung hindi ko lang siguro sya inaawat, marahil ay marami na rin syang nakitil na buhay sa lipton. Isa rin syang tapat na kasama sa bahay, hindi mo nga lang maasahan sa gawaing bahay, pero ikay naman makakatulog ng mahimbing dahil alam mong meron kang matikas na kasama at tiga bantay. Marami ang takot sa aking kaibigan, sa tindig at porma nya pa lang ay nakakasindak na, pero para sa akin, isa syang maamo at malambing na kakosa. Minsan kamey nagkakatampuhan, at kung syay aking kagagalitan, yuko lang ang kanyang sagot, ni animoy humihingi ng tawad, kahit minsay ala ako sa lugar. Nasasabihan ko rin sya ng aking mga hinaing at pagtatampo sa buhay, pero ni minsan hindi sya nanghusga o nambuska, at ang tanging sagot nya lang ay, tingin na wari moy nagsasabing, hayaan mo na talaga sigurong malabo ang mundo. Kanina isang napakasamang balita ang nakuha ko sa text, mula sa aking pinsan, Kuya, patay na si wailer. Sa loob ng apat na taon, akoy nakabile ng isang tapat na kaibigan, kahit na syay hindi nagsasalita, alam kong akoy mahal nya ng walang paghuhusga at alinlangan. Hindi ko naitago ang sakit ng pagkawala ng kaibigan, napaluha at napaiyak, nang malaman ang balita. Kaya kung saan ka man aking kaibigan, magkikita din tayo, sanay patuloy mo kaming bantayan kahit ikaw ay asa malayo ng lugar, pasensya ka na kung hindi ako naging perpek na kaibigan. Makakahanap din siguro ko ng iba pang magiging kaibigan, pero wala ng hihigit pa sayo, pangako yan. Sa halagang 3000, nakakuha ako ng kaibigan na ang halaga ay higit pa sa anim na libong toneladang pera. Mahal kita Wailer, salamat. Hangang sa muli.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
awwww... sad ...:(
TumugonBurahin