Miyerkules, Hunyo 22, 2011

HAGDAN...

Hagdan...

Labing-apat na hakbang, minsan ay papanik-panaog, pero kadalasay papanik lang.
Labing-apat na baitang,  ni minsay hindi na nabalikan.
Labing-apat na hakbang, anim sa una, minsan may maliliit na dalawa, apat sa pangalawa, at sa huli, nakalalamang ang apat, malimit ang lima, at mangilan-ngilan ang sampu.
Labing-apat na baitang, taon-taong hinahakbangan marating lang ang panghuling hakbang.
Labing-apat na hakbang, habang paakyat ng paakyat, pahirap ng pahirap.
Labing-apat na baitang, sa huling hakbang, akalay ito na, pero sa tutuo, panimula palamang sa mas matarik at mas malaking hakbang.
Labing-apat na hakbang, kung alam ko lang at kung pwede lang, uulit-uitin ko ang Labing-apat na baitang.

1 komento: