hayaan nyong ikwento ni master labo ang mga pangyayare at kaganapan sa buhay-buhay ni udubugdabugs ukol sa kanyang sariling pananaw at opinyon...
Martes, Mayo 13, 2014
Parang World Peace. Nga-nga Part 2.
Inilabas na ang listahan ng mga personalidad na damay sa PDAF o Pork Barell Scam.
Pero ang problema lahat merong listahan lahat maalam sa pangkalahatang issue na ito.
Si Ping Lacson merong labinlimang personalidad. Ang GMA 7 at si Sandra Cam merong tig labing siyam, ang kaso lang kay Sandra Cam dehins nya pa inilabas ang mga pangalan ng ibang sangkot.
At ang hindi naten alam kung meron ba talaga syang listahan o nagpapataas lang ng presyo.
Ang hirap kase sa bansang ito sadyang madami ang madudunong at magagaling at maraming may alam.
Ang kalalabasan, nagkuwang-kuwang na ang tutuong istorya. Ang gasgas sa daliri nagiging malaking sugat sa dalawang braso.
Hindi ko sinasabeng walang kasalanan o may kasalanan ang mga taong asa listahan. Ang punto debista ko lang kung maraming merong opinyon at alam mas tumatagal at lumalabo ang patutunguhan ng mga ebidensya at proseso ng pag sisiyasat ng makasaysayang dagok na ito.
At ang malupit dito, hindi pa nilalabas ang tutuong listahan nila Benhur Luy at Napoles. Kayo na ang bahalang pag tahi at magtagpi-tagpi kung ilalabas man nila ang listahan. Dahil pag nagkataon magiging parang labinlimang talampakang sudoko ang istoryang ito.
Babalik ako ulit sa una kong punto. Ang pagkamit ng hustisya sa PDAF Scam ay parang World Peace. Imposibleng Makamtam.
Naputa na.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento