Saang papel naten mahahanap ang ating kasarinlan, makailang ulit na nating ipinagdidiwang ang ating kalayaan, pero hindi parin natitibag ang tanikalang alipin sa ating mga kamay at paa.
Saang papel naten mahahanap ang ating tagumpay sa pakikibaka para lang makamtan ang mailap na kalayaan, makailang ulit na nating ipinagdidiwang ang ating kalayaan, pero hindi parin nawawaksi ang mga bangungot na dala ng ilang daan taong pighati at sigalot.
Saang papel naten mahahanap ang ating pagunlad na ating inasam nuong tuluyang napalayas ang mga umangkin, makailang ulit na nating ipinagdidiwang ang ating kalayaan, pero hindi parin malagyan ang kumukulong tiyan ng mga maralitang nikabaka.
Saang papel naten mahahanap ang ating pagkakaisa na ating naging sandigan nuong nagkapit bisig ang lahat dahil sa isang adhikain, makailang ulit na nating ipinagdidiwang ang ating kalayaan, pero hindi parin mapagbuklod ang luzon, bisayas, at mindanao.
Saang papel naten mahahanap ang ating pagusad na ating naging iisang mungkahi nuong panahong ang lahat ay umasa, makailang ulit na nating ipinagdiwang ang ating kalayaan, pero hindi parin umusad ng bahagya dahil ang nakararami'y naghihilaan.
Makailang beses na nating ipinagdidiwang ang ating kalayaan, pero hindi parin mahanap kung saang papel makikita ang tunay na MALAYANG PILIPINAS.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento