Nakaranas na ba kayo ng panaginip na umuuli-ulit? o kahit na magbago man ng setting ay yuon parin ang tema?
Mula nung pagkabata ko ay meron akong panaginip na paulit-ulit, at gaya ng nabanggit ko, iba-iba ang setting pero parehas lang ng konteksto.
Meron akong 3 panaginip na paulit-ulit kong nakakengkwentro mula nung pagkabata ako magpasa hanggang ngayon, hayaan nyong ibahagi ko.
Una, magsisimula ang panaginip ko na meron daw kaming bagong sasakyan, mula regular na brand ng sasakyan, Toyota, Nissan, Honda hanggang sa mga kahit mamatay siguro ako ng labing limang ulit ay hinding-hindi ko mabibili na uri ng sasakyan gaya ng Ferrari, Maserati, Lamborghini, at kung anu-ano pang high end na sasakyan.
Ang siste, makakasakay naman ako pero yun lang hindi ko sya madrive sa hindi mapaliwanag na dahilan, meron ding mga pagkakataong madridrive ko sila pero sandali lang, yun bang pagkalabas lang ng garahe ay matatapos na ang panaginip o kayay hihinto na ang sasakyan at ayaw ng umandar, o kaya naman ay biglang maiiba ang tema ng panaginip.
Badtrip talaga, kahit sa panaginip ay ayaw parin akong pag draybin ng sports car, takte.
Pangalawa, sa awa ng Diyos hindi ko pa nasasakyan ang eroplano, at sa mga pelikula ko lang nakikita ang luoban nito, pero yung tunay hindi pa.
Merong pagkakataon nung buhay pa ang fiesta carnival sa cubao nuong sumakay ako sa simulation ng isang eroplano, at sa kasamaang palad ay hindi ko na matandaan ang detalye ng loob ng eropalano, basta ang alam ko ay inuga-uga lang kami ng ilang minuto pag tapos nun ay wala na, pero hindi mo ito maikukunsiderang malapit sa real thing.
Mabalik ako sa aking kwento, pangarap ko ang sumakay sa tutuong eroplano, yung mga pang international flight na eroplano, yan ang gusto ko, diba mangangarap ka nalang ay hindi mo pa lubos lubusin.
Ang pagsakay sa eroplanong tutuo (internal carriers) ay isa sa mga paulit-ulit kong panaginip, Iba-iba ang pupuntahan, the big apple sa USA, Louvre Museum sa Europe, Tokyo sa Japan, at night race sa SG.
Pero ang hassle, gaya ng nabanggit ko sa aking unang panaginip, ay hindi ito aalis o lilipad, pauupuin lang ako, at kung aalis man, magiging jeep ang aming sasakyan at pupunta lang sa mga lugar dito sa metro manila. Diba sobrang hassle? anduon ka na e, tapos magiging isang jeep lang? Tapos andami mong pupuntahan sa ibang bansa tapos ang ending sa divisoria ka lang dadalhin? napakasakit.
Pangatlo, ito mejo nakakatakot, pisikal, at kahiya-hiya, magsisimula ang aking panaginip sa sala ng isang bahay na merong kapiranggot na hagdang kahoy sa gitna tapos sa itaas merong magkatapat na pinto ng kwarto.
Magsisimula ito na nagkakasiyahan o nagiinuman kaming magkakatropa tapos biglaan nalang merong lalabas na white lady (ala sadako) yung tipong multo na mabagal lumakad, lahat magugulantang at magtatakbuhan paakyat sa hagdan papuntang kwarto, pero kung hindi man ako ay isa sa mga barkada ko ang hindi makatakbo sa hindi mapaliwanag na pagkakataon, anjan kang magfreefreeze ang katawan at hindi makakilos hanggang sa napakadulas na sahid na iimbaliduhin ang pagtakbo ng maiiwang kawawa, na minsay ako o isa sa mga barkada ko.
Pagtapos ng kakatakutan ay mauuwi sa isang bakanteng lote na napapaligiran ng mga hollow blocks, na mistulang pagawaan nito, magsisimula sa pagtatalo, tapos mauuwi sa suntukan ang siste, ako at isa sa mga barkada ko, pero ang siste nanaman ay pagsusuntukin ko na ang aking kalaban ay hindi ako makatama o kung tatama man ay SOBRANG HINA, diba parang suntukan ito, palakihan ng yagba pero hindi ka makatama o kung makatama ka man hindi masakit, diba hassle, at ang panghuli nitong panaginip nato ay ang pagpasyal kong nagiisa sa mall ng nakahubad, ang hindi ko maintindihan ay bakit ako pupunta ng mall ng walang suot, pero ang lubos na nakakapagtaka ay walang nakakapansin na nakahubad ako, lahat ng nakakasalubong ko ay walang reaksyon, ako lang itong hiyang-hiya at pilit na takpan ang mga dapat takpan.
Sino ba naman ang hindi magtatakip o mahihiya, diba asa mataong lugar ka tapos wala kang suot.
Meron akong ideya kung anu ang ibig sabihin ng mga ito, at kung iisa-isahin ko'y hahaba ng hahaba ang blog na ito hanggang maging boring na syang basahin.
Isa lang ang sigurado ko, lahat ng ito ay may kinalaman sa mga frustration at set-backs ko sa buhay, magmula nuong bata ako hanggang sa ngayon.
Kung merong dalubhasang makakadetalye ng mga tunay na ibig sabihin ng mga panaginip ko ay sanay matulungan nyo ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento