Huwebes, Hunyo 9, 2011

PEI 419

Kung sino man ang nagmamay ari ng sasakyang nag tatangan ng plate number na ito PEI 419.
Mahiya ka naman sana, Panginoong habag, wala na ngang trapik sa ClubFilipino Greenhills, kinailangan mo pang mag escort at harangan ang kalye para maka daan ka lang.
Hindi lang iyon, TATLONG PULIS pa ang kinailangan mo para lang hindi mapudpod ang mga brakes ng sasakyan mo, sakali mang merong nauna sayo sa dadaanan mo.
Ang tibay mo naman sir, si PNOY nga natitiis na magantay sa heavy traffic, kesehodang irisk nya ang kanyang security, para lang ipakita sa lahat na NO ONE IS ABOVE THE LAW, tos eto ka, naknang bakang dalaga, TATLO pa ang kinailangan mo, sana nagdala ka pa ng TANKE para solid na talaga ang pang harang mo sa mga pobreng motorista, o kaya naman, dahil afford mong kumuha ng TATLONG PULIS para harangan ang isang kantong dadaanan mo, edi bilhin mo na sana yung kahabaan ng club filipino, para kahit tumatambling kang umuuwi e walang mang aabala sayo.
Pag ako tumama sa lotto, huhuntingin kita hinayupak ka, aaraw-arawin kitang ipapa harang sa mga sekyu ko, para maranasan mo ang pang hahasle na ginawa mo sa mga simpleng motoristang pumila ng pagkatagal-tagal para lang makauwi ka sa bahay mo ng walang abala.
Matae ka sana sa pantalon mo!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento