Meron bang karapatan ang isang tulad kong simpleng mamamayan na ang buhay ay walang pinagiba sa milyong milyong tao sa Pinas na mag blog? kung tutuusin, hindi naman ako magaling magsulat, hindi din naman ako makata, wala naman akong ginagawa na interesante na dapat kong isulat o ipamahagi, isa rin lang ako sa milyong milyong ordinary opis boy, kung tutuusin na ang buhay sa isang linggo ay opis-bahay lamang. malayo din ang ginagawa ko sa opisina sa pagsusulat, pero BAKIT AKO NAG BLOBLOG?
Ewan ko nga ba, we'll, mahilig din naman akong mag daydream at mag imagine ng mga bagay-bagay, tulad ng paggawa ng isang documentary, storyline ng MTV sa mga kantang natitipuhan ko, mga maiikling kwento na gusto kong maisa teatro, pero hanggang duon lang yun, bakit, simple I DON'T HAVE TO MEANS TO HAVE THESE IDEAS IN PLACE, at ang pinaka malaking problema kung bakit puro pag iimagine nalang sila, I DON'T KNOW HOW TO DO IT.
Inggit? parang, siguro, malamang. mahilig akong magbasa ng blog, lalo na yung kay MOTWISTER at sa bayaw ng asawa ko na si Pareng Edong (eto ang blog nya, inverse tutuldok), at kung ano-ano pang blog na nakakakuha ng atensyon ko. etong mga taong to e may K na mag blog, bakit? yung mga nabanggit ko nung unang wala ako, sila naguumapaw nuon, kaya patok na patok ang mga blog nila.
pero bakit kailangan pa akong mag blog kung pwede nalang magbasa ako ng mga blog nila. siguro nga pinanganak akong inggetero, kung ano meron sila, dapat meron din ako, yun nga alang, sablay yung akin, ang tumitingin lang e ako, pati asawa ko, e walang dating ang blog ko.
Pero sigurado ako, pag kinuwento ko ang isa mga dine-daydream ko sa pagka haba-haba ng panahon, malamang makakakuha ito ng atensiyon.
Bigyan ko kayo ng konting idea, trip kong mag tour of Luzon gamit ang isang diesel na sasakyan (para tipid) at video cam. mag dadala ako ng 2 kaibigan na sakay ang trip ko at marunong mag drive. lahat ivivideo ko mula sa pag alis hanggang sa pagdating. magmumula kame sa Bahay namen sa QC, tatahakin namen ang buong bulacan, hanggang pampanga, tagos ng bataan, papuntang Zambales, to pangasinan, la union, ilocos, cagayan, apari, isabela, nueva vizcaya, nueva ecija, bulacan (ulit) at pagbalik sa bahay namen sa QC. idodocument at ishoshocase namen unang una ang ganda ng pilipinas dagat, bundok, bahay, tao, pagkain, tradisyon, at kung ano-ano pa. siyempre mahirap sya gawin dahil sa iisang dahilan BUDGET at sa malamang hindi ko sya magagawa dahil pa sa ibang kadahilanan. pero am not closing my doors, i will include it on my bucket list. basta magagawa ko sya.
Pero, hanggang duon lang ang interesante kong IDEA, pag tapos nun, anu na susunod na ibloblog ko? balik ulit sa dati, alaws nanaman.
Pwede ring nakikiuso, kaliwat kanan ang blog na binabasa, ibat ibang putahe at samutsaring tampok, nakakapanghikayat na magsulat, kaya, I feel the urge to create one for my own consumption. pero nung nagsimula na, patay, wala akong masulat. boink, teng-ga ang blog ng ilang linggo, wala kaseng maisulat.
Malamang, magpapatuloy parin ako sa paghahanap ng kasagutan sa aking simpleng tanong, naway matulungan nyo din ako sa aking katanungan... BAKIT AKO NAGBLOBLOG...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento