Miyerkules, Oktubre 12, 2011

John "Skipper" Magbanua

Magkasabay ang mga daliri ni Skipper at Tolits sa pagpindot ng joystick ng family computer sa larong contra, ng magtime na sila sa upahan ng computer, naitanong ni Tolits kay Skipper kung ito ang tunay nyang pangalan, madali naman umiling ito at sinabing bansag lang sa kanya iyon ng kanyang kuya, na kinalaunan ay naging palayaw na nya.

Anong tunay mong pangalan? bakit Skipper ang tawag sayo? seryosong tanong ni Tolits.
John Magbanua ang pangalan ko, nagsimula kong tawaging Skipper ni kuya nung asa grade 2 ako, dagliang sagot naman ni Skipper sabay pangos sa hawak na mansanas.
Kasabay ng pagalalang kailangan na nyang umuwi para sa tanghalian ay ang rason din kung bakit si John Magbanua ay naging si Skipper. Uwi na ko Tolits, kakain na kame e, mamaya nalang, pahayag nito sa kaibigan.

1988 ang taon kung saan syay unang nabansagang skipper, mag aalas kwatro na ay wala pang sundo si skipper, gutom na gutom na ito ay nangangamba na rin sa akalang nakalimutan na itong sunduin.
Mangiyak-ngiyak na si Skipper pero wala syang magawa kundi ang maghintay ay magdasal na sanay dumating na si kuya Tirso, ang katiwala nilang naatasang kanyang taga sundo.

Paano ba naman hindi ka maiiwan e alas dose ang labasan mo pero magaalas tres na nung lumabas ka sa kumpyuteran, ayan ang paulit-ulit na salita sa kanyang isip.
Guilting-guilty si skipper sa kanyang kasalanan, paano naman kase imbes na sa klasrum ang pasok, ay sa rentahan ng computer ito dumirecho para maglaro ng kanyang paboritong laro, ang Mario brothers.

Yari ako kay Papa, hindi ako pumasok, minsan na nga lang sya magbakasyon susuwayin ko pa sya, mangiyak-ngiyak na pahayag ng paslit sa kanyang sarili.
Nagtatalo rin sa kanya ang ideyang, kasalanan ng kanyang OFWng ama ang nangyare, sya naman kase, hindi pa bumili ng family computer, lahat ng kaibigan namen ni kuya meron ng ganun kami nalang ang wala.
Pero kahit na anong pangungumbinsi ni skipper sa sariling kasalanan ng ama ang mga pangyayare, mataas paring ang laban ng kanyang konsensya.

4:45 pm na wala parin, unti-unting nauubos narin ang mga bata sa hintayin dahil isa-isa ng dumating ang kanilang sundo, pero ang kay skipper ni anino wala.
Linapitan sya ng gwardya ng eskwela, O diba grade 2 ka? dapat kanina ka pa umuwi a, wala pa ba sundo mo? anu ba pangalan mo? John Magbanua po, mangiyak-ngiyak na sagod ng pobreng bata.
A, kuya mo ma si Jeffrey Magbanua? kanina pa sinundo kuya mo a, nakalimutan ka? hindi na nakasagot si skipper.

Sa mga naatas ng gwardya ay lalo pang kinabahan si skipper na sa eskwelahan ito magpapalipas ng gabi.
Bago pa tumalikod ang gwardya kay skipper ay nagsalita ang bata, kuya, pwede mo ba ko samahan sa may office world? jan sa tapat? penge na rin ng barya, babayaran ko nalang bukas, tatawag lang ako sa bahay para magpasundo, natatakot kase akong matulog dito ng magisa e, saad ng bata sa matanda.
Hindi rin namalayan ni Skipper ang dahan-dahang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata.
Huwag ka na umiyak, hindi ka matutulog dito, parating na yung sundo mo, pero sige halika sasamahan kita.
Napangiti ang bata sa tuwa at halos mapatalon sa pagkakaupo sa mga narinig kay manong Garimbao, ito kase ang nakasulat sa uniporme ng mabait na gwardya, Salamat, nakangiting sagot ng bata.

9320611 ang ipinindot ni John sa dial ng kulay pulang payphone sabay laglag ng tatlong bente singko, pagkatapos ng 3 ring ay may sumagot, hello?! kuya?! si john to si mama? lagot ka hindi ka daw mahanap ni kuya tirso kanina, galit na galit si papa!
napalunok ang bata sa nadinig sa kuya, sabay sigaw ng kuya, MAMA!!! SI JOHN SA PHONE!!!
sabay kantyaw ng kuya sa kapatid MERONG PAPALUIN!!! MERONG PAPALUIN!!!
John? MAMA! SUNDUIN NYO NAKO! humahangos na pahayag ng bata sa nanay.
SORRY NA MAMA, HINDI NA MAUULIT, SORRY NA HINDI NA MAUULIT, SUNDUIN NYO NAKO. Sige, tama na ang iyak, anjan na si Kuya Tirso mo, matipid na pahayag ng Ina.

Pagdating ng bahay ay sa hapag kainan kagad pina direcho ng tatay si John, kumain ka na at maguusap tayo, seryosong saad ng ama sa anak. Opo, malungkot na saad ng bata na halatang takot na takot.

John, wag mo na uulitin yun ha, saad ng tatay sa nakayukong anak, hindi ka iniwan ni manong Tirso mo, inutusan ko lang syang wag kang sunduin o magpakita hanggang hindi alas singko.
Tumawag sya dito kanina at ikinuwentong imbes na sa eskwela ka dumirecho ay sa compuer shop ka daw pumasok.
Iyak lang ang isinumbat nito sa tatay, at gustuhin mang sabihin nito ang rason kung bakit nya mas piniling maglaro ng computer kesa pumasok sa eskwela, ay hindi na nya nagawa dahil sa guilting naramdaman.
Anak, kaya kami nagsasakrapisyo ni mama mo para makapagaral kayo sa magandang eskwela, para pag tanda nyo mabibili nyo rin yung mga gusto nyo.
O sige na tapos na, last na yun ha, pangako mo sa akin tska sa mama mo, lambing ng tatay sa anak.
Opo, pangako, sabay singhot ng bata sa kanyang sipon na dahil na rin sa pag iyak.

Kinaumagahan, habang nagaabang ang magkapatid, kasama ang kuya Tirso nila, ng masasakyang jeep papasok ng eskwela, nagtanong si Jeff sa nakatatanda, Kuya anu sa english yung hindi pumasok sa skwela? Skip! mabilis na saad ng Kuya TIrso nila.

SKIPPER!!! SKIPPER!!! si John ay SKIPPER!!! mabilis na kantyaw ng kuya sa nakababata.

Kasabay ng pagubos ng mansanas nya ay sya ring pagdating ni Skipper sa gate ng bahay nila, naabutan niya ang Nanay na merong pinipirmahang papel at may tangang-tangang parihabang kahon na naka plastik.
Salamat ho, saad ng kanyang nanay sa mamang naka-asul na uniporme.

John tawagin mo kuya mo dito sa sala, KUYA!!! TAWAG KA NI MAMA!!!
O sabay nyong bubuksan ha, takang-taka ang mag kapatid sa kakaibang excitement ng kanilang nanay, anung meron bakit excited si mama, takang isip ni Skipper.
Bigay ng papa nyo yan, wag nyo daw pag awayan, bilin nya.
Opo, matipid na sagot ng dalawa.

Nanlaki ang mga mata ng magkapatid sa nakita at sabay na napasigaw.

FAMILY COMPUTER!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento