Nasubukan mo na bang nasingitan sa kahit anong pangyayari o pagkakataon? sa pilahan sa MRT, sa terminal ng bus, sa enrollment, sa bilihan ng tiket sa sinehan, sa bangko, sa daan, sa parking lot, sa esclator, sa gasulinahan, sa vendo machine sa opisina, sa pantry, at kung saan saan pa?
Ito ang hindi ko makuhang ugali nating mga tao, sigurado ako hindi lang sa Pilipinas nangyayare ito marahil ay sa ibang bansa din.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag sulat nito dahil kanina lang enroute to work, nakailang beses akong nasingitan at balak singitan ng maga bastardong pampubliko at pampribadong mga sasakyan mula commonwealth ave, katipunan, sa edsa, greenhills, hanggang sa shaw blvd.
Ang sobrang nakakairita, alam na ngang trapik e dadag-dag pa sa dahilan ng pagkatrapik, anjan kang babalahaw sa bottle na daan, mag cocounter flow, isisingit ang mga sasakyan sa napakitid na espasyo, para lang mauna sila sa siksikang sasakyan, ng hindi nila namamalayan in the process, ay pinapalala lang nila ang malubha na ngang daloy ng trapiko.
Para mong dahan-dahang tinatakpan ng unan ang muka ng isang taong inaatake ng hika na hanggang sa kinalaunan ay huminto na ito sa paghinga.
Ang nakakatawa pa rito ay sila pa ang may ganang magalit pag hindi ka nila masisingitan, anjan kang magkakamot ng ulo, magmumukang galit, bubusinahan ka ng pagkatagal-tagal, mag flaflash ng headlights, parang, taena mo pala e, ikaw na tong sisingit ikaw pa tong galit, palunok ko kaya sayo yang sasakyan mo.
Isa pang nakakairitang pangyayare sa usapang singitan, ang pila sa kahit na anong bilihan ng tiket, ang style nila ay kunware patay malisyang nagmamasid-masid tapos magugulat ka asa harapan mo na at sya na ang nagbabayad ng tiket.
Merong isang pagkakataon na hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagsita sa isang mejo early fifties na babae na ginawa sa akin ang kanyang modus.
Nung turn ko na sa may window para magbayad, akalain mong bigla nyang iniabot ang bayad tapos sabe sa teller na buendia daw sya, sabe ko sa kanya, Ma'am sa likod po ang pila, kanina pa kame dito, kung nagmamadali po kayo sana maaga kayong umalis.
Naawa ako at some point, pero diba come on, parehas lang tyong merong oras na hinahabol.
Meron ding nakwento sa akin na nakasaksi sa isang eksena ng singitan sa parking lot ng megamall, ang kwento, merong isang chedeng na nag aabang sa gilid para humalili sa isang papaalis na kotse, ng biglaang singitan ng isang mazdang sasakyan.
Ang ginawa daw ng driver ng chedeng ay inatrasan ng paulit-ulit ang sumingit sa kanyang sasakyan, at sabay iskiyerda, buti nga sayo animal ka.
Hindi rin ako nakaligtas sa ganyang pagkakataon, kami ay pauwi ng probinsya at nagpasyang kumain sa isang fastfoor chain na nakapwesto sa isang gasulinahan sa NLEX.
Parang sa nauna kong nabanggit, tahimik kaming nagaabang sa isang paalis na sasakyan, at ang senyales na kamiy nagaabang ay ang pag hazard, nung nakaalis na ang otong aming inaabangan, bigla nalang umentra ang dambuhalang izuzu trooper na minamaneho ng dalawang kabataang lalake na merong kasamang babae na mukang ermats nila.
Umusok ang tumbong nameng magpinsan at ng akmang bababaan namen para ikumpronta, kami ay pinigilan ng aking nanay at sabing wag ng patulan kase baka kung anu pang mangyare.
Sumunod naman kame, pero ang ginawa ko ay sa likod nila ako nagpark, syempre hindi namen mapigil ang sarili nameng magpinsan, kame ay kumain din sa pinasukang kainan ng nanghassle sa amen.
Kinumpronta ko sila sa loob ng kainan pero ng silay kinakausap ko at sinasabihang GAGO KAYO! ay tila bang wala silang naririnig o nakikita, patay malisya, deadma.
Pag tapos naming kumain ay lumabas kame ng pinsan ko para manigarilyo sa may tapat ng aming sasakyan.
Ang mga pobreng maniningit ay nakaabang din sa loob ng kanilang sasakyan, hindi sila makaalis dahil ang sasakyan namen ay nakaharang sa daanan nila.
Nag pasya kame ng pinsan kong magpababa ng kinain, mag pababa ng init ng ulo, wala naman kaming hinahabol, at kung anu-ano pang shit, para lang madoble ko ang panghahasle sa kanila, ang suma tutal, inabot kame humigit kumulang ng isang oras, bago umalis.
Marami ring nagreresulta sa roadrage ang paniningit, na minsay na uuwi pa sa patayan, gaya na lang ng nangyare sa kaso ni Rolito Go na namaril dahil sa nabanggit na ugali.
Kahit sa paguusap o kwentuhan ay hindi maiiwasan ang nakakairitang ugali na to, kahit saan, sa magbabarkada, sa magkakaopisina, sa magkakapatid, ay merong mga nakakairitang maniningit at sisira ng magandang usapan, ang mag nakakairita pa sa mga maniningit sa usapan ay hinding hindi pwedeng hindi MAS ang bersyon nila sa topic ng kwentuhan.
Kunware, yung trapik kanina terible pero yung sa kanila yung trapik na naabutan nya kahapon ay inihinto sya sa kalye ng 24 hours, yung mga ganung bagay.
Isa pa sa mga nakakairita sa mga mahilig sumingit ay pag sila naman ang nasisingitan, sila naman ang umuiinit ang tumbong at kung sa mga driver ito nangyayare, mas lalo na yung mga pambridaong sasakyan, ay gagawa at gagawa ng paraan para masingitan ka nila ulit, gaya nga ng lumang kasabihan, ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw, anu kaya pag nagkataon merong dalawang maniningit ang nagkatapat sa singitan, siguroy maghapon-magdamag silang magsisingitan.
Nakakalungkot lang isipin na alam na nga nilang hindi maganda ang ganitong ugali ay paulit-ulit parin nilan ginagawa.
Hindi naman ako sa nagmamalinis, I had my share ika nga, pero ang gawin yun sa bawat pagkakataon na tatambad sa aking harapan ay hindi pumapasok sa aking isipan, proud akong sabihin na hindi ako sumisingit sa pilahan, at lalong lalong hindi ako nambabalahaw sa alam kong daanang bottle-neck.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento