Natatandaan ko nung akoy asa elementarya sa James sa QC, napakahilig mag utos ng mga titser namen sa mga estudyante para bilhan sila ng miryenda tuwing sasapit ang alas diyes ng umaga o kaya naman ay alas 3 ng hapon (dipende sa oras ng pasok mo).
Anjan kang pabibilhin ka ng banana-q, turon, palamig, juice, softdrinks, o kung ano-ano pang mahiligan nila, pero sa bandang huli pag nabili mo na ang lahat, ni hindi manlang magpasalamat, ngiti, o mag bigay manlang ng pang kendi, para KUNSUWELO DE BOBO.
Isa pa sa masaklap, ang mga pinabibili nila ay hindi mo makikita sa CANTEEN duon ka sa pa sa bandang likod ng eskuwelahan makakabili ng mga ito kung saan, merong maliit na tindahan ng mga miryenda, na abot kaya, kung ikukumpara sa canteen ng eskuwela.
Ang mga titser namen ay walang paboritong utusan, kung sino ang makita at matipuhan sa araw ng pabili, malas mo, kung meron na sana akong pera at lakas ng loob nuon, binilhan ko na sila ng tambiolo para de-raffle nalang, hindi na sila mahihirapang mag isip at mag turo.
Tsamba, may bisita ang titser nameng babae na isa pang titser, tyempong miryenda, alas diyes ng umaga, ang mga ayaw mautusan ay nagdadaliang nag eskapo, malas naman at meron pa akong tinapos at ako ang nabalingan, dahil marami ang utos na bibilhin, pinasama sa akin ang isa pang pobreng batang lalake na aking kaklase.
Ang siste, 2 banana-q o turon, dipende sa kung ano ang meron, at dalawang palamig, tyempo mirienda, sa dami ng bumibili, mauubos ang aming 30 minute break dahil duon, ang mga guro mag mimirienda, kame naman ay hindi, dahil sa utos ng aming mahal na guro.
Oks na lahat, nakabili na, at kame ay pabalik na, upang ihatid ang mga miriyenda ng aming mahal na guro.
Pero papunta palang kame ay meron ng bumubulong sa aking taenga (malamang si master labo iyon) na hindi fair ang ginagawa sa amen ni Ms, and I need to get even, pero hindi ko ito pinapansin, parang demonyo at anghel lang.
Pagdating namen ng classroom, bigay ng miryenda at sabay sabe nila mam, sige laro na kayo, parang, taena ni simpleng salamat o ngiti wala man lang, hindi to maare.
Kinabukasan, sinayada kong magpahuli para ako ulit ang utusan, gabi palang meron na akong plano para makagante, sampu ng aking mga pobreng kaklase sa oportunistang guro na ito (grade 2 ako nuon).
Unang step sa plano, tagumpay, ako ang nautusan, takbo papuntang likod para makauna sa pilahan, para meron pang pagkakataong makalabas ng classroom kung sakaleng mabulilyaso ako ni Ms.
Bitbit ko na ang mga pinamile, ang pamosong BANANA-Q at limang pisong PALAMIG.
Second step, sinadya kong dumaan sa may paradahan ng mga school bus at tambakan ng mga sirang upuan, para maisagawa ko ang aking ganti, tagumpay, walang tao, dinila-dilaan ko ang kanyang BANANA-Q at minumog ko PALAMIG, aminado ako, demonyo ang nanaig, pero mas demonyo ang aming abusadong guro, kaya kwits lang.
Step three, Ms. eto na po, ganun ulit, walang salamat o ngiti, pag talikod ko, karipas ang aking takbo palabas, para hindi mabuking, kung sakali man.
Ang pakiwari ko lang, hindi lang ako ang batang gumago sa miryenda nya, malamang sa malamang, na tikman na nya ang lahat ng tinga at laway ng mga inutusan nya sa bawat pag inom ng kanyang NAPAINAM NA PALAMIG.
Kung saan ka man ngayon Ms. "nakalimutan ko na" walang anuman, sanay nasarapan ka sa laway at tinga ko, SIGE NA MAGLARO KA NA.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento