Ilang araw lang ang nakalipas, nagpaalam ako sa asawa ko kung pwede akong makipag-kita at makipag inuman sa kaibigan kong mejo matagal kong hindi nakita, taon kung tutuusin, sa kanyang despedida.
How ironic, ang tagal nameng hindi nagkita tapos sa despedida nya pa kame magkikita, ayus, nagyaya sya dahil mejo matagal ang kanyang commitment sa NYC dahil sa kanyang propesyon.
Mejo late na ang imbetasyon, late as in gabi na nung nasabihan ako, late na ako nakaalis sa opisina dahil sa mga dapat tapusin.
Ang hassle lang, naubusan ako ng load, at hindi ko matawagan ang asawa ko para makapag paalam ng maayos, syempre, kailangan magpaalam gawa na rin ng respeto at pagmamahal.
Habang asa daan ako, panay ang pasok ng text ng iba kong mga barkadang anduon, tanong kung asan na ako at anung oras ako pupunta, pero ang mahalaga daw e basta magkita kita kame duon antayin nila ako kahit anong oras, syempre gustuhin ko mang mag reply, hindi pwede.
Sa kagustuhan kong makapunta, tumigil ako sa isang gasulinahan para magpaload at makapag paalam sa aking mahal na Kumander, para maayos ang lahat.
Alas, naka pag load na at nasent ko na rin ang aking mensahe, isa nalang ang kulang, ang kanyang matamis na OO.
Excited, dahil na rin sa kadahilanang, kahit andito lang kame sa Pilipinas madalang na kameng magkakitaan dahil sa sari-sariling buhay, at parang mini-reunion na rin, tapos dadagdagan pa ng masarap na pulutan at serbesa, ayus na, asaran at basagan na naman ng walang humpay, lumaki kaming inaalaska ang isat-isa, kaya perfect para sa kanyang mamiss nya to, pang inggit lang.
Mejo mabilis ang aking pagpapatakbo ng sasakyan, dahil sa kadahilanang nais kong humabol sa despedida kahit na basag na ang ang mga aabutan, basta magkita-kita lang kame.
Pero kasabay nito, anjan din ang pagaalala ng hindi pag payag ng aking kumander, pero mataas ang aking expectation na pumayag, maiintindihan ng asawa ko to, unang-una despedida, pangalawa minsan-minsan lang naman, at pangatlo biyernes naman, walang trabaho kinabukasan, Perpek na perpek.
Pero anduon parin ang pangamba ng hindi pagpayag, habang tinatahak ko ang kahabaan ng KILLER HIGHWAY papunta sa akin, nag aaway ang ideyang pagsuway sa asawa o pag punta sa barkada. Pagsuway dahil sa pagkakilala ko sa asawa ko, kung papayag ito, matagal na itong nagreply pero on the other hand, baka tulog na. Talagang malabo ang isip ko nuon, SAWAY-UWI-SAWAY-UWI, haggang umabot nga sa gate ng village namen.
Dahil sa unang bahagya ng aming tirahan ay matarik, kailangang dahan-dahan ang pag mamaneho mo, kasabay ng aking mainggat na pagliko, tumunog ang monile phone ko, text, sabay sipat AYUS GALING KAY KUMANDER! ayan na ang pinakahihintay kong sagaot.
Dali-daling kinuha ang cellphone at binasa ang message, parang batang nagbubukas ng regalo sa kanyang birthday at nag eexpect ng magandang laruan sa kahong napakagandang balot, pag open ng message ang siste, PINAPAUWI NYA AKO, kweng-kweng!!!
Pagbaba palang ng sasakyan ay dismayadong dismayado ako, siguro nag expect lang ako, hindi kame nag usap ng magdamag na yun, hindi ko na rin sinibukan, baka mag away lang kame.
Paghiga ko sa kama, isa lang ang nag lalaro sa isip ko, naalala ko nuong ako ay asa grade 2, christmas party, exchange gift, halos lahat ata ng barkada ko ang nakuha nilang regalo ay pulos laruan ako ang nakuha ko toothbrush at lalagyanan ng sabon, lahat nag eenjoy at naglalaro sa mga nakuhang laruan samantalang ako ay mangiyak-ngiyak na nakatitig sa toothbrush at lalagyanan ng sabon, kawawang bata.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento