Sabado, Nobyembre 28, 2015

Montero (Your Fault - His Fault)

I learned how to drive when I was in grade 4, 10 years old, so I can say that I know a thing or two about driving. I handled mostly all vehicles, from brand new to the most crappiest to manual to automatic and the third kind (I don't know what it meant, but it sounded cool so I put it in there).

Lately, a video became viral about the troubled Montero who went nuts when its driver tried to park it. The video showed a younger man who's trying to park the brand spanking new Montero into a tight spot. After a couple of tries, the driver gave up, and let his (probably his dad and the owner of the car) do the job. Why not, he's old and probably experienced and second, it's his car so if he happens to scratch it, no problemo, it's his anyways.

The reverse light went on, signaling that the vehicle is about to backup and that was the point when the turmoil began. The Montero, as if  summoned by a demon went crazily back, and forward, more violently.

Now the case in point now is that, a lot of the viewers think that it is a human error and some claimed it was not. But how can we justify which is which?

Let's analyze the situation, first, all indications in the car's lighting system is telling that is was a human error, when the owner reversed the car the light went on and after the wreck, before he jumped off the car, the break light showed that everything was fine. Second, other claimed that the car was fine when the young fellow was driving it. Also, there were claims that the driver didn't know how ro drive because he can't park at a tight spot, which I beg to disagree. If a car is your hard earned money, it's like your baby, you don't want a mosquito to bite it, same concept, more overly if its your retirement car (trust me, I am a living sacrifice of my paps).

So given the fact above, is it a human error? Based on 1, the reverse and break light, and two, because of the driver's skills in parking? You'd be the judge.

Going to the error of the vehicle, others are pointing the way the car acted when it rammed the car parked in front of it, most especially when it stood still, and the pipe still blew some heavy smoke, indicating that the car is revving furiously (it happened twice - 2:05 and 2:08). And of course the frequency of the incident, this year alone there were more than enough reported incidents about the same make, some are fatal and some are not. This fact alone cannot be discredited considering the numbers it showed.

So, is it a human error or no?

I've been driving for over 20 years, and if I am to answer the question? With all honesty, on that particular incident, it is owner's fault, at first I thought it was the vehicle's but after seeing it for a couple of times, you just can't take out the fact that the vehicle's lighting system works fine even after the collision,  which means, if the driver was indeed tried to go for the breaks, it could have showed up on the video but it did not.

Second, experience, no matter how experienced you are, if you are new to a situation, such as what happened on the video, everything you learned will be thrown out the window. The emission is also a big factor as well. It indicated that the throttle was pushed heavily and bot gradually, if its a vehicle error, chances are the rev would be gradual because logically speaking, a mechanical part of a car, such as the throttle needs kinetic energy (you have to press it to work) before it gets stuck or go nuts.

In conclusion, don't take may word as an expert, although I have years if experience, it doesn't constitute that my opinion on this matter is eternal.

Hopefully, Mitsubishi will finally go deep into details, and if found out that it is and was there fault, act on it and for us, let's be safe out there, most especially if your driving your parent's car, like I do. :)

Huwebes, Nobyembre 26, 2015

Da Presidensyabols

Nalalapit nanaman ang halalan, ilang tagilid nalang sa kama ay botohan  nanaman, kaya naman hindi maiwasan ng aking mga daliri at malikot na bumbunan na mag isip ng mga senaryo sa bawat kandidato sa pagka pangulo.

Sa katuwaan lang, tayo ay maglaro ng peborit na laro ng anak ko ang pretend. 

Una, si Grace Poe, bago tayo tumungo sa aking agam-agam, tumungo muna tayo sa tutuong paksa. Ang battle cry ni Mrs. Lamanzares ay ganire, ipagpatuloy ang nasimulan ni FPJ, hindi ako kokontra na si FPJ ay isang haligi, pero kahit sa libreta ni Lola Basyang, wala kang makikitang kahit anong masimulan ni FPJ na pampulitikal, kung ito ang sigaw ni Grace Poe, baka gusto nyang gumawa ng Muslim 357 part 2. Sana naging realistic sya, oo meron syang ibubuga bilang politiko pero malinaw pa sa ulo ni Larry Silva (RIP) na ginagamit nya ang kasikatan ni FPJ para sa kanyang ambisyong politikal. Pero karapatan nya yun, nasasaatin nalang kung magpapauto tayo. 

Isa pang banda ay ang kanyang pag denounce ng kanyang Filipino citizenship. On a personal note, mejo off sakin iyon. Paano mo pagkakatiwalaan ang isang mamumuno na minsay tinalikuran ang pagiging noypi. 

Kung sya ay mahahalal, tyak yan madaling mabilog ang kanyang ulo ng mga hudas sa gobyerno, sa dami ng hayop animal sa politikang Pilipino, mauuto lang yan. Parang yung kwento ng tiyuhin kong sundalo, madalas nilang mauto ang mga bagong graduate na PMAer lalo na pag nagkakagipitan na.

On a lighter note, pag si GPL ang nanalo, baka bumaba ang taxes sa mga pelikula at manumbalik ang sigla ng pelikulang Pilipino, at yan ang sinimulan ng kanyang magiting na ama. 

Dumako tayo kay Mr. Palengke/Traffic Enforcer/DILG/Kumander Bawang/at kung ano ano pa Mar Roxas. Ang natatanging kandidatong umatras sa pagtakbo sa pagkapangulo na malakas ang laban pero naungusan dahil sa kaungasan (bad decision or wrong move). 

Ang kanyang plataporma, ituloy ang daang matuwid. Ituloy ang mga nasimulan ng kasalukuyang administrasyon. Ano-ano nga ba ito? Isa-isahin naten, una! Hmmmm.... Parang wala akong maisip. 

Itutuloy nya ang hindi matapos-tapos at walang kamatayang paninisi at patutsada ni PNoy kay CGMA, na pagkalipas ng halos limang taon, ang sisi ay kay Arroyo parin. Malay mo isisi din ni MAR kay PNOY ang mga iba pag sya na ang magtatatalak. 

Itutuloy nya din ang pagkanlong sa mga sablay na bataan ni BS Aquino, tulad nila Abaya, Hunrade, Soliman, Abad, Purisima, andami pala nila, basta sila. At sasabihin lang na pinalalala lang ng media ang mga sitwasyon. 

Ang tuluyang paglala ng trapik sa EDSA na ayon sa isa sa mga alipores ni BS Aquino ay hindi naman fatal. 

At syempre! Ang DAP. Ang glorified version ng PDAF. 

On a lighter note, pag si Ginoong Roxas ang mananalo, syento pursyento, lahat ng bata sa Pilipinas, kahit saang sulok ka pa, ay naka tsinelas.

MDS, bias ako pag dating dito, eto ang manok ko. Kailan ba nung huli tayong magkaroon ng matalino at abogadong pangulo? Sa mga hindi nakakaalam, parehas tayo. Kidding aside, si Makoy ang huli. Parehas silang UP at topnotcher ng BAR exam. 

Hindi ko naman sinasabi na walang karapatan ang ibang propesyon na mamuno, pero sa tingin ko, isa ang pagiging abogado na pinaka qualified. 

Si MDS lang marahil (bukod kay Digong) ang may sapat ng tapang at talino, para patinuhin ang sadlak na gobyerno. 

Syempre may downside din, parating mainit ang athmosphere ng malakanyang nyan at ang mga SONA, hindi lang tatakbo ng otso oras, mahirap pa intindihin. Ang pakonswelo de bobo nalang siguro ay meron naman itong mga pick up lines. 

Pang huli, ang pinaka downside ng tinaguriang The Iron Lady of Asia ay ang kanyang kalusugan.

Pangalawa na pinaka malapit sa puso ko ay si Digong. Ang kamay na bakal na napapanahon sa ating sitwasyon. Ang politikong kayang iwalk the talk, ika nga. 

Si Mayor Duterte ang maituturing na Dark Horse sa karera, at gaya rin ni MDS, si Digong din ay isang mahusay na abogado at piskal. Isa pa sa kanyang magiging bentahe ay ang kanyang ekspirensya sa administratibong ehekutibo. 

Kung si Mayor ang maluloklok, malamang sa malang, ang krimen ay sasadsad at baka marahil ay ang mga huwes ay kukuyakoy na lamang sa konti ng mga kaso (dobol meaning)

Ang concern ko lang ay ang kanyang urung sulong sa pagtakbo, pwede mong isipin na strategy ito para mas lalo pang ganahan ang mga nagsusulong para ito ay tumakbo o kaya ay nagpagamit sa politiko para mang hati ng boto, ang pinaka matanda pero super epektib na taktika sa politika, wag naman sana. 

At syempre ang panghuli, si VP Binay.

Sabe nga ng nanay ko, kung wala ka rin lang sasabihing maganda, wag ka na mag salita. 

Yun lang.

Martes, Setyembre 1, 2015

Ang EDSA

Ang EDSA ay simbolo ng kasarinlan, ito ay ang naging piping saksi sa maraming kasaysayan ng ating inang bayan.

Ang EDSA rin ay simbolo ng ating progreso, sa bawat gusali at istrakturang itinayo sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue, ay isang prisintasyon ng pag asenso.

Ang EDSA din ay ang pinaka pangunahing daluyan ng ating ekonomiya, hindi lang ng buong bansa, gayundin sa bawat Pilipino.

Ang EDSA ay mayaman sa kasaysayan at sasakyan.

Ang EDSA ay salamin din ng tutuong estado ng buhay ng bawat Pilipino, ito ang sumasalo sa lahat ng uri ng taong naninirahan sa kamaynilaan at karatig probinsya. Ubod ng yaman, mejo mayaman, mayaman, nakakaangat sa buhay, sakto lang, mejo kapos, kapos, kapos na kapos, at hikahos. 

Ang EDSA ang sumasalamin sa tunay na daloy ng buhay ng ating bansa at ng mga naninirahan dito, makupad, mainit, masikip, maingay, unahan, singitan, gulangan, gitgitan, takutan, gulatan, at kung ano ano pa. 

Ang EDSA, may pag asa ba? 

Meron siguro. Sana. 

Linggo, Marso 22, 2015

Daig Ko Pa Ang Nanalo sa Lotto!!!

Humigit kumulang apat na taon ang nakalilipas, tinamaan kame ng aking commander in chief ng isang napakalaking dagok, ito ay ng magseizure ang aming munting anghel dahil sa hydrocephalus sa may PHC sa may East Avenue.

Sa una, hindi naman alam ang aming haharapin, anjan kang suspetchang pamamaga ng utak at sepsis. Pero pagkalipas ng ilang oras at isang CT Scan, nakita na nga na meron itong congenital hydrocephalus, yun bang sakit na nakuha nya mula kapanganakan.

Hindi naman alam ni misis kung saan huhugot, unang-una, alaws na alaws din kame nuong mga panahong iyon, mistulang umaasa kame sa isang mirakulo magmula pinansiyal, emosyonal, pisikal at ispirituwal.

Sa mga panahong iyon, kame at tinuruang maging matatag ang humugot ng lakas sa isat-isa. At sa mga pagkakataong iyon ay ipinakita din sa amin ang mga kasangga namen sa buhay na kailan man ay tanaw nameng pamilya na utang na loob hanggang sa dulo ng aming lahi,

Ang mga kapamilyang handang ibigay lahat para lang makita nilang gumaan ang aming durog na puso at isipan. Ang mga kaibigan nameng hindi namen akalain na hanggang dulo sila ay humalili sa aming dalawa.

Lumipas ang mga taon na kameng mag asawa ay nabubuhay sa pangamba at takot, pangamba na baka sumablay ang makinang ikinabit sa aming anghel at takot na kame ay bumalik ulit sa naunang pangyayare. Lalo pang lumakas at tumaas ang aming mga pangamba ng may mga mangilan-ngilan na dumadaing ang aming anak ng sakit ng ulo.

Nagpasya kame na ibalik ang aming bubutwit sa neuro-surgeon, kahit na ang tukoy ng una ay after 5 years pa ang aming pagbisita sa kanya, para ipakita ang kanyang shunt at malaman kung ito ba ay gumagana pa o kailangan ng palitan.

Kame ay hinilingan na mag pa CT Scan ulit para makita kung gumagana pa ba ito o hindi na.

Marso 20, sa may The Medical City, ibinalik namen ni kumander ang CT Scan pati si Mikaela, pag alis palang ng doktor ng film ng CT Scan sa sisidlan agad nitong nasabe na "Hindi na gumagana ang VP Shunt, dahil hindi na ito kailangan," Tuluyan ng gumaling ang aming anghel sa Hydrocephalus,

Pinagbali-baliktad ko ang mga pangyayare at sinubukang analisahin kung ano ang mga posibleng dahilan ng tuluyang pagalng ng aming prisesa. Sa hinaba-haba ng aking pag iisip, isa lang ang nakita kong mabigat at lohical na eksplanasyon. Divine Intervention, nakalimutan ko all along ng aming pakikibaka, sa dinami-rami ng aming kakampi, isa lang ang pinaka matibay sa lahat, ang Diyos Ama.

Sabe ko sa aking post sa Facebook nung aking ihayag ang napakagandang balita, Ferrari lang ang hiling ko pero daig pa ang isang bungkos ng sports car ang ibinalik saken, sa amin.

Kaya, walang imposible, maniwala ka lang, tapos lahat yan. Apir!

Miyerkules, Nobyembre 12, 2014

Ang Aking Singko Sentemos Na Pananaw

Sa dinami-dami ng mga kaeklatang nangyayare sa lipunan naten ngayon eh, hindi mapigilan ng malikot kong daliri ang pagpindot sa keyboard ng aking sandata at magbigay ng aking bente sentemos na pananaw ukol sa mga to.

Una, naputa na, tuluyan ng natabunan ang mga pangkalahatang issue ng pampolitka. Ilang taon na ang nakakaraan ng walang habas na kinuhanan ng buhay ang mga media sa may Maguindanao. Lahat ng ebidensya ay nakaturo na sa kanila pero ni isa wala pang nahahatulan. Tinubuan na ng kabute at namuti na ang mga mata ng mga nagaantay ng hustisya pero ni HA e wala pa. Justice delayed is Justice denied nga naman. Asan na ang prohibisyon ng ating saligang batas na the right to speedy trial? Andun sa kili-kili ni Arroyo hanapin nyo.

Pangalawa, si CGMA at ang kanyang mga alipores, nakakulong na ngat lahat-lahat at tutuo nga namang nakakaawa ang kanyang sitwasyon, pero sa tagal at dami ng kanilang namunini sa kabilang banda ay naghahanap parin ng hustisya lalo na ang mga nakakaraming sadlak sa hirap at di manlang makakain ng maayos sa maghapon. Katulad ng Maguindanao massacre, lahat ng ebidensya ay sa nakaturo sa kanila pero parang merong salamin na bumabanda banda lang ang mga naituturo. Ika nga ng mga Tulyo Boys. Ang Labo Nyo!

Pangatlo, asan na si Napoles? sangkaterbang pananakot, panunuyo  at paghahamon ang ginawa ng Senado pero ni initials walang nahita. Sa korte nalang daw haharapin. Natabunan na ng mga issue itong si Napoles pero ang unang araw ng paglilitis eh alaws parin. Nawa'y wag syang makalimutan at pagdusahan ang ginawang kagaguhan sa sambayanang Pilipino. Isama na ang mga politikong naambunan at binagyo ng Pork Barrel.

Pang-apat, Chief PNP Alan Purisima, hindi naman daw mansyon ang bahay nito sa San Leonardo Nueva Ecija. Nagkakalaga lamang ito ng kulang kulang 3M kasama na pati pamato. Anak ng biyaheng Quiapo naman sir. Kahit bulag (walang halong pambubuska) kayang estimahin ang tutuong presyo ng bahay mo. At hindi lang yan, anjan pa ang white house sa Crame. Akalain mo, naatim mong magbahay ng magarbo at libre samantalang sandamakmak ang mga pulis na eskalawag dahil sa liit ng kita at hikahos sa buhay. Hindi ito dahilan para maging masama pero ang istilo ng pamumuno ay maling-mali. Lead by example ika nga. Isa pa ay ang 4M halaga ng sasakyang nabili nya lamang sa halagang 1.5M, susmario brothers, maniniwala pa ako kung ang gear ng Otong yan ay puro paatras hanggang kinta. Sa divi nga kahit singkong duling pinapatulan para lang may tubo, ano pa kaya ang mga dambuhalang bentahan ng sasakyan na yan.

Panglima, Si Binay, katulad ni Jinggy Boy babay narin ang kanyang 2016 dreams. Ang tibay tumuligsa nila Trillanes at Cayetano. Parang si Bwayang Palengke lang at Bomber Moran kung umupak. ang lulutong. Ang tanong ko lang, kung sakale mang guilty nga ano kaya ang susunod na kabanata? Andaming sanga-sangang kwento ang mga nilabas ng mga Political Analysts kesho daw si Trillanes bumabawi kay Binay dahil nung aklas ito sa Makati ay hindi nito sinuportahan. Away naman daw sa teritoryo ang angulo ni Cayetano etsetera etsetera. Isa lang ang malinaw, nagdudungisan na sila para sa pansariling interes dahil kulang kulang isang taon nalang ay 2016 na. Ayun na! Pero ang sad ending, ang loosing end ay ang sambayanang Pilipino. Ano kaya ang masasabi ni Mr. Palengke dito?

Pang-anim, ang kontrobersiya sa pagpaslang kay Jennifer Laude sa Olongapo. Umaatikabong kilos protesta nanaman ang pinamalas ng mga kababayan nateng progresibo. Aktibo na naman at buhay na buhay ang issue ng base militar sa Pilipinas. Kabikabilang panunuligsa ang inabot ng VFA sa mga kapatid nateng progresibo ang paniniwala. Kahit ako pabor na mahatulan at ikulong ang kanong pumaslang kay Laude sa ating justice system. Pero ang pagasang ito ay para atang World Peace, Madaling paniwalaan pero mahirap makamtam. Ngunit, Subalit, Datapwat ang nakakapangilabot lamang ay ng minsang mabasa ko ang facebook page ng ukol sa pagpatay kay Laude, Seryoso man o hindi ang alin sa ating mga kababayan, kahindikhindik ang mga aking nabasang komento na para bang ang buhos sisi pa ay sa pobreng pinaslang. Sari-saring pangungutya at pambubuska ang mga nailathala. Isa lang ang sigurado, sa mga komento at pangyayare, lulubog at sisikat ang araw, tayong mga Pilipino parin ang talo.

Pangpito at panghuli, Ilang tulog at bangon nalang ay Pasko na naman. Isa lang ang ibig sabihin nito. Ilang milyong Pilipino nanaman ang magkakandarapa sa paghigop ng malamig at mainit na kape para lang makakuha ng prestihiyosong Starbucks Planner. Naputa na talaga.

Linggo, Agosto 24, 2014

PBA and Pacquiao Made History. A Very Miserable History.

Yesterday, PBA officially opened its gate, to clowns. On the 11th pick of the first round KIA Motors picked Congressman and 8th Division World Champion Manny Pacquiao in their young pool.

KIA Motors is the newest addition to the leagues rosters, together with another team which I think is Blackwater. Worst of all, Pacquioa will be KIA's playing coach. Oh My God, is the only words my brain and mouth can produce as of the moment. I am not also sure if what will they produce if I will watch him play. If I will, that is the question.


By allowing Pacquiao to play and coach at the same time, you are putting him in the upper echelons of the playing coaches of Asia's oldest professional basketball league. The likes of Norman Black, Ramon Fernandez and Robert Jaworski Sr. Just Imagine that.

Not only that, currently, he will be trading wits with Grand Slam and Multi-Titled Coaches such as Norman Black, Yeng Guiao and Tim Cone to name a few. Oh, also, I almost forgot he will don a KIA jersey and play.

Somebody please kill me now.

I am not questioning his physical condition, for sure he will outclass veterans and rookies, that are half of his age, stamina wise. But it's not just about physical conditioning, Skill is the biggest factor of them all, it's not a God given skill or can be bought in some God knows what store.

Skills that a professional player honed since the time they took basketball seriously. Years of handwork, dedication, perseverance, failures, heartaches, injuries and on and on. Yes, Pacquiao had years and years of skills, stamina and agility training, in boxing.


Let's flip it around, if in case some will not get my analogy or my agony in this case.

Let's take Danny Ildefonso for example, his age or close to, a veteran, won championships over championships through the course of his career and booked individual achievements as well. Get him in a ring and go toe to toe with say, Pacquiao. Even a 1st grader will know the outcome.

Same for him joining the league.

Yes, everybody knows that this move is a part of a grand marketing scheme of PBA and KIA, but I hope this won't back fire on them. To which I am starting to doubt now.

Why? This Article.

Martes, Mayo 13, 2014

Parang World Peace. Nga-nga Part 2.


Inilabas na ang listahan ng mga personalidad na damay sa PDAF o Pork Barell Scam.
Pero ang problema lahat merong listahan lahat maalam sa pangkalahatang issue na ito.

Si Ping Lacson merong labinlimang personalidad. Ang GMA 7 at si Sandra Cam merong tig labing siyam, ang kaso lang kay Sandra Cam dehins nya pa inilabas ang mga pangalan ng ibang sangkot.
At ang hindi naten alam kung meron ba talaga syang listahan o nagpapataas lang ng presyo.

Ang hirap kase sa bansang ito sadyang madami ang madudunong at magagaling at maraming may alam.
Ang kalalabasan, nagkuwang-kuwang na ang tutuong istorya. Ang gasgas sa daliri nagiging malaking sugat sa dalawang braso.

Hindi ko sinasabeng walang kasalanan o may kasalanan ang mga taong asa listahan. Ang punto debista ko lang kung maraming merong opinyon at alam mas tumatagal at lumalabo ang patutunguhan ng mga ebidensya at proseso ng pag sisiyasat ng makasaysayang dagok na ito.

At ang malupit dito, hindi pa nilalabas ang tutuong listahan nila Benhur Luy at Napoles. Kayo na ang bahalang pag tahi at magtagpi-tagpi kung ilalabas man nila ang listahan. Dahil pag nagkataon magiging parang labinlimang talampakang sudoko ang istoryang ito. 

Babalik ako ulit sa una kong punto. Ang pagkamit ng hustisya sa PDAF Scam ay parang World Peace. Imposibleng Makamtam.

Naputa na.