Martes, Mayo 24, 2011

HALIMBAWA!!! THE COMMONWEALTH AVE EDITION

Sa inaraw-araw na ginawa ng Diyos, isa ako sa milyong-milyong motoristang tinatahak ang tinaguriang killer highway, ang Commonwealth ave.
Sa inaraw-araw din na ginawa ng Diyos araw-araw ko ding nasasaksihan ang mga kakulitan, kayabangan, kaarogantehan, at pagiging sadyang pasaway ng mga pilipino.

Ika nga, kung gusto mong makita ang tunay na ugali ng mga makukulit at pasaway na pilipino, pumunta ka lang sa Commonwealth ave.

Halimbawa, BAWAL TUMWID NAKAMAMATAY!!! TUMAWID SA TAMANG TAWIRAN!!! GUMAMIT NG FOOTBRIDGE!!! pero sa hindi mapaliwanag na paraan, mas gusto nilang tahakin ang labingwalong linya ng sasakyan at makipagpatintero sa mga rumaragasang bus, jeep, oto, at mga motor. ang hindi ko lang makuha e, parang ok na isugal ang buhay kesa akyatin ang mga footbridge na hindi naman gaanong kataasan. kung gusto nyong kongkretong halimbawa, pumunta kayo sa litex, sa may tapat ng Commonwealth Market.

Halimbawa, 60 KPH MAXIMUM SPEED!!! pero sadya atang mabibigat ang mga paa ng karamihan ng mga nagmamaneho sa lugar nato, lalo na ang mga bus at mga jeep, na parang mga bato ang mga paa dahil para sa kanila, ang pahayag na ito ay ISA LANG NA SUHESTIYON hindi BATAS NA DAPAT SUNDIN. anjan din ang mga pribadong mga sasakyan na akala moy mga race car sa takbo, ewan ko kung bakit pero marahil ay parte narin ng kayabangan nating mga pinoy.

Halimbawa, NAGPATALAGA NG MGA KAWANI NG TRAPIKO PARA HULIIN ANG MGA LUMALABAG SA BATAS TRAPIKO!!! Nagpikata nga naman sila, ilang araw lang, nung namatay ang isang batikang mamahayag, pero nakalipas ang ilang araw, alaws na naman, anjan na naman ang mga humaharurot na bus, jeep, at mga pribadong sasakyan. Tatak pinoy nga naman, ningas kugon. Isa pang napansin ko, ay ang mga kawani ng trapiko ay nakakumpol lang sa isang lugar (sa harap ng EVER COMMONWEALTH), well what do you expect, kahit saan ang mga tinamaan ng lintik ay ganyan ang gawain, kumpol kumpol lang sila, siguro close lang sila sa isat-isa kaya hindi nila maatim na magkawilay kahit sandali lang, kakainggit. Wag sana mangyare itong nasa isip kong headline ng balita, SAMPONG TRAFFIC ENFORCER PATAY DAHIL NASAGASAAN SILA NG ISANG OVERSPEEDING NA BUS SA TAPAT NG EVER GOTESCO COMMONWEALTH, wag naman sana.

Halimbawa, PEDESTRIAN AT PUV (public utility vehicle), BAWAL MAGSAKAY AT MAGBABA DITO!!! pumunta ka lang sa may litex, sandigan, st. peter, don antonio, luzon, at philcoa, ang babalang ito ay mistulang patawa. Panginoong habag, kulang nalang ay sa gitna ng daanan mag abang ang mga commuters at ganun din ang pagsakay at pagbaba ng mga PUVs. Hay buhay nga naman.

Halimbawa, CONCRETE BARRIER!!! anak ng kamote, paano mo naman makikita itong mga ito, sino ba namang matinong tao ang magkukulay ng mga barrier ng ITIM AT PUTI, na pag hinaluan mo pa ng alikabok ay isang MATIGAS NA INVISIBLE BARRIER, lalo na sa gabi at panahon ng tag-ulan.

Halimbawa, NO PARKING!!! punta ka ulit ng sandigan at tandang sora, ang isang lane ay isang malaking parking lot at tindahan ng mga kolorum na mga tindero at tindera, na pag pinagbawalan mo ay sila pang ang umuusok ang mga tumbong sa galit. ang common line, NAGHAHANAP BUHAY KAME NG MATINO KAME PA ANG PINAGIINITAN, bayad muna kayo ng tamang buwis sa pag titinda nyo para maging matino kayo, sana sa katulad kong nagoopisina ay pwede ring gamiting ang linyang to o gawin ang mga ginagawa nila, WAG MAGBAYAD NG TAX!!! SWEET!!!

Halimbawa, U-TURN SLOT!!! parang trial and error lang, kung magpalit sila ng U-TURN slot ay parang nag ssnow-pick lang, ooops mali, bura, dito naman subukan naten, so ang siste, nagkakagulo-gulo ang mga motorista, parang teka kahapon meron lang dito a, bakit nalipat duon, labo men!

Halimbawa, MAYNILAD MEN AT WORK!!! Aruy, isa pa sa mga nagpapasakit ng gums sa mga motorista, malamang sa malamang ang mga contractor nila ay arawan ang bayad, naknangpusang gala, konting tagas lang inaabot pa ng ilang linggo ang pag gawa, arawan nga walang kaduda-duda.


Halimbawa, BURULAN ALONG COMMONWEALTH!!! (pakialamero) parang nananadya, killer highway = St. Peter at Arlington (ata yung asa tandang sora). ewan ko kung ako lang pero, parang pucha naman, palitan nyo nalang ng motel para makontra ang sumpang KILLER HIGHWAY. Sana'y wag ng madagdagan, sa Araneta nalang kayo, o kaya makipagpalit nalang kayo sa mga beerhouse sa kahabaan ng Q ave, para toka-toka, pag patay ang usapan sa Araneta o Q ave, tos pag buhayan ang pinaguusapan sa Commonwealth naman. diba masaya?

Sanay mamulat ang mga mata ng mga namumuno na hindi mababago ang lahat sa simpleng pagbabantay o sa simpleng pagpapaskil ng nagmumura sa laking mga babawala at paalala.
Sanay mamulat din ang mga mata ng mga taong gumamit nito para sa responsableng pag mamaneho at isaisip din nila  na sa bawat pagdiin nila sa kanilang mga silinyador ay kaakibat nito ang mga buhay ng kanilang mga pasahero at ng mga pedestrian.

Sanay maisip din ng mga pedestrian ang responsableng pag antay at pag para sa tamang lugar, para maiwasan ang pag sikip ng trapiko at para na din sa kanilang sariling kapakanan.
Pero hindi parin nawawala ang aking pag-asa sa tuwing makikita ko ang mga mangilan-ngilan na matitinong  motorista na tumatahak ng highway na ito, pag nangyare ito, malamang sa malamang mapapalitan ng mga magagandang halimbawa ang mga naisulat ko sa itaas.

Kung mapapalitan ng mga motel ang mga burulan sa kahabaan ng Commonwealth malamang sa malamang, mapapalitan ang pangit na bansag nitong KILLER HIGHWAY!!! APIR!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento