Biyernes, Mayo 4, 2012

Bagong Raket. Lumang Anyo.

Isa ako sa mga milyon-milyong kabataan na naabutan ng pagputok ng BPO dito sa Pinas, taong 2003 nuong una akong sumalang sa baliktad na mundo.
Isa rin ako sa milyon-milyong taong nagjacket habang naka shades at nagiisip na sobrang cool ang pag iingles kahit sa loob ng mga pampublikong sakayan.
Nanawa na rin akong magpaikot ikot sa buong QC, Ortigas, Makati, Libis, Pasig, dahil sa pagiging ahente, bisor, at managar. 
Maganda ang trabaho na to, maayos ang bayad, mabilis ang pag angat, at higit sa lahat, walang trapik.
Pero isa lang aking kinababanas, ito ay ang pagbiyahe lalo na sa mga malalayong lugar tulad ng Ortigas, Pasig, at MAKATI.

Ang huli kong raket ay sa Magallanes, Anak ng bakang dalaga, isipin nyo naman po, tiga FARVIEW ako tapos sa Makati ang opis ko, ilang buwan ko ring tiniis ang buhay na GISING, LIGO, BIYAHE, TRABAHO, UWI, TULOG, GISING, LIGO, BIYAHE, TRABAHO, UWI, TULOG....

Sa inaraw-araw na ginawa ng diyos na aking pagbiyahe sa kahabaan ng commonwealth at EDSA, araw-araw ko ring pinangarap na sanay sa CVG (convergys) commonwealth nalang o sa UP Techno Hub nalang ako nagtratrabaho para, napaka gaan na ang biyahe, menos pamasahe at gastos pa, kase ang pamasahe ko lang e 15 (7.50 pa nuon) papuntat pabalik na. Ilang buwan ko ring pinangarap ang ganyan 5 araw sa isang linggo.

Fast forward, ngayon ang raket ko, same parin ang linya ng trabaho, managar ng kagawaran ng kwalidad, Ang opis table ko minsan ang sala set, minsan naman ang dining table, ang opisina ko minsan sa sotea, minsan sa sala, minsan naman sa kwarto.
Sobrang bait talaga ng Panginoon, malapit na opisina lang ang hiniling ko ang ibinigay sakin, sa bahay ko.

Ngayon, hindi ko na pinoproblema ang damit, pamasahe, trapik, pagkain, pagligo, pagsipilyo, pagsuklay (kahit kalbo ako), pag ahit, pag mumuta, pag kulangot, pag lilibag, at kung ano-ano pang PAG.

At ang pinaka masarap sa lahat, nayayapos at nahahalikan ko ang aking mag-ina sa kahit na anong oras kong gusto.

 Kaya pag may gusto kayo, ito lang ang tatandaan, wag maatat, pagtrabahuan ng maigi, at sandamak-mak na seryosong pagdadasal.

Ito ang aking BAGONG RAKET. LUMANG ANYO.

SALAMAT LORD!!!



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento