A few months ago, kami (ako at si kumander) ay nag-stay ng 28 days sa loob ng Philippine Heart Center, dahil sa aming unica hija.
Sya ay nag undergo ng VP shunting, para sa kanyang Hydrocephalus.
Agree po ako, ang labo, Heart center tapos sa Ulo, kaya nga po, nakalagay sa profile ko, isa akong malabong tao.
Going back, Dahil sya ay kinailangang ma ilagay sa ICU, dahil sa ibat-ibang complikasyon, kinailangan nameng mag asawa na manatili sa waiting area, ng ICU, na asa parang walkway ng ng PAY at CHARITY ward, sa may 3rd floor. Gabi-gabi, ang misis ko, sa bangkong malapad natutulog habang ako ay sa lapag.
Gabi-gabi din, bukod sa pag intindi sa kalagayan ng anak ko, at gastusin, kailangan din nameng, iendure and mga kaganapan sa waiting area ng ICU, Charity Ward, at Pay Ward, ng nasabing ospital.
Anjan kang, halos isang barangay ang nagbabantay sa iisang pasyente, at ginawang bakasyunan ang PHC, ang NAPAKALAMIG na AC na sagad to the bones ang lamig, ang maiingay na taga bantay na kahit alas dose na ng gabi ay sige parin sa pakikinig ng radyo o music (parang asa bahay lang), hanggang sa maiingay na pasyente at mga doktor. Well, you can't complain, you just have to endure it, sabe ko nga.
Nung unang gabi nameng matulog ni misis sa waiting area, ang tinulugan ko sa lapag ay kapirasong karton ng wilkins mineral water, at ubod ng nipis na kumot, Diyos ko po! napalamig, ako ay punong puno ng taba sa katawan, at hindi kaagad nalalamigan, pero iba ito. Para kang natulog sa labas ng bahay, ng naka brief lang, ng walang kumot, tos nakatutok ang electic fan na asa number 3, sa BAGUIO CITY, ganun po ang feeling ko nung unang gabi namen.
Siyempre, second day, alam ko na ang mga kailangan ko, bumili na ko ng dalawang broadsheet na dyaryo, double purpose ika nga, newspaper by day, bed by night, pero wa epek padin, napakalamig padin, Panginoong habag.
Eventually, nakapag puslit na kame ng banig, at yung mga iniwang mga karton ng mga nauna sa amen ay napakinabangan ko na din, nakita ko na din kung saan nagmumula ang tindi ng lamig na nagawan ko naman ng konting paraan para mabawasan ang lamig, pero malamig parin.
Meron ding mga bagong pumasok, at nakihalo, pero sabe ko nga sa isip ko, like what we went thru, you should endure it as well, so no more mister nice guy muna, kesehodang babae o matanda ka, pasensyahan nalang muna tayo.
Isa pang eksena na kakaaliw ay ang mga long term borders nila duon, meaning, yung mga matatagal na sa ospital na animoy kanila na ang bangkong tulugan.
May isang pangyayare, kung saan umaksyon ang nurse ng ICU, kase wala ng tutulugan o pupwestuhan ang isang bagong dating na mag-asawa. ang siste, yung long time border na nabanggit ko, naagawan ng tulugang mejo maayos.
Naku po, kung nakakamatay lang ang matatalim na tingin at titig, malamang nagkaroon na ng mass murder sa waiting area ng ICU sa PHC.
Animoy, binabaril at sinasaksak nya ang pobreng magasawa, ng kanyang umaatikabong tinign, dahil sa kapirasong tulugang inagaw sa kanya, para syang isquatter na pilit na pinaalis sa kanyang munting lungga (no pun intended). Pero rules are rules, ang ending, parehas kame ng tulugan, sa lapag.
Mahirap din ang palikuran, first come first serve, kaya ang gawain ko, maaga ko naliligo, 6am andun nako, kase kailangan kong pumasok sa opis, pag tinanghali ka na, patay ka, lalo na pag ang gagamit ng banyo ay yung mga pasyente, naku po!
Ganon din sa pag dumi, pag minalas-malas ka, sa ground floor ka pa mag CCR, not to mention na ang kanilang elevator e lintik sa bagal, parang manual, may naghahatak kung aakyat at may rumerenda pag bababa, kung talagang hindi mo na mapigil, no choice ka, hagdan pababa, mag pray ka nalang na walang PREMATURE DELIVERY na magaganap.
Ang PHC din ay isang malaking MAZE, merong isang pangyayare nung kakatapos lang operahan yung baby ko at si misis ay asa loob ng ICU, merong mag asawa na pabalik-balik, na tilay nawawalan na ng pag-asa na makita ang hinahanap nila, lingon dito, silip duon, liko sa kanan, liko sa kaliwa, ayun pala, pauwi na sila, nag pailang beses silang ikot ng ikot para hanapin kung saan sila nag mula, ang problema, dahil sa kakahanap, mula 4th floor napadpad sila sa 2nd at umakyat sila sa 3rd, at ayun, lost in PHC MAZE na sila. buti nalang after siguro mga ilang oras, narealize nila na kailangan na nilang magtanong, kaya ayun, nakalabas din sila. Now they know, next time, hindi na sila mawawala.
Napaka higpit din ang seguridad ng PHC, lalo na pagdating sa KUMOTat BLANKET!!! ang anak ko kase may espesyal na blanket, balak ko sanang ipasok, parang you play it cool when you pass them by, yun bang parang wala kang tinatago. Pero sadya atang dumaan sa matinding training ang mga hinayupak sa pag kilatis ng kumot at blanket, ang siste ko, finold ko ang blanket ng pabilog na parang bimpo, maliit lang sya kasya sa likod na bulsa, mejo bulky lang, pero if your a normal human being, you would just mistake it for a bimpo, pero gaya nga ng nasabe ko, napaka expert and advanced nila pag dating sa pag detect kung meron kang dalang bawal, specifically blankets. ang eding, hindi nakalusot, walang blanket ang baby ko. so lesson learned, when you thought you have to play it cool to make it look normal, your wrong, lalo ka lang mapapansin at wag magdala ng bawal sa PHC, lalo na kung blanket o kumot.
Naging parking space ko din ang kahabaan ng matalino street, Jollibee-Chowking-Greenwich parking spaces, at quezon city hall, for 28 days. Paano mo naman hindi gagawin yun, sa PHC, kesehodang 50 milyon na ang bill mo sa ospital, kailangan mo paring mag bayad ng parking fee, na pagkamahal-mahal, kase daw kay AYALA yun, e ano naman ngayon kung sa kanya? kaya jan ko nilalagak ang aming namanang sasakyan, mula sa aking utol, sa mga nabanggit ko. Isa o dalawang beses lang ata ako nag park sa loob, di ko na inulit, kase nung magpark ako ng magdamag sa loob, pwede mo ng pang Jolibee yung ininayad ko. Nagawa ko ring pagrambulin ang mga parking attendants/boys sa kakarampot na barya, paano? ganito, galing akong opis, parking ako ng gabi, sabe ng isang lalake, considerasyon naman jan sir, gabi-gabi kayo nag papark jan e, sabe ko, kakabigay ko lang ng 50 duon sa kasamahan nyo kaninang paalis ako e, akala ko naman hati kayo. Ayun nga, kinabukasan paalis ako, yung pobreng mama saben saken, sir sinisingil ako kanina nung mga kasamahan ko, tapwe (50) daw binigay mo saken, bente lang sir yung inabot mo kagabe, ako naman patay malisya, tapos sabe ko, hindi ko sinabe yun, sabe ko 20 binigay ko araw-araw, tska hindi ko kaya yung 50 masyadong mahal, ngayon nga 40 naibigay ko, bente kagabe, tos bente ulit nagyon sayo, sabay alis.
Pero kinalaunan, marahil sa pagiging regular kong nagpapark duon, naging kachokaran ko na din sila, may sarili na akong slot, sa may tapat ng chowking sa ilalim ng punong accacia, tuwing gabe.
Nakwento ko din kase sa kanila yung pinagdadaanan namen sa loob, siguro naawa, kaya nung pauwi na kame, nung kinuha ko yung oto, ayaw ng abutin yung binibigay ko, pero pinilit ko pa din, pa consuelo na din kase, for 28 days binantayan talaga nila yung oto namen, walang nasira, nawala, nabingkong, nabaloktot, kung gaano yung mga dent at gasgas nya, yun padin mula nung simula, at may slot pa ko, diba san ka pa?
Hindi ko din makakalimutan, ang kapitbahay namen sa waiting area at ICU, na si Ralf Sy (paseyente), nakalimutan ko na yung name nung Nanay nya, pero gaya din ni Kumander, TALAGANG ULIRANG INA, NI HINDI KO NAKINGGAN NG REKLAMO SA PAGOD O KUNG ANU MANG REKLAMO, BAGKOS MINU-MINUTO SILANG NAG MOMONITOR SA KANILANG MGA ANGEL, SO KAY KUMANDER TSAKA KAY NEIGHBOR, I SALUTE YOU!!! KAYO ANG KONGKRETONG HALIMBAWA NG UNCONDITIONAL LOVE!!!
Halos kasabay namen silang dumating sa waiting area ng ICU, umaga kame, hapon sila, halos parehas din kame ng itinagal sa ICU at sa ospital, nauna lang silang lumabas sa ICU ng ilang araw tapos nauna rin lang siguro kame sa pag labas sa ospital, sana, kase I happen to bump into her sa loob ng ospital, nung papalabas na kame, konting kamustahan, chikahan, ayon sa kanya, palabas na din sila, sabe ko nga, sana magkita-kita ulit kame, pero sa labas na ng ospital. Kung san man si Neighbor, I hope SOCHI (tawag nila sa bata) is doing fine na, which am confident he is, we also included him in our prayers, which we knew you included din Mikay in yours. Godbless!
In totality, sobrang humbling ang experience na yun sa akin, ipinadanas sa akin ang matulog sa kongkretong higaan, na ang tanging pananggalang mo lang ay kapirasong karton at manipis na kumot, sa napakatinding lamig. Magtiis at magtimpi sa mga taong nakakainis lalo na sa mga taong walang kunsiderasyon, mga taong sarili lang ang iniintindi. Napakaagang pagpila sa banyo na bawal babaran, dahil maraming mag aantay at gagamit, na kakatukin ka pag mejo tumagal-tagal ka sa loob o pag gamit. Gumising ng napaka aga para lang pumila ng walang katapusang linya, umupo sa gilid ng basurahan at sa mapanghing palikuran, habang nag aantay na matawag ang iyong pangalan, mababad sa napakatinding sikat ng araw, na hindi mo naman maalisan kase sisingitan ka sa pila ng mga taong nagbabakasakale sa konting tulong na maiaabot ni MADAM CHAIRPERSON ng PCSO. Mairapan, masigawan, at masungitan ng mga social workers, hindi naman kame mayaman pero sobrang kabaliktaran ito sa nakagisnan kong pamumuhay.
Lumaki akong merong maayos at malambot na tulugan, sapat at sobrang pananggalang sa malamig o mainit na gabi, binubulyawan ang maingay kapag natutulog, kahit nanay ko ang nag iingay (pera lang sa tatay ko, hindi ko ginawa, baka palayasin ako), Gumising sa anong oras na gusto at maligo sa sariling banyo, hindi makapag antay kung may hiling, gusto agad-agad ora mismo, ika nga, magsisimangot pa kung hindi mabigyan o mapagbigyan sa hinihiling, Nagiinarte pag natapat sa basurahan o mapanghing banyo, Nagtatatakbo pag sobrang init ng araw, nagrereklamo pag sobrang init sa loob ng kwartong merong electric fan at SUNGITAN ANG MGA TAONG NANG HIHINGI NG KONTING TULONG, lahat iyon ay bumalik sa akin, ng kame'y manirahan sa ospital ng 28 na araw.
Ngayon, sobrang natatak sa akin ang kasabihang "MATUTUNG MAMALUKTOT SA MAIKLING KUMOT" both figuratively and literary.
Salamat sa Dyos at maayos na ang lahat, kaya naman akoy nagkaroon na ng lakas ng loob na ipamahagi ang nakakaaliw at nakakatuwang side ng aming pinagdaanan.
Marami kaming napulot na aral experience na ito, yun lang, mejo ayaw ko ng alalahanin yung hindi maganda, kaya naman etong lighter side nalang ang kinuwento ko. Naway naaliw ko kayo.
Hanggang sa muli!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento