Hindi nya mapigilang umiyak habang tumingin papalayo ng magpaalam sina Mang Berto na makakalabas na rin pagkalipas ng halos isang buwan sa loob ng ward 434.
"buti pa sila makakalabas na" saad niya sa sarili "kami kaya kailan?" dugtong niya.
"O Delya, mauna na kame, wag ka magalala makakaraos din tayo" sabay tapik ni Aling Isang sa balikat ng matanda. ngiti lang ang isinukli ni Delya sa matanda.
Mahigit isang buwan na sya sa loob ng ospital hindi dahil sa sakit, pero dahil sa babayaring lumobo na ng lumobo dahil sa katagalan nya sa ospital.
Dalawang oras ng makalipas ng dumating ang kanyang mister, si Mang Isko, galing sa PCSO para humingi ng tulong.
"O asan na sila Mang Berto?" takang tanong nito sa asawa, "umuwi na, nakahiram daw sila sa kumare nilang taga istate" sagot nito sa asawa.
"kamusta ang lakad mo?" tanong ni Delya sa asawa.
"Bumalik daw ako sa lunes, para sa interview, tapos maghihintay daw ng ilang araw baka sakale" sagot ng asawa.
napapikit nalang si Delya sa sagot ng asawa, wala itong magawa, dahil pangatlong balik na nila dito para humingi ng tulong para sa kanyang gamutan.
"Nay, si Tessy tumatawag" saad ni Isko sa asawa.
"Hello, kumare?" sagot ni Delya "meron ba? parang awa mo na, para makalabas na ko, babayaran din kita pag lakas ko." paiyak na tanong ni Delya.
"mare, pasensya na, lahat ng kakilala ko nilapitan ko na, pero wala pa rin e, pasensya na" malungkot na sagot ni Tessy. Napaiyak nalang si Delya sa narining sa telepono.
Paikot-ikot, padapa, patihaya, patagilid, kahit na anong pwesto ang gawin ni Isko sa pagtulog ay hindi nya magawang makuha ang tulog, dahil na rin sa problema at pagisip ng pagkukunan ng pambayad sa ospital.
Nagulat nalang ito ng makitang nakangiti sa kanya ang asawa at sabay sabing, "may awa ang Panginoon Isko" sabay pikit. Sa nasaad ng asawa kahit papano ay napawi ang alala nito at nakuha rin ang tulog.
Alas syete imedya, oras ng bigay ng pagkain, pandesal at kape ang rasyon nila, gaya ng mga nakaraang araw, nuong una ay lima sila sa kwarto pero sa pag dating ng mga araw ay isa-isang nagsiuwian ang mga kakwarto nila hanggang sila nalang ang naiwan.
"O sige Delya, tigisa tayo sa tinapay, babaunin ko na to, pupunta ko ng city hall, kay mayor, baka sakali ulit, siguro naman sa dami ng humihingi sa kanya e makaulit tayo" saad ni Isko na animoy merong bagong lakas at sigla. tumango lang at ngumiti si Delya.
"kumain ka ha, wag mo na ko alalahanin, makakadiskarte din ako" bilin nito sa asawa kahit na alam nitong pamasahe lang ang laman ng kanyang bulsa.
Alas singko na ng natapos si Isko sa city hall, maganda ang resulta ng kanyang lakad, sabay para sa jeep na sasakyan, hindi nya mapigilan ang sarili sa pag ngiti habang papasakay, sabay isip, "magugustuhan ni Delya ang balita ko".
Bumangon si Delya sa kama at sabay tumungo sa bintana na tanaw ang mala dagat ng kotse at naggagandahang bahay sa paligid ng ospital.
"Napakahirap talaga ng walang pera" saad nito sa sarili. "Nay, eto na po ang gamot nyo, wag nyo po kalimutang inumin ha" bilin ng nakaduting nurse sa pobreng pasyente. tumango lang si Delya.
Ng dahil sa pagpila sa maghapon, hindi na naiwasan ni Isko ang maidlip sa loob ng sinasakyang jeep, kumukumpas ang kanyang ulo sa pag uga ng jeep.
Nagkatinginan sina Ben at Poldeng sabay senyas sa hawak ng mamang natutulog, "HOLDAP TO" sigaw ng dalawa, "wag kang titigil kung hindi sasaksakin kita" panakot ni Poldeng sa Drayber.
Nagulat si Isko sa narinig sabay yakap sa brown envelope na hawak. "Ikaw, akin na yang hawak mo" sigaw ni Ben kay Isko. "wag po kailangan ito ng asawa ko asa ospita..." BANG!!! umalingawngaw ang putok ng baril sa loob ng jeep at humandusay sa kinauupuan si Isko dahil sa tama ng baril sa ulo.
Karipas sina Ben at Poldeng sa takbo habang bitbit ang mga nakulimbat sa mga pasahero, ng makalayo ay dali-daling tiningnan ang mga nakuha.
"tingnan mo agad yung envelope parang pera" pagmamadali ni Poldeng sa kasama
Dali-daling binuklat ni Ben ang envelope pero puro papel lang ang laman, ng walang makitang pera ay itinapon nalang ito sa tabi, sabay tangay ng tubig papuntang estero ang appointment paper ni Mang Isko kay Mayor para sa pag hingi ng tulong pinanshal. "tang inang matanda yun nagpabaril dahil sa papel, bobo amputa." nakangiting saad ni Ben.
Message Sent! ngumiting ibinulsa ni Fred ang kanyang cellphone ng biglang may kumalabog, na animoy may nahulog na mabigat at malaking bagay, sa likurang bahagi ng gusali, dali-dali itong tumakbo upang usisahin ang lumikha ng malakas na ingay.
Nagimbal nalang ito ng makitang isang matandang babae na wala ng buhay ang may gawa ng malakas na ingay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento