Kagabe habang nagbyabyahe kame ng magina ko tska mga byenan ko pauwi ng Olongapo, unang pumasok sa isip ko kung ano kaya ang tumatakbo sa isip ng mga taong natetegi sa bungguan ng mga sasakyan o kaya nung mga nasasagasaan.
Inalis ko agad sa isip ko yun gawa nga ng hindi sya masaya considering na kasama ko ang mag ina ko.
Anyways, naisip ko ulit anu kaya kung tutuo ang mga prediksyon ng mga hinayupak na Mayans, magugunaw ang mundo sa Disyembre ng taon na ito, una kong naisip kung saan kame tatakbo at magtatago kung parating na ang mga gabundok na tubig at ang pag ulan ng kamundong tipak ng umaapoy na bato (scene ala-movie 2012).
Daming pumasok sa isip kong lugar pero isa lang ang pina-alala saken ng lohika ko, kahit saan ka pumunta, tegi ka pa rin.
Paulit-ulit kong iniisip kung tutuo nga sila, pero kasabay nanaman ng pagkapraning ko e pumapasok ang lohika, paano sila magiging credible sa pagpredict ng end of the world kung kahit sila e hindi nila napredict ang pag extinct ng lahi nila sa mundong ibabaw.
Pero parang nakakapraning lately ang mga nangyayaring sakuna sa mundo, lindol at tsunami sa Japan na kumain ng maraming buhay, anjan ka ang flashflood at lindol sa mga kapatid nating tiga Mindanao, not to mention ang pagbaha at pagulan sa panahon na dapat ang naghahari ay ang haring araw, mapapaisip ka rin minsan.
Kakaisip ng kakaisip sa isang pananaw lang ako bumagsak, isa itong sign na masyado na nating napapahirapan ang inang kalikasan, at malamang (wag naman sana) na she's hitting us back.
Iniisip ko ngayon ay kinukurot lang tayo ng bahagya ni inang kalikasan upang paalalahanan, sanay wag na nating paabutin sa panahon na galit na sya, kase malamang, hindi na naten makakayanan ang hagupit nya.
Ika nga ng isang matagal ng kasabihan, TAKE CARE OF THE EARTH AND IT WILL TAKE CARE OF YOU, sana'y maisip natin ito hanggang hindi pa huli ang lahat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento