Habang akoy nagbibisi-bisihan sa pag gawa ng dashboard para sa isa sa mga hawak kong accounts sa aking trabaho, naglaro sa isip ko kung pwedeng magkaroon ng Palibhasa Lalake sa TV5? ang immortal na sitcom na wala ng papatay pa sa pagiging iconic nito. Marami ng sumubok, pero iba ang impact nito, minsan lang sa isang buhay ng tao mangyayare ito, ika nga.
Naisip ko kase, si Chong Joey at si Goma ay sa iisang network, isama na si Amy Perez na sikat na sikat sa kanyang Face to Face.
Itong mga nabanggit ko ay ang mga nagsemento o nagukit ng palibhasa lalake sa realedad ng bawat pinoy, tuwing martes alas 9 ng gabi, 90% (yung natitira yung mga walang kuryente at telebisyon) ng mga pinoy ay iisang programa lang ang pinanunod. Intro palang swak na swak na, hanggang sa scoring pagbalik ng commercial, gamit ang isa sa mga kanta ng alamid na CHINA EYES.
Hindi mo rin pwedeng isantabi ang hanggang ngayon ay pilit na ginagaya ng ibang sitcom na, mahiwagang kamay kapag ang artista ay asa harap ng kamera, extrang kamay na pang kamot, pangalumbaba, biglang sasampal o manggugulo ng muka at buhok nila Joey, Richard, Anjo, John at kung sino-sino pa, ang pag durog sa isang plastik ng chicharon, at kung ano-ano pa.
Anjan din ang pausong pagbuhos ng tubig sa guest nila sa gabing iyon pag patapos na ang episode, at sa dinami-daming naging guest nila, dalawa lang ang hindi nabuhusan ng tubig, si SHARON CUNETA at VILMA SANTOS.
Ang immortal na tambayang bubong sa kwarto nila Ricky, Joey, at bespren John, ang tindahan ni Andrea "sexy" del rosario, ang alter ego ni Tikboy na si BANANA MAN, ang matining na boses pero minsang napaka sophisticated na si Cynthia Patag, at ang lasenggerang si TITA MINEVA.
Anjan din ang mga gwapings na nagpasikat ng husto kila Jomari, Mark Anthony, at Eric, pilit nilang isinama si Jao pero hindi akma kase hindi nila ito nakasamang mag ekstasi-ekstano, kaya di bagay.
Malamang sa malamang, dito din napulot ng ibang mga network ang pag entra sa eksena ng isang makulit na floor/assitant direktor (na naginng paraan para makilala ng husto si Jose Manalo) na nakasuot pa ng headset nya at may tangan-tangang papel (mukang script), at ito ay walang iba kundi si BOY RILES ng HOME ALONG DA RILES na si BOYONG (di ko alam yung tunay na pangalan hehehe).
Anjan din ang controbersyang kinasangkutan nila Carmina (na ang role ay si Cathy na batang kapatid ni Goma) Villaroel, Anjo Yllana, at the Padilla brothers, dahil sa isang biro na binitawan ni Anjo ukol sa kasarian ng dating asawa ni Carmina na si Rustom (BB GANDANGHARI).
May mga trivia ding hindi lingid sa nakararami (gaya ng nabanggit ko sa pag-buhos ng tubig), gaya ng isa mga original cast ng palibhasa ay ang namayapang actor na si Miguel Rodriguez (from 1986 - 1992) bilang ang mestisong si Mike. Pumasok din sa eksena ang batikang mamamahayag na si APA ONGPIN nuong 1987. Naging bahagi din si Edu Manzano na ang papel ay si Budoy, na kung hindi ako nagkakamali ay lumalabas na malayong kamaganak ni TITA MINERVA.
Si Rene Requiestas ay lumabas din bilang kapatid ni Minerva na ubod ng talino na mahilig mag imbento ng kung ano-ano pero hindi kailan man sineryoso. at sino ba naman ang makakalimot sa imortal na si PEKTO AKA Ogie Diaz. Malamang marami pang ibang mga trivia tungkol dito pero ito lang ang mga natatandaan ko.
Pilit itong pinapantayan ng mga kasabayan at pangkasalukuyan pero hinding-hindi ito mapapantayan, kailan man, honest to goodness, ang pinaka malapit lang ay ang now defunct sitcom ng 7 na COOL KA LANG, other than that alaws na.
Sana nga maisip ng mga taga TV5 na iremake ito, tutal marami naman silang pwedeng ipalit sa mga ibang karakter o kayay ipasok na bagong karakter.
Gaya nila Long Mejia (na pwedeng ipalit sa karakter ni Rene Requiestas), Empoy (na pwedeng ilabas na panibagong tikboy o basta karakter na merong toyo sa utak), Wendel Ramos (pamalit kay bespren John), Tuesday Vargas (na pwedeng-pwedeng lumabas na anak ni cynthia patag), at marami pang iba.
Sana nga maisip nila, at sa ngayon, back to work muna. hanggang sa muli.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento