Miyerkules, Mayo 25, 2011

Tikman ang ulan...

Simula na naman ng panahon ng tag ulan, simula na din ng panahon ng tag tamad.
Nuong akoy bata pa lamang ay mejo hati ang aking pakiramdam pag sapit ng tag ulan.
Hati dahil hindi ka makapaglaro sa labas ng bahay at maari ring umikli ang mga panahon ng pagpasok sa iskwela sa loob ng isang linggo, dito ay masaya ako, hehehe.
Pero isa lang ang sigurado, pag tag ulan, napakasarap maligo dito, lalo na pag mejo malakas ang buhos nito.
Masarap din sumahod sa butas na alulod ng bahay pag tag ulan, nuong ang shower ay pang mayaman lang, ito ang nagmimistulang instant shower sa karamihan.
Hindi mo rin kailangan magsabon at magshampoo, it will defeat the purpose of taking a bath in a heavy downpour (sariling opinyon).
Hindi rin mawawla ang kasabihang sadyang makapangyarihan ang unang ulan ng Mayo, kaya nuong akoy bata-bata pa, kesehodang nilalagnat, pag sapit ng unang ulan ng Mayo, hindi pwedeng hindi ako maligo.
Ok lang maligo sa ulan ng nagiisa, pero mas masarap pag anjan ang mga kalaro mo, habulan, basaan (mejo malabo, aminin natin lahat, nung bata tayo pag binabasa tayo habang umuulan ay umiilag pa tayo sa hindi maipaliwanag na kadahilanan), karera ng tsinelas, plastic, kahoy, o kung anu mang pwedeng lumutang, sa kanal, gagawa ng minidam gamit ang mga naipong putik o lupa.
Sinubukan mo ring tikman ang ulan para lang malaman ang lasa nito, pero nuong wala pa kong muwang sa mundo, kesehodang saang buwan yan pumatak, parehas lang ang lasa nito.
Kanina lang habang mejo naipit ako sa trapik dahil sa ulan, nabalik saken ang mga panahong pagligo sa ulan, naibalik din sa akin kung gaano kasimple ang buhay nuon, simpleng buhos ng ulan ay ayus na, ika nga it will make your day.
Bumalik din sakin ang mga kalaro ko nuon sa amin, ang mga kulitan namen sa ulan, pagtago at pagyuko tuwing hahampas ang mga malalakas at matatalim na kulog at kidlat.
Bumalik lang ako sa ulirat nung akoy mabusinahan ng sumusunod sa akin para undayan na malayo na pala ang asa harapan kong oto, in other words, back to reality.
Sa makailang beses kong pagtikim nito nuong bata pa ako, walang dating sa akin, para lang syang tubig na madumi, pero ngayon pag akoy nabigyan ng pagkakataong matikman ito muli ay alam na alam ko na kung anong tunay na  lasa ng ulan.
Kaya para sa lahat, lalo na sa mga nakababata, namnamin ninyo ang sarap ng ulan, dahil pag kayoy umabot sa edad ng responsibilidad, mamimiss nyo ito, at hahanap hanapin.
TIKIMAN NA!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento