hayaan nyong ikwento ni master labo ang mga pangyayare at kaganapan sa buhay-buhay ni udubugdabugs ukol sa kanyang sariling pananaw at opinyon...
Linggo, Marso 24, 2013
Puor
Pulang-pula ang kalangitan. Nagpuputukan ang mga lata ng sardinas at cornbeef sa naka-pakang pwesto ni aling iska. Hindi magkanda ugaga amg mga may ari ng tindahan, kawatan, at usisero sa pag kuha ng mga pwedeng isalba sa bigasan ni mang poldo. Hatungal na lang ang nagawa ni aling iska ng makita ang tindahang halos ding-ding nalang ang matira ng dahil sa sunog na nagsimula sa mga lumang kawad ng kuryenteng buhol-buhol na ni minsan ay hindi pa nasilayan ng tiga panelco nung itayo ang palengke. Nang hina ang nakaduting bumbero nung nakita nyang umaapoy ang langit sa malapit, alam na alm nya kaseng isang himala lang makakaapula sa nagaganap na delubyo, pero kahit gayon taas nuo syang sumakay sa kakarag karag na truck para puntahan ang sunog. Halong kaba at pangamba ang naramdaman ni earl nang makita ang mga umaasang tao sa kalye. Kasabay ng lonang bubong ng palengkeng naabo ang mga kabuhayan at pangarap ng daan-daang nasunugan. Pero sabe ni mang gusting masayahin, ayus lang yan, marami namang bumbay.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento