Kami ay nagmula sa bayan ng Cuyapo Nueva Ecija, ang Cuyapo ay sa pagitan ng Tarlac at Pangasinan, kaya naman diverse ang mga tao dito, pero ang karamihan ay mga Ilocano.
Lumaki kameng magkakapatid dito sa Maynila, kami din ay lumaking matatas sa Ilocanong lenguahe, salamat sa aming mga kamag anak at mga magulang dahil sa bahay ang usapan namen ay Ilocano.
Nuong bata kame, madalas din kameng umuwi sa aming probinsya sa mga okasyong gaya ng Pasko, Bagong Taon, Mahal na Araw, Piyestang patay, summer vacation, birthday ng mga Lolo't Lola, Piyestang bayan, at kung kailan maisipan ng nanay kong umuwi.
Sa sarili kong opinyon (i might be wrong), marami ding mga tatak Cuyapo na hindi ko nasaksihan sa ibang bayang napuntahan ko, simulan naten sa mga laro.
PAWAY, ito ay nilalaro gamit ang mga tsinelas, mas magaan mas maganda, kaya ang RAMBONG tsinelas ay hindi pwede sa larong ito, na kapag hindi ka marunong ay kawawa ang yong kamay sa hampas (ako kawawa nuon), (hindi ko rin alam kung tama ang iniisip kong kunsepto ng tamang gamit ng tsinelas kaya hindi ako magaling dito, o sadyang hindi talaga ako marunong).
KAPITAN BARYO, na para syang pinaghalong agawan base at taguan, kase ang kunsepto ng pag taya ay parang agawan base pero may halong taguan din at sa gabi lang pwedeng laruin (well never pakong nakakita ng mga taong naglalaro ng kapitan baryo sa umaga).
Anjin din ang PALSUOT, ito ay sumpak na gawa sa kawayan, na ang bala ay binasang dyaryo o papel, marami ding variation ito, anjan kang pwedeng tubig ang tubig, pwede ding bunga ng prutas, pwede ding yung malambot na parte ng katawan ng saging, basta ang mahalaga ay nakukuha ng laruan mo ang kunsepto ng sumpak.
Ang paggagamba, na sa lokal ay LAWLAWA, hindi ako magaling dito, parehas sa pagkilatis at pang huli, buti nalang nung bata ako (kame), meron kaming mga nahihingan ng gagamba, it also comes with the multi divided lalagyan na posporo.
Siyempre, dahil ang aming barangay (ata) ay sadyang mahilig sa game of chance (sugal), hindi rin mawawala ang larong konsepto ng tanching at holen, hindi ko alam ang tawag, nanunuod lang ako.
ang siste, bibilog ang mga kasali at magtataya ng tig benchingko, para itong tanching ng pera pero ang pamato ay holen. hindi ako sumali dito kase walang wala akong panama, sablay na nga sa holen wala ring pera.
Anjan din ang pasyalang lokal at mga kainan, na hindi naadvertise pero kung taga Cuyapo ka dapat mo itong puntahan at itry na kainan.
MT. BULAYLAY, ito ay ang natatanging bundok ng Cuyapo, ang siste, toka toka sa mga bitibiting gamit sa pag piknik, masaya sa pag akyat, kahit na nakakapagod, pero pag asa tuktok kana, sulit naman ang mga pagod.
TANG-GAL, ewan ko kung nakaligo na ako dito, pero malamang sa malamang nakaligo na, marahil sa dami din ng niliguan nameng ilog nuon, hindi ko na matandaan kung anu dun ang tanggal. pero in a nutshell, sikat na liguang ilog ito (sana tama ako).
PANSIT FLORES, the legendary PANCIT ng Cuyapo, well many tried to topple it, but no one succeeded, still there are the best there is, the best there was, and the best there will be.
HALO-HALO ng palengke, parehas din ng PANCIT FLORES, pero ang kaibahan, marami silang pagpipilian, pero ang common denominator, lahat sila masarap.
Ang pagligo sa mga kanal sa kanto ng district VI (malinis pa nuon) at patubig ng mga palayan, lalo na sa mala swiming pool na patubig ni INGKONG (Diyos ti alwad), hindi rin mawawala ang pag tampisaw sa napaka linis na PRITIL, yun lang kasama mo din ang mga kalabaw at baka sa pag ligo, pero at that time, who cares.
Nakakamis din ang pag sakay sa likod ng kalabaw, na dapat mong hawakan sa buntot pag itoy bababa o aakyat sa mga tuyong ilog, para ika'y hindi mahulog.
Ang pagsakay sa pasagad, na animoy sleigh pero yun nga lang hindi sya pang snow pero pang putik, kakamis din ang pagsakay sa maramihang kariton, na aming ginagamit pag merong mga piknik sa bukid ng aming mga lolo't lola.
Hindi rin makakalusot ang mga PANGTAKOT at NAKAKATAKOT na mga bagay-bagay at lugar sa amen.
Simulan naten sa mga PANGTAKOT ng mga nakakatanda, KUMAW, ang klasik na panakot sa mga bata, para matulog ng tanghali at huwag mag babad sa araw. ang famous line ng mga matatanda sa amin "MATUROG KAYON!!! ARIDTA TI KUMAW-EN" (trans: MATULOG NA KAYO, SIGE ANJAN NA ANG MGA KUMAW). sino ba namang bata ang hindi matatakot dito, ang siste, meron daw mga taong nagiikot na nakasakay sa trak na nangunguha ng mga bata para gawing alay sa mga ginagawang tulay, daanan, o building.
AWIT-AWIT, nung bata ako ay madalas kong madining ito sa probinsya kahit na sa bahay namen, isa itong uri ng ibon (palagay ko) na nocturnal, kase makikita mo lang sila pag papadilim na. Ang siste, ang ibon daw na ito, pag dumapo sa bubong ng bahay mo, at nagsimulang gumawa ng ingay nya, ay siguradong merong mamamatay. Ang huni nito ay AWIT-AWIT na mejo matining. ang siste kase, sa Ilokano, ang salitang AWIT ay bit-bit o dala-dala, kaya ang pagkaware, pag dumapo sa bubong ng bahay at nag ingay ay siguradong may bi-bitbitin pag lipad. Pero ngayon ay halos wala na akong marining sa probinsya namen at sa bahay, sana naman hindi nila naAWIT ang mga kapwa at naging instinct na.
ANSISIT, napaka epektib nito sa aming magpipinsan, lalo na pagkain at pagtulug sa gabi, ang kaso kase, nung bata kame, lahat ang tuluyan ay sa ancestral home (take not home), at ang tulugan ay sa gitnang kwartong napaka luwag at merong mahabang kulambo. si ANSISIT daw ay parang dwendeng tyanak, na mahilig sa batang hindi kumakain, lalo na ng hapunan. kaya siguro halos lahat kame ay lumobo, dahil kahit na anong ulam ay aming ginigiba, dahil sa takot na kunin ni ANSISIT.
Hindi rin mawawala ang Kastilang bahay ng mga pamilyang LEJERO (sana tama ako, sorry naman), maraming mga kwentong kababalghan dito, anjan kang kapre sa punong accacia sa tapat, white lady sa bintana, naglalaglagang monggo mula sa kisame, hanggang sa kwartong hindi/ayaw mabuksan,
Anjan din ang kinatatakutan mula sa bolang apoy sa kanto ng digitel, pius, at central, na pag nahuli mo ay magbibigay ng swerte, ang baboy sa aguila street na animoy lumalaki pag pinapansin, na sa huli ay nanghahabol pero mawawala pag sapit sa punong acacia nila mrs. Aguila, ang babaeng nakaputing makikisakay tapos mawawala nalang ng bigla pag sapit sa simenteryong luma, punong santol na ang bunga ay mangga sa barangay loob, hanggang sa kawayang bumababa hanggang lupa na pag lalaktawin mo ay biglang aangat sa may tagusang daan ng luma at bagong simenteryo.
Malamang sa malamang ay marami pang mga bagay-bagay at lugar na may sariling kwento na hindi na umabot sa aking kaalaman, pero isa lang ang aking tiyak, PURO ITO MGA KWENTO, WALA PA KONG NAKASALAMUHA O SARILING EXPERIENCE SA MGA NABANGGIT, hindi ko sinasabing hindi sila totoo, pero sa tanda kong to, mejo malabo, LALONG LALO NA SI KUMAW AT ANSISIT.
Nakakalungkot lang kasabay ng pagtakbo ng panahon at teknolohiya, sabay ding natatabunan ang mga yaman ng Cuyapo.
Sila PAWAY, LAWLAWA, KAPTAIN BARYO, PALSUOT, at halos lahat ng mga larong kinalakihan ko ay pinalitan na ni DOTA, COUNTER STRIKE, PSP, etc.
Wala na din akong nadidinig sa mga kabataang nagyayang magpunta o maligo manlang sa mga nabanggit ko, ang mga kadalasang yayang nadidinig ko ay umistambay sa PICHANOK o KOSOVO (mga PC SHOP sa mga hindi nakakaalam), ang mga bago nilang pasyalan.
Pagdating naman sa kainan, hindi na kasing hitik nuon ang PANSIT FLORES at mga HALO-HALO dahil madali nading mag Jolibee or Chowking sa SM Rosales, 30 minutos lang anduon ka na.
Hindi narin epektib ang mga pananakot ng mga magulang at ang mga nabanggit kong mga lugar ay wa epek na din sakanila, dahil kahit hating gabi o mdaling araw, marami paring kabataan ang mga nakikita kong pakalat kalat sa daan, na ewan ko kung saan galing (malamang nakababad sa sugalan ang mga magulang).
Isa lang ang masasabi ko, sayang, unti-unting nauubos ang mga yaman ng Cuyapong inalagaan ng daang-daang taon ng mga ating ninuno, kaya sana maisipan nilang gawin din ang mga ginagawa namen nuon, habang hindi pa huli ang lahat.
Nakakapanghinayang din, hindi na ako madalas nakakauwi dahil narin sa maraming kadahilanan, pero isa lang ang sigurado, masarap balikan ang mga bagay bagay na NAGPABUSOG, NAGPASAYA, NAGPAKABA, at NAGPA KUNG ANO-NO PA sa akin/amin nung mga panahong ang text ay 25 sentimos lang ang bayad at ang tanging nagloaload lang ay si BEGS!!!
Hi Sir! Si Kent po ito ng I-JUANDER sa GMA NewsTV. Gumagawa kami ngayon ng kwento tungkol sa Santelmo na nagbibigay ng swerte at kamalasan tuwing pasko. Pwede po ba kayong makausap tungkol dito o di kaya ay may kakilala kayo na nakaexperience na makakita o maghunting ng santelmo tuwing pasko? Ito po number ko 09278223972 or email ko iamkentugalde@gmail.com This is ASAP po. Salamat
TumugonBurahin