Lunes, Hunyo 27, 2011

BATHALA (isang maiking kwento PART 1)

pagbilang kong sampo nakatago na kayo... karipas ang mga bata sa pagtago... walang gustong maging taya... kanya-kanya ang ilan sa pag yuko at pag dapa sa lugar na sa kanilang palagay ay hirap ang taya sa paghanap...
si elmer ang piling taguan ay ang madamong parte ng laruan, sa bakanteng lote, sakto saken to, hindi ito ang unang hahanapin... hindi nya papasukin to... madamo... dahan-dahan si elmer sa pag hakbang at pag iwas sa mga talahib na matataas...
SAMPO!!! ANJAN NA KO!!! malakas na pag bigkas ni Dodong na syang taya sa laro nila... karipas sya sa pag hanap ng taya sa lumang jeep na nakaparada... PONG ANJO!!! sabay takbo sa poste ng meralco para pinal na isara ang pag huli sa kalaro... di hamak na mas maliksi si ANJO kaya naunahan nyang mag base si Dodong... kamot nalang si Dodong kasabay ng pagtalon ni Anjo sa tuwa...
Hindi sya nawalan ng pag-asa sa pag hanap sa iba... marami pa jan... marami namang sumali e... si Elmer... siguradong hindi nya ko mauunahan... mataba yun e... sabay sigaw ng ELMER!!! ANJAN NAKO!!! IKAW NA SUSUNOD!!!
habang sinusuong ni Elmer ang matalahib na lugar... palakas ng palakas ng sang-sang ng amoy... pero hindi nya ito alintana... dahil nga sa sobrang ayaw nya maging burot... gaya ng nangyare nung nakalipas na laro nila...
dahan-dahang inikutan ni Dodong ang kotse ni mang pablo, isang bagong-lumang kotse, bago para kay mang pablo dahil kamakailan nya lang ito nabile pero ang modelo luma, COROLLA na 1993 model...
BULAGA!!! sigaw ni Dodong sa likod ng kotse pero wala ang kanyang puntirya, si Ana na kanyang, nakababatang kapatid, na salingkit lang sa laro ang kanyang inabutan, ANU BA BAKIT MO KO GINULAT!!! naiiyak na sambit ni Ana sa kuya, balewala lang kay Dodong ito, kaya lumipat sa iba, sa pag lipat, nakita nya si FRED na patakbo ay kanyang sinabyan sa pagtakbo, PONG FRED!!! pero bago pa sila makaabot sa poste, isang napakalakas ng hiyaw ang bumulaga sa lahat ng taong asa kalyeng iyon.
WWWWWAAAAAAAA!!!! lahat ng taga ruon ay kilala ang matining na sigaw SI ELMER!!!! si mang NATO na nataong asa labas ay kumaripas sa pagtakbo sa pinanggagalingan ng sigaw sabay tawag ng panglan ELMER!!! ELMER!!! ANUNG NANGYARE SAYO!!! hindi pa umaabot si mang Nato sa damuhan... biglang lumabas mula sa masukal na lote ang putlang-putla at pawis na pawis na si Elmer... MANG NATO!!! MANG NATO!!! MAY PATAY!!! sigaw nya sa mama kasabay ng pagtulo ng luha at sipon... SAAN? tanong ni mang Nato sa pobreng bata... DUON PO!!! NAKABALOT NG SAKO!!!

Nakordon na ng mga pulis ang bakanteng lote at kumpirmado, merong di kilalang katawan, edad 16-17 lalake, naka shorts ng pang bahay at sandong pang basketball na merong apelyidong POL, nahalatang galing sa mahabang pangalan dahil sa mga bak-bak ng sinulid sa sando, salvage victim.
MERON HO BANG NAWAWALAN NG KAMAG-ANAK DITO? LALAKE, KATAMTAMAN ANG PANGANGATAWAN, MAIKLI ANG BUHOK, MARAMING HIKAW, MAITIM? WALA HONG IBANG MAPAPAGKILANLAN!
sigaw ni PO1 BREDO sa mga usisang tao... WALA... HINDI TAGA DITO YAN SIR... balik ng mga usi... SIGE HO... MAARING MAGBIGAY TAYO NG ESPAYO ILALABAS NA HO ANG BANGKAY... sundot ng mamang pulis...
sumindi ng yosi si KAP BAROGA... ang punong barangay ng 152... sir salvage yan... hindi taga sa amen... hindi ko kilala... baka magnanakaw o adik...
Sige Kap babalik nalang kame pag tapos ng medical ng bangkay para sa ibang detalye... malamang nga salvage yan... salamat Kap... sabay talikod ni PO1 Bredo...

Tawag sa kanya ng nakararami ay BATHALA, BATHALA GATPOLINTAN... probinsyanong pinag-aaral at kinupkop ng kanyang malayong tiyahin... dahil narin sa awa at malasakit...
ALA ang kanyang palayaw... isang batang laki sa hirap at namumuhay ng isang-kahig-isang-tuka... sa malayong probinsya ng Pangasinan, Tayug.
Ang kanyang Ina ay matagal ng bulag at ang kanya namang Ama ay isang magsasaka, 7 silang mag-kakapatid, si ALA ay pang apat. Laki sa bukid si Ala gaya din ng kanyang mga ate't kuya, sa murang edad, bihasa na sya pag araro at pagtanim ng palay. Lahat sila, grade six lang ang natapos, at dahil sa kakapusan, pinili na nilang tumulong sa Ama keysa magaral.
Tyempong nauwi si Loring sa kanilang probinsya para bisitahin ang kanyang natitirang kapatid na merong may Cancer stage 4, sa kanyang pag uwi, nakita nya ang pobreng bata na pauwi galing ng bukid...
MANO PO ANTI... sabay abot sa kamay ng tiyahin... O KAMUSTA KA NA? KAMUSTA NA ANG NANAY MO? ANG MGA KAPATID MO? sabay tanong ng tiyahin... WALA PONG PINAGBAGO... GANUN PARIN... malungkot na saad ng binata...
O SYA PUPUNTA AKO SA INYO MAMAYA... MAY SASABIHIN AKO SA TATAY MO... sabay lakad papauwi si ALA...
DANTE... pwede ba akong makakuha sa isa mga lalake mong anak... si BEL kase magbubukas ng tindahan sa bahay... alam mo naman yung pinsang mong iyon... hindi na nagtrabho mula nung nanganak at iwan ng asawa... kaya magnenegosyo nalang daw sya...
DIPENDE KINYADA MANANG... sagot ni DANTE na hirap managalog gawa ng hindi ito nakapagaral... NU KAYAT DA EDI MABALIN... NU MADI DA... AWAN MAARAMID KO...
dali-daling nagtaas ng kamay si ALA, TANG SYAK LANGENEN ADTA MET NI MANONG KEN MANANG... KAYAT KO KUMA MET TI AGBASA...
sige-sige... SIKA LANGENEN ALA ITI ALAEK, O DANTE GUSTO NI ALA ANG PUMUNTA... wag ka magalala... mahal ko yang mga pamangkin ko... aalagaan ko sila gaya ng pag alaga ko sa mga anak ko... pag aaralin ko pa... sayang naman gustong mag-aral...
MARIE... KUKUNIN KO MUNA SI ALA HA... PAGAARALIN KO... BABALIK-BALIK DIN NAMAN SYA E.... WALANG PROBLEMA...
NI DANTE TI MAKAMON MANANG... SALAMAT TA KAYAT NA KAMI NGA TULUNGAN... naiiyak na sambit ni Marie ang nanay ni ALA...
UM SIGE MANANG... KANO TI IKAT YO... EM ALA... AG SINGSINGPET KA A... AG BASA KA NALALAING... sabay yakap sa anak...
WEN TANG.... ANONG ORAS PO TAYO AALIS ANTI? nakangiting tanong ni ALA sa tiyahing si LORING...
BASTA MAG EMPAKE KA NA NGAYON PALANG... BAKA TANGHALE... PERO BAHALA NA... BASTA ANG SIGURADO BUKAS TAYO AALIS...
DANTE... MARIE... MAUN-UNA AKON TA AG PALENGKE AK PAY TI IYAWID KUNU BIGAT... SALAMAT A... paalam ni Loring sa mga pinsan...
WEN MANANG... SALAMAT MET... sagot ng mag asawa sa napakabuting pinsan...

itutuloy...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento