Humigit kumulang apat na taon ang nakalilipas, tinamaan kame ng aking commander in chief ng isang napakalaking dagok, ito ay ng magseizure ang aming munting anghel dahil sa hydrocephalus sa may PHC sa may East Avenue.
Sa una, hindi naman alam ang aming haharapin, anjan kang suspetchang pamamaga ng utak at sepsis. Pero pagkalipas ng ilang oras at isang CT Scan, nakita na nga na meron itong congenital hydrocephalus, yun bang sakit na nakuha nya mula kapanganakan.
Hindi naman alam ni misis kung saan huhugot, unang-una, alaws na alaws din kame nuong mga panahong iyon, mistulang umaasa kame sa isang mirakulo magmula pinansiyal, emosyonal, pisikal at ispirituwal.
Sa mga panahong iyon, kame at tinuruang maging matatag ang humugot ng lakas sa isat-isa. At sa mga pagkakataong iyon ay ipinakita din sa amin ang mga kasangga namen sa buhay na kailan man ay tanaw nameng pamilya na utang na loob hanggang sa dulo ng aming lahi,
Ang mga kapamilyang handang ibigay lahat para lang makita nilang gumaan ang aming durog na puso at isipan. Ang mga kaibigan nameng hindi namen akalain na hanggang dulo sila ay humalili sa aming dalawa.
Lumipas ang mga taon na kameng mag asawa ay nabubuhay sa pangamba at takot, pangamba na baka sumablay ang makinang ikinabit sa aming anghel at takot na kame ay bumalik ulit sa naunang pangyayare. Lalo pang lumakas at tumaas ang aming mga pangamba ng may mga mangilan-ngilan na dumadaing ang aming anak ng sakit ng ulo.
Nagpasya kame na ibalik ang aming bubutwit sa neuro-surgeon, kahit na ang tukoy ng una ay after 5 years pa ang aming pagbisita sa kanya, para ipakita ang kanyang shunt at malaman kung ito ba ay gumagana pa o kailangan ng palitan.
Kame ay hinilingan na mag pa CT Scan ulit para makita kung gumagana pa ba ito o hindi na.
Marso 20, sa may The Medical City, ibinalik namen ni kumander ang CT Scan pati si Mikaela, pag alis palang ng doktor ng film ng CT Scan sa sisidlan agad nitong nasabe na "Hindi na gumagana ang VP Shunt, dahil hindi na ito kailangan," Tuluyan ng gumaling ang aming anghel sa Hydrocephalus,
Pinagbali-baliktad ko ang mga pangyayare at sinubukang analisahin kung ano ang mga posibleng dahilan ng tuluyang pagalng ng aming prisesa. Sa hinaba-haba ng aking pag iisip, isa lang ang nakita kong mabigat at lohical na eksplanasyon. Divine Intervention, nakalimutan ko all along ng aming pakikibaka, sa dinami-rami ng aming kakampi, isa lang ang pinaka matibay sa lahat, ang Diyos Ama.
Sabe ko sa aking post sa Facebook nung aking ihayag ang napakagandang balita, Ferrari lang ang hiling ko pero daig pa ang isang bungkos ng sports car ang ibinalik saken, sa amin.
Kaya, walang imposible, maniwala ka lang, tapos lahat yan. Apir!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento