Sa dinami-dami ng mga kaeklatang nangyayare sa lipunan naten ngayon eh, hindi mapigilan ng malikot kong daliri ang pagpindot sa keyboard ng aking sandata at magbigay ng aking bente sentemos na pananaw ukol sa mga to.
Una, naputa na, tuluyan ng natabunan ang mga pangkalahatang issue ng pampolitka. Ilang taon na ang nakakaraan ng walang habas na kinuhanan ng buhay ang mga media sa may Maguindanao. Lahat ng ebidensya ay nakaturo na sa kanila pero ni isa wala pang nahahatulan. Tinubuan na ng kabute at namuti na ang mga mata ng mga nagaantay ng hustisya pero ni HA e wala pa. Justice delayed is Justice denied nga naman. Asan na ang prohibisyon ng ating saligang batas na the right to speedy trial? Andun sa kili-kili ni Arroyo hanapin nyo.
Pangalawa, si CGMA at ang kanyang mga alipores, nakakulong na ngat lahat-lahat at tutuo nga namang nakakaawa ang kanyang sitwasyon, pero sa tagal at dami ng kanilang namunini sa kabilang banda ay naghahanap parin ng hustisya lalo na ang mga nakakaraming sadlak sa hirap at di manlang makakain ng maayos sa maghapon. Katulad ng Maguindanao massacre, lahat ng ebidensya ay sa nakaturo sa kanila pero parang merong salamin na bumabanda banda lang ang mga naituturo. Ika nga ng mga Tulyo Boys. Ang Labo Nyo!
Pangatlo, asan na si Napoles? sangkaterbang pananakot, panunuyo at paghahamon ang ginawa ng Senado pero ni initials walang nahita. Sa korte nalang daw haharapin. Natabunan na ng mga issue itong si Napoles pero ang unang araw ng paglilitis eh alaws parin. Nawa'y wag syang makalimutan at pagdusahan ang ginawang kagaguhan sa sambayanang Pilipino. Isama na ang mga politikong naambunan at binagyo ng Pork Barrel.
Pang-apat, Chief PNP Alan Purisima, hindi naman daw mansyon ang bahay nito sa San Leonardo Nueva Ecija. Nagkakalaga lamang ito ng kulang kulang 3M kasama na pati pamato. Anak ng biyaheng Quiapo naman sir. Kahit bulag (walang halong pambubuska) kayang estimahin ang tutuong presyo ng bahay mo. At hindi lang yan, anjan pa ang white house sa Crame. Akalain mo, naatim mong magbahay ng magarbo at libre samantalang sandamakmak ang mga pulis na eskalawag dahil sa liit ng kita at hikahos sa buhay. Hindi ito dahilan para maging masama pero ang istilo ng pamumuno ay maling-mali. Lead by example ika nga. Isa pa ay ang 4M halaga ng sasakyang nabili nya lamang sa halagang 1.5M, susmario brothers, maniniwala pa ako kung ang gear ng Otong yan ay puro paatras hanggang kinta. Sa divi nga kahit singkong duling pinapatulan para lang may tubo, ano pa kaya ang mga dambuhalang bentahan ng sasakyan na yan.
Panglima, Si Binay, katulad ni Jinggy Boy babay narin ang kanyang 2016 dreams. Ang tibay tumuligsa nila Trillanes at Cayetano. Parang si Bwayang Palengke lang at Bomber Moran kung umupak. ang lulutong. Ang tanong ko lang, kung sakale mang guilty nga ano kaya ang susunod na kabanata? Andaming sanga-sangang kwento ang mga nilabas ng mga Political Analysts kesho daw si Trillanes bumabawi kay Binay dahil nung aklas ito sa Makati ay hindi nito sinuportahan. Away naman daw sa teritoryo ang angulo ni Cayetano etsetera etsetera. Isa lang ang malinaw, nagdudungisan na sila para sa pansariling interes dahil kulang kulang isang taon nalang ay 2016 na. Ayun na! Pero ang sad ending, ang loosing end ay ang sambayanang Pilipino. Ano kaya ang masasabi ni Mr. Palengke dito?
Pang-anim, ang kontrobersiya sa pagpaslang kay Jennifer Laude sa Olongapo. Umaatikabong kilos protesta nanaman ang pinamalas ng mga kababayan nateng progresibo. Aktibo na naman at buhay na buhay ang issue ng base militar sa Pilipinas. Kabikabilang panunuligsa ang inabot ng VFA sa mga kapatid nateng progresibo ang paniniwala. Kahit ako pabor na mahatulan at ikulong ang kanong pumaslang kay Laude sa ating justice system. Pero ang pagasang ito ay para atang World Peace, Madaling paniwalaan pero mahirap makamtam. Ngunit, Subalit, Datapwat ang nakakapangilabot lamang ay ng minsang mabasa ko ang facebook page ng ukol sa pagpatay kay Laude, Seryoso man o hindi ang alin sa ating mga kababayan, kahindikhindik ang mga aking nabasang komento na para bang ang buhos sisi pa ay sa pobreng pinaslang. Sari-saring pangungutya at pambubuska ang mga nailathala. Isa lang ang sigurado, sa mga komento at pangyayare, lulubog at sisikat ang araw, tayong mga Pilipino parin ang talo.
Pangpito at panghuli, Ilang tulog at bangon nalang ay Pasko na naman. Isa lang ang ibig sabihin nito. Ilang milyong Pilipino nanaman ang magkakandarapa sa paghigop ng malamig at mainit na kape para lang makakuha ng prestihiyosong Starbucks Planner. Naputa na talaga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento