Ang EDSA rin ay simbolo ng ating progreso, sa bawat gusali at istrakturang itinayo sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue, ay isang prisintasyon ng pag asenso.
Ang EDSA din ay ang pinaka pangunahing daluyan ng ating ekonomiya, hindi lang ng buong bansa, gayundin sa bawat Pilipino.
Ang EDSA ay mayaman sa kasaysayan at sasakyan.
Ang EDSA ay salamin din ng tutuong estado ng buhay ng bawat Pilipino, ito ang sumasalo sa lahat ng uri ng taong naninirahan sa kamaynilaan at karatig probinsya. Ubod ng yaman, mejo mayaman, mayaman, nakakaangat sa buhay, sakto lang, mejo kapos, kapos, kapos na kapos, at hikahos.
Ang EDSA ang sumasalamin sa tunay na daloy ng buhay ng ating bansa at ng mga naninirahan dito, makupad, mainit, masikip, maingay, unahan, singitan, gulangan, gitgitan, takutan, gulatan, at kung ano ano pa.
Ang EDSA, may pag asa ba?
Meron siguro. Sana.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento