hayaan nyong ikwento ni master labo ang mga pangyayare at kaganapan sa buhay-buhay ni udubugdabugs ukol sa kanyang sariling pananaw at opinyon...
Lunes, Marso 25, 2013
Nangina nga aldaw
Nuong kamey mga asa elementarya palang ay madalas ang aming pag uwi sa probinsya pagsapit ng kwaresma. Gamit ang aming ever reliable '85 toyota coralla DX, PAW 503, sama-sama naming babaybayin ang kahabaan ng expressway hanggang pampamnga hanggang tarlac hanggang Cuyapo Nueva Ecija. Magsisimula ang aming lakbay sa kahabaan ng commonwealth ave na datiy 4 lanes lamang, north at south bound na. Tatahakin namen ang north ave, hanggang edsa palabas ng expressway. Kung suswertehin ay si paps ang magmamaneho si mams sa shotgun, at kaming tatlo ay karambola sa likod. Masayang magbiyahe nuon, hindi masyado maiinit at hindi pa gaanong trapik, at ang pag gamit ng seatbelt at AC ay pang mayaman lang. Hudyat ng bulacan ang mga pine tree sa gilid ng daanan, ibig sabihin, malapit na kayo sa napakahabang tulay, na hinehele ka habang itoy binanaybay, dahil sa disensyong pag laro nito sa alon ng mga sasakyan. Maglalaro kame ng hulaan sa mga nakatalikod na ads at kung sino ang matalo ay pitik sa tenga ang parusa. Pag lampas ng mahabang tulay, ang pinaka masarap na parte ng biyahe, kase ibig sabihin ay Dau na at eto ay mistulang stop over ng lahat ng nagpapanorte. Pag alang sumpong si paps ay makaka meryenda kame (peace paps). Eto na rin ang hudyat na ikay babay-bay sa bayan ng mabalacat papuntang bambam tarlac, kung saan makikita ang dulo at memorial ng Death March, at dto ka rin makakakita ng daan-daang namamatang nag pepenitensya. Anjan kang naghahampas sa likod ng taling merong maliliit na pirasong kawayan, buhat buhat ang mabigat na krus, dumadapa ng naka dipa sa mainit na batuhan, at kaliwa't kanang pasyunan. Hindi rin kumpleto ang biyahe mo pag hindi ka naabala ng mga truck ng tubo na papuntang azucarera sa hacienda luisita, pero daig mo pa ang nagpipinetensya kung kasunod mo ay labindalawang truck ng tubo, dahil malamang sa malamang ay mapapahaba ang biyahe mo. Malalaman mo ding asa Tarlac city ka na kung bahagyang babagal ang takbox ng trapiko, dahil naman dito mo halos makikita lahat ang paradahan ng mga pang probinsyang bus. Victory, Dagupan, Rabbit, Baliwag, Viron, Pantranco, atpb, dito rin ang opisyal na stop over ng mga bus station. Ilang hintay nalang at mararating mo na ang gerona tarlac na ang sasalubong sayo ay ang istatwang ibong geron. Ilang usad pa at maabot mo na ang paniqui tarlac, madadaanan mo din ang historical ng maituturing na PNB dahil mula ng ako'y mag kaulirat ay syay isang banko na at hindi pa nagbabago ng anyo at lokasyon (hanggang ngayon). Pagkalamas ng paniqui ay dapat ka ng kumanan sa may anao tarlac, dadaanan ang riles ng treng niluma na ng panahon at kalawang, ilang minuto pa ay maabot mo na ang nampicuan, katulad ng cuyapo, itoy malayong bayan ng Nueva Ecija. Pagkalampas mo lng ng hacienda ay mararating mo na ang barangay cabauangan, ang boundary ng nampicuan at cuyapo. Unang brgy ng Cuyapo ang bentigan, at ang ibig sabihin nito ay wala pang samping minuto ay sa bayan ka na. Hindi rin nakakaligtaan ang pag busina sa waiting shed ng lawak, ang sabe ng marami meron daw nangungua duon, para ka lang nakikiraan, kaya ika'y bubusina. Pagdatinglo ng bayan, bubungad sayo ang San Roque parish church, sa kaliwa ay ang municipio at sa kaliwa ay ang tindahang yero. Pag kaliwa ng sasakyan dito ay ang hudyat na nagsisimula na ang aming summer vacation.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento