Miyerkules, Oktubre 26, 2011

ISANG PAG-GUNITA SA MGA ARAW NG PATAY

Napakarami ko ng narinig na kwentong kababalaghan at katatakutan, magmula sa kwentong probinsya hanggang sa kwentong ciudad.
Hayaan nyong magbigay ako ng bahagya (snippet) ng mga kwentong ito na para sa aking sariling opinyon ay mga legit na nakakatakot, ang mga iba ay kwentong aking mga kaibigan at kakilala, at ang iba naman ay sarili kong saksi.

Story # 1
Kwento ito ng barkada kong si Paulo Torres nung syay asa high school palang sa Don Bosco, ayon sa aking rekoleksyon, isang araw sa oras ng uwian sa hapon habang nagaantay sa mga sundo, ang mga magbabarkadang lalaki ay napagtripang maglaro ng spirt of the glass, sa hindi inaasahang pagkakataon, isa sa mga barkada nya ang sinapian di umano ng ispiritong ka nilang nakausap, ang mga sumusunod na pagkakataon ay makapanindig balahibo.
Ayon sa kanya, ang barkada nyang teen-ager na nasaniban at that time ay nagmukang matanda at sa bawat dinadaan nya ay natutumba ang mga silya na para bang merong ispiritong nagtataboy, at nagsasaad ng wikang hindi nila maintindihan.
Sa takot, tinawag nila si manong guard, na sya naman tumawag sa mga magulang nila para ipaalam ang nangyare, ang isa sa mga magulang ay dinala sila sa manggagamot sa may bandang santa mesa, ayon sa pagkwento nya, isang Alemang sundalo daw ang sumanib sa kanilang kaibigan, ilang taon din daw syang gumagamit ng banyo ng nakabukas ang pinto at ilaw, gayon din ng pagtulog sa kwarto ng kanyang magulang.

Story # 2
Kwento ito ng barkada kong si Atty. Renato Paraiso, ayon sa kanya, kasama ang kanyang mga college friends, sila'y nagbalak na mag group study sa isang lumang bahay sa may new manila, syempre sa ganyang panahon, lahat ay mapusok sa pag subok sa mga bagay na mistulang bawal.
Habang sila'y nagiinom, napagtripan din nilang mag laro ng spirit of the glass, ayon sa iba, marami ang naging skeptic nuong naglaro sila, pero lahat ay tumahimik ng umandar ang baso sa sariling kusa.
Sa hindi maipaliwanag na pagkakataon, lumagpas ang baso sa lamesang nilalaruan at nabasag sa sahig, lahat ay nagimbal at natahimik, ang akala nila ayos na ang lahat, pero makalipas ang ilang minuto, nagulat ang lahat ng narinig nilang sumigaw ang isa nilang kaklase na nauna ng natulog ng nagiisa, sa mga isang kwarto sa ikalawang bahagi ng bahay.
Lahat ay tumakbo papuntang hagdanan, lahat ay nahinto at nagimbal sa nasaksihan, ang kanilang kaklaseng babae at bumababa sa hagdan ng nakaliyad.
Ayon sa kanyang kwento, mahirap kong idescribe sa tagalog kaya sa english ko nalang,  she went down the stairs in a bent position, the only part of her body that's in normal postion when someone's going down in a plight of stairs is from knee down, everything is bent.
Dahil sa panic, tumawag sila ng pulis, habang nirerestrain daw nila ang kanilang kaklaseng babae sa upuan, pumasok daw ang tinawag na pulis sa bahay ay kinausap ang sinasanibang babae.
'ANONG KAGULUHAN TO?' patanong na sigaw ng pulis, 'NAG DRUDRUGS BA KAYO?' madaling sundot ng mamang pulis.
Daglian daw sumagot ang kaklaseng sinaniban sa pulis, at lahat ng nakarinig sa boses ay natakot, dahil nagboses lalaki daw ito, pero ang kagimbal-gimbal ay ang mga binatawang salita nito.
'PUTANG INA MO! MORTAL KA LANG! WALA KANG MAGAGAWA DITO!'
Dali-dalian daw lumabas ang pulis at sa kanyang pagbalik, ay pari na ang kanyang bit-bit, para paalisin ang sumanib sa dalaga.

Story # 3 (personal experience)
Nataon ng nakaburol ang kamamatay lang na kapatid ng barkada ko ay sya ring birthday ko, dahil kitang kita ko ang lungkot sa mga mata ng barkada ko, niyaya ko itong lumabas muna at uminom kahit mga 2 bote lang beer sa di kalayuang gimikan (timog).
Kasama ang ilang barkada, kami'y nagtungo sa tambayan nameng mga magbabarkada sa timog, na sarado na ngayon (dencio's tabi ng gerry's grill).
Makailang bote pa lang kame ay tinawagan na ang barakada ko at pinapapabalik na sya sa burulan, ang ilan ay naiwan, at nagpasya kameng ihatid sya sa burulan, kasama ang 3 pang barkada ko.
Dalawa sa mga ito ay idrodrop off namen sa may BIG SHOT ang sikat na bilyaran sa may bandang delta, nuong pababa na sila, sa hindi maipaliwanag na pagkakataon, nagrebulusyon ng mag isa ang oto, na animoy merong umapaak sa selinyador nito.
Sa akalang itoy naipit lang, bumaba ako ng sasakyan at binuksan ang hood para tingnan kung merong naipit o anu man.
Mejo matagal na akong nagmamaneho at mejo may alam naman ako sa makina, at ayon sa aking sariling kakayahan, kung maiipit man ang selinyador itoy tutuloy tuloy at hindi paputol putol na parang merong umaapak.
Pinatay ko ang makina at nakiusap ng tahimik sa kapatid ng barkada ko na tigilan na ang panankot at ihahatid ko na ang kuya nya, kasunod ng isang matimtim na Our Father.
Nung pag andar ko sa oto ay back to normal na ito, mula bigshot hanggang araneta ave, lahat ng sakay ng oto ay tahimik, walang naguusap at walang nagkwekwento.
Pag dating namen sa burulan, ay agad akong dumirecho sa kabaong at nagalay ng maikling dasal at humingi ng tawad sa nakaburol, at nakiusap na rin na wag kaming takutin sa pagbalik, kase ang usapan, ihahatid lang namen ang barkada ko tapos babalik kame sa inuman para kunin ang mga natitirang barkada.
Pagbalik, lahat ng bintana ay bukas, ang radyo ay nasa full volume, at ang rearview mirror ay nakababa.
Pagtapos ikwento lahat sa barkada ang nangyare at nakabalik na sa burulan, naikwento ng barkada ko, habang sariling nagrerebulusyon ang oto ay asa loob nya ito, para bang merong mabigat na bagay, na animoy taong nakayakap sa kanya para hindi sya makakilos, dahilan na rin ng hindi nya pagbaba sa oto, ng lahat kame ay bumaba para tingnan kung ano ang sira.

Story # 4 (personal experience)
Habang kame ng asawa ko ay nag vivideo call sa SKYPE, dalawang beses kong nakita ang namayapang kambal ng aking biyenan, si tita ising, na dumaan sa likod ng asawa ko papunta sa isa sa mga kwarto ng bahay nila sa Olongapo. Nuong una, ang buong akala ko lang ay namalikmata lang ako, pero sa pangalawang pagkakataong pagdaan nya, para bang bahagya syang tumigil para akoy lingunin at tingnan.
Dali-dali kong inutusan ang asawa kong bumaba at iwan ang computer ng walang tanong-tanong, dahil alam ko naman kung gaano ka praning ang asawa ko pagdating sa mga ganitong bagay.
Marahil ay nagpaalala lang si tita ising dahil, matagal tagal na din kameng hindi nakapag alay ng dasal at nakadalaw sa kanyang pundot, kaya nuong pag uwi ko, walang alinlangan sya kagad ang una sa listahan kong gagawin sa Olongapo.

Story # 5
Kwento ito ng aking Lolo nung syay nabubuhay pa, dahil sa probinsya ito nakabase, at usung uso rito ang carpool sa lumang jeep, kung merong mga pupuntahang piyesta, kasal, burol, etc sa mga mejo kalayuang barangay sa probinsya namen.
Ayon sa aking pagkakatanda sa kwento, hindi ko matandaan kung pauwi na o papunta palang sila sa isang okasyon na kung saan dadaan sila sa aming lumang simenteryo.
Habang tinatahak nila ang daan, meron daw pumara sa kanilang mamang nakabarong na nakiusap na makikisabay.
Marahil na rin siguro dati ay hindi pa uso ang holdapan o kung anu mang mga masasamang pangyayre ngayon, lahat ay pumayag na makisiksik ang pobreng matanda, at along the way naman ang pupuntahan ng matanda.
Pero laking gulat ng lahat nung sumakay ang matanda  ay nagsimulang mahirapan ang jeep na umarangkada na para bang meron itong limang libong taong sakay, nagtaka ang lahat pero hindi nila ito pinansin.
Pagkalakpas daw ng lumang simenteryo, hindi ko na rin matandaan kung ang matandang nakisabay o isa sa mga kasama nila ang nagpahinto sa sasakyan para umuhi, sa gulat ng lahat, bigla nalang daw nawala ang matandang nakisabay, at sa kanilang pag andar, tilay nawala din ang mabigat na sakay ng kanilang sasakyan.

Story # 6 (personal experience)
Nuong kame ay mga binata pa, ako at ang aking barkada ay nakatsamabang makagoyo ng kainumang babae gamit ang txt sa tv. (hindi ko na alam yung tawag duon)
Pagtapos sunduin, ay naisetup na ang aming session, sa kalagitnaan ng masarap na kwento, biglang natahimik ang barkada kong lalake habang nakatitingin sa badang likuran ng isa sa mga kainuman nameng bagong barkada.
Biglang tinanong ng barkada ko ang babae, 'may kilala ka bang lalake, na ang gupit ay parang kay aguinaldo, tapos malaki ang katawan, at mejo mauban-uban na ang buhok?'
Sumagot ang babae na punong puno ng pagtataka sa narinig, 'OO, close ko sya, sya yung tumayong tatay ko, Uncle ko, pero kamamtay nya lang last week, na disgrasya, paano mo nalaman?'
Balik na tanong nito sa barkada ko, 'kanina pa sya nakatayo sa likod mo e', kasing bilis ng pagsagot ng barkada ko sa tanong ng dalaga ang syang pag takbo ko sa labas ng bahay nila.
Ay ending, hindi na namen tinapos ang inuman ay inihatid ang bagong kaibigan sa kanilang tahanan habang itoy humahangos sa iyak.

Story # 6 (may ugnay sa Story # 3)
Isa na lang sa mga barkada ko ang hindi pa nakakapunta sa burol ng kapatid ng barkada namen, ayon sa kanya, half-hearted syang magpunta dahil na rin sa takot at denial sa masamang balita.
Isang gabi, syang nanaginip na dinalaw  ng namatay na kakilala, kinabukasan syay nagpunta sa burol, lahat ay nagulat dahil very vocal sya sa hindi pagpunta sa burol.
Bago ito lumapit sa kabaong, kinuwento nya muna sa lahat ang dahilan kung bakit sya biglang napapunta sa burol, dahil sobrang colorful ang barkada nameng ito, lahat ng nagnyare sa panaginip ay kanyang dinatalye, mula sa hitsura hanggang sa suot ng namayapa.
Lahat ay natahimik pagtapos ng kanyang kwento at inutusang puntahan na ang nakaburol, sya'y nagtaka kung bakit tila lahat at natakot sa kanyang kwento.
Nung kanyang lapitan ang nakaburol ay iba ang histura nito, di hamak na mas maayos kesa sa kanyang panaginip.
Sa kanyang pag balik, tinanong kame kung bakit kame natakot nung idinatalye nya ang kanyang panaginip.
Sumagot ang kapatid ng namayapa na ang lahat ng kanyang nakita sa panaginip ay ang dating itsura ng kanyang kapatid, bago ito muling ayusan ilang oras lang nakakalipas.
Sa pagkakataong yun, ay ilang linggong hindi natulog ng magisa ang barkada ko sa kanilang bahay o kung wala mang mahatak na samahan syang matulog ay sa ibang kaibigan o kakilala sya nakikitulog.



(ang mga nabanggit na istorya ay hango sa saling dila at sariling experience ng may akda, maaring ang mga saling dila ay tutuong naganap o gawa-gawa lang ng malikot at malikhaing pagiisip, pero isa lang ang sigurado, ang mga istoryang kasama ang may akda ay hindi gawa ng malikot at malikhaing isip)

Biyernes, Oktubre 21, 2011

Deads na si Lolo (Moammar Gaddafi)

Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot sa balitang pagkasawi ni Moammar Gaddafi nitong nakaraang araw/oras lang.

Natutuwa kase, si erpats ay sa Libya ang kanyang trabaho, at halos maubusan ng buhok sa kili-kili ang tatay ko ng nagsimulang magiyera duon dahil after 21 years of working there, he haven't got his severence (sana tama) pay, in common tongue, retirement pay.
Pero nung pumutok ang balita, dahan-dahang lumilinaw ang posibilidad ng kanyang pagbalik, kasama na rin ang pag asang kanyang malalasap ang kanyang pinagpaguran at pinaghirapan.

Nalulungkot dahil isang buhay nanaman ang nakitil, pero hindi ko sila masisi marahil ay matindi talaga ang sigalot na idinulot ni Gaddafi nung sya'y namumuno, pero kung ako lang ang masusunod, naway binulok nalang sya sa bilangguan o iniwan sa antartika para manirahan, parang yung ginawa sa dating dictador na si Macoy.

At the end of the day, basta ang importante sa akin/amen, kesho buhay o patay si ginoong Gaddafi, e makuha ng tatay ko ang nararapat sa kanya, para maenjoy naman nila ng nanay ko ang kanilang mahabang pagsasakripisyo at pagtyatyaga para mabigyan kameng mag anak ng isang masagana at maunlad na pamumuhay.

Miyerkules, Oktubre 19, 2011

Balita (death toll rises up to 28 in Basilan ambush)

***an excerpt from Gloc-9's song Balita***

Duul mga kaigsuunan ugpaminaw kamo Duna koy dala nga mga balita gikan sa banwa ko Gusto ko nga ipahibalo ang mga istorya Na naga gahitabo sa banwa gisaad na to.

Mga bakal na dumudura ng apoy at ng tingga Tangan-tangan at balot ng kasuotang pandigma Bakit di mapagtugma ang mayaman at dukha Sa pananaw ang kapalit ay hapis at pagluluksa Pare-parehong sundalo muslim man o kristyano Ilan man ang masawi di mo alam kung sino ang panalo Walang panalo dahil sa huli tayo ang talo Pinoy ang nasa ataul na sinarado Yan ba talaga ang sumpa dito sa lupang pinangako Respeto't pagmamahal ay pilit na tinatago Lawin hindi maka dapo may pakpak na limitado At naka kulong sa seldang may walang susing kandado Kaylan kaya matatapos ang pag agos ng dugo At ang kapayapaan mahawakan ng buong buo Yan ba ang kwento o tanong na pilit na humahawi Sa bawat taong bahagi ng watawat na hinapi

Lapit mga kababayan at makinig kayo Ako'y may daladalang balita galing sa bayan ko Nais kong ipamahagi ang mga kwento At mga pangyayaring nagaganap sa lupang pinangako.

(NAWAY SUMAPIT ANG UMAGA NA TULULYAN NG ITAKWIL ANG MARAHAS NA PAKIKIBAKA NG MGA KAPATID NATING MUSLIM AT KRISTIANO, DAHIL SA HULI, ANG MGA HUMIHINTO SA PAGHINGA AY KAPWA DIN NATING KAYUMANGGI. Insha'Allah. Alhamdulilah)

Martes, Oktubre 18, 2011

FRIENDSTER (a father's search of a father) last installment

Pards nakay kuya Roy na daw yung mga picture na naitago nya. anytime daw pwede kayo mag punta duon para tingnan yung mga pictures. basta itext mo lang daw sya kung kailan para makapaghanda daw sila. salamat. Roel

'Honey, anu sa tingin mo?' tanong ni Ben sa asawa.
'Pumunta na tayo, para hindi na tayo nag iisip, kase mahirap din e, torture lang sa aten.
e paano kung sila na nga ang hinahanap naten, db?' balik ni Eva sa asawa.
Nagisip ng malalim si Ben sa mga inatas ng asawa, paano nga kung sila na ang hinihintay ko ng limangput-apat na taon.

Sige pards, paguusapan pa nameng mag asawa, sasabihan nalang namen si Roy kung pupunta kame, maghahanap din kame ng mga litratong ipapakita sa kanya. salamat ng marami. Ben.

Napakagat sa labi si Ben sabay ng pagpindot ng sent button sa friendster.

'Tay meron ditong picture mo kasama sila Papa yung nakatayo ka sa lamesa nung bata ka, siguro mga 3 or 4 years old ka nito. dalhin naten baka sakale.' banggit ni Eva sa asawa.
'Sige, dalhin mo na lahat ng mga pictures, puntahan na naten wala naman sigurong masama.' sagot ni Ben.
'Nay, nasayo naman yung number ni Roy diba, tawagan naten bukas na tayo magpunta.' mabilis na saad ni Ben.

'Hello, Pwede ko ho bang makausap si Roy Mano?' sambit ni Ben sa telepono, na halaatang kinakabahan.
'Eto nga ho, sino ba ito?' mabilis na sagot ni Roy.
'Si Benjamin Halos po, yung nabanggit ni Roel sa telepono?' mabilis na saad ni Ben.
'Pwede po ba kayo bukas? kase po balak sana naming makipag tagpo sa inyo para...' mejo nautal si Ben sa pananalita marahil ay sa hirap nading ipaliwanag ang gustong sabihin.
'Ah! OO! sige, tamang tama kakahatid lang dito ng mga litrato, mga anong oras ho kaya kayo makakarating dito bukas?' masiglang tugon ni Roy.
'Mga tanghali ho siguro, malapit lang naman ho kame, kokontakin ko nalang ho kayo pag malapit na kame, salamat ho.' balik ni Ben sa kausap.
'O sya sige, dito na din kayo mananghalian, tamang tama may mga isdang dala dito galing probinsya.' sagot ni Roy.

Halatang kabado si Ben pag tapos makipag usap kay Roy, sya ay niyapos ng asawa para tulungang mapawi ang pagkakaba nito.
'Honey, ok lang, wag ka ng kabahan, kahit naman hindi sila yung mga hinahanap naten, at least madaragdagan ang mga kakilala naten. Malay mo pag retiro mo, pag nag tour tayo sa america, meron tayong libreng matutuluyan.' biro ng asawa sabay halik.

'Asa Torres na tyo honey, anong number yung bahay?' tanong ni Ben sa asawa habang dahan-dahang binabaybay ang kalye.
'82' mabilis na sagot ni Eva.
'67, 83, 87, ayun 82' saad ni Ben, sabay parada sa gilid ng ginagawang bahay.
'Ready ka na?' saad ni Eva sa asawa.
'Tao po?' sabay katok ni Ben sa bakal na gate.
'Sino po sila?' tanong ng lalaking nagbukas ng gate para sa kanila.
'Si Ben Halos po, anjan po ba si Roy Mano?' mabilis na sagot ni Ben sa binata.
'Ay kayo po yung inaasahan ni Tatay, pasok po, ako nga po pala si Ryan, anak ni Roy' sabay abot ng kamay ni Ben para mag mano.
Sa hindi maipaliwanag na pagkakataon, ay tila napakagaan ng loob ni Ben sa binata, kinabahan ito at sabay isip ng ito kaya yung lukso ng dugo?
'Si Eva pala asawa ko.' pakilala ni Ben sa bagong kilalang binata.
'Good afternoon po.' magalang na tugon ni Ryan sabay mano.
'Tay! andito na po sila!' sigaw ni Ryan sa tatay na halatang abalang abala sa pagpreprepare ng lamesa sa pananghalian.
'Halikayo, pasok' nakangiting pag anyaya ni Roy sa mga bisita.
'Magandang tanghali po' saad ng magasawa.
'Ay tara na kumain na tayo para hindi lumamig ang sabaw, masarap magluto ng sinigang yang si Ryan.' saad ng mejo may edad ng si Roy.

Habang nagsasalo sa pananghalian ang sila Ben at Roy, hindi matapos tapos ang palitan ng kwentuhan at palitan ng mga tila nagkakakabit kabit na pangyayari sa mga buhay nila.

'Yung biological mother ko po e nag aral sa maynila ng pag-guguro, tapos nung grumadweyt, ang kwento ho sa akin ng kinalakihan kong tatay ay nagturo sa malayo, tapos yun po pag uwi nya sa probinsya namen e ako na po yung bitbit pero walang asawa.' maikling kwento ni Ben.

'Ang daddy kase nung araw ay self supporting din dito sa maynila, nagtataxi driver para matustusan ang pagaaral, at sa kalookan sya tumira kasama ng bunso nyang kapatid.' sagot ni Roy sa kwento ni Ben.

'Ayun nga kase ang daddy mula nuon pa ay mahilig ng mang chicks, at merong isang pagkakataon na nasaksihan ko silang nagaaway ng nanay ko nun dahil nga sa isang batang lalaking, kapatid namen na hindi namen nakita, at yuon nga ay yung hinahanap nameng magkakapatid.' dugtong ni Roy sa kwento.

'Di pa po nasabe nyong sa kalookan tumira si Daddy?' tanong ni Eva kay Roy.
'Oo, bakit?' balik ni Roy.
'Kase po nung nahanap namen yung mga kapatid ni Ben sa mother side, e nabanggit din nila na sa kalookan tumira si Mamang Norma, yun po yung nanay ni Ben, bago ito umuwi ng probinsya, baka po parehas sila ng bahay na tinutuluyan.' saad ni Eva.
'Maari.' balik ni Roy.

'Andito po pala yung mga litrato nameng nahalungkat sa amen.' sabay abot ni Eva ng mga litrato sa matanda.
'Ryan, kunin mo nga yung plastik jan sa kwarto, yung mga litrato.' utos ni Roy sa binatang anak.

Tahimik na pinagmamasdan ni Ben at Eva ang matanda sa pag pinta sa mga bungkos ng litrato, minsan tumatango ito at para bang nagiisip na para bang may inaalala sa utak, sabay lipat ng litrato isa-isa.
Napatigil ang matanda sa isang litratong sa bungkos at napatingin kay Ben, sa hindi maipaliwanag na pagkakataon, bahagyang napatigil si Ben sa paghinga dahil sa pagkakatitig ni Roy sa kanya.

Tumayo ang matanda at lumapit kay Ben bitbit ang nagiisang litratong dahilan para ito ay mapatigil sa pag sisipat sa bungkos ng litrato.
Habang papalapit si Roy kay Ben ay halatang merong namumuong butil ng luha sa gilid ng matanda, sabay kuha sa walet at dukot sa tagong parte nito.
Lalong kinabahan si Ben at Eva sa nasaksihan, ang dinukot ng matanda ay isang lumang kaprisong litrato na merong malabong sulat sa likod.
Ipinagtabi ni Roy ang litratong galing sa bungkos na dala nila Ben at sa litratong galing sa kanyang walet.

'Napakatagal kong hinintay ang pagkakataong ito, sampong taon ako nun nung inutusan ako ng nanay ko na sunugin ang sobreng naging dahilan ng pag aaway ng aking magulang, kasama sa sulat ay ang litratong ito, hindi ko maipaliwanag nuon pero merong nag utos sa akin na wag kong isama ang litrato sa susunugin. hindi ko alam na ang dahilan pala nito ay ang pagkakataong ito.' hindi na napigilan ni Roy ang pagtulo ng luha sabay yakap kay Ben.
'Ang tagal ka nameng hinanap Alex, salamat naman sa Diyos at nakita ka nanamen, salamat sa Diyos.' pahayag ni Roy habang niyayapos ang nakababatang kapatid.

Lumuha si Eva sa nakita, sa pagyakap kase ni Roy kay Ben ay tumambad sa kanya ang litratong tangan-tangang nito, sa kanan ay ang litrato ni Ben na kasama nya ang magulang habang nakatungtong sa maliit na bangko, at sa kaliwa naman ay ang kawangis na litrato ni Ben na nakatungtong sa mumunting banko pero dito ay wala syang kasama.

Mag-gagabi na nuong makauwi sila Ben at Eva, sabay silang nahiga sa kama at nagyakapan.

'Honey, kung dati ang laki ng question mark sa ulo ko kung saan ako nagmula gayon din ang malaking tanong kung saan ako maghahanap, ngayon after 54 years, masasabi ko ng kumpleto na ako.' sabay halik sa asawa.
'Honey, mabait ang Diyos, basta gawin lang naten ang tama at ang Diyos ang bahala.' saad ng asawa sabay yakap ng mahigpit.




This story is inspired by the greatest man I've ever known, for 54 years he blindly searched for his roots, not knowing where to start.
Armed with courage and hope, together with his wife's undying support and love, after 54 years, he finally found what he's been looking for.

Biyernes, Oktubre 14, 2011

FRIENDSTER (a father's search for a father) part 2

'Honey, kamusta biyahe? kumain ka na?' sabay halik ni Eva sa asawa na halatang halata ang pagkasabik, kahit na tig tatlong buwan lang ito nawawala dahil sa trabaho.
'Ok lang, oo merong meal sa eroplano, kamusta na kayo?' sabay tapik sa balikat sa bunsong anak na si Von.
'Ok lang po tay, eto naisahan na naman ako ni kuya.' naka ngiting sagod ni Von sa ama.
'Ma, meron na bang resulta yung pinahanap naten kay Lagring?' mabilis na tanong ni Ben sa asawa.
'Meron na, pero wala daw ganung tao dun.' mabilis na sambit ng asawa.

Pards, pinahanap na namen yung taong binanggit mo pero wala kaming nahanp, sigurado ka ba duon sa pangalan na binigay mo? pero at least nadadag-dagan naten ang mga friends naten, sana pag uwi mo dito e mag ka salo-salo tayo. 'push sent'. sabay kagat ni Ben sa kanyang mga labe.

'Hindi siguro yun yung mga hinahanap naten honey.' saad ni Ben sa kanyang asawa habang nanunuod sila ng tv sa kanilang kwarto.
'Kase diba tiga Laguna daw sila, pero yung alam kong roots ko e sa Cagayan, yun yung sabe ni Papa nuon e.' mabilis na pasunod ni Ben.
'Wag kang mag-alala Honey, mahahanap din naten sila, basta wag lang nateng kakalimutang magdasal.' sabay halik sa asawa.

'Kuya. meron pa bang mga litratong natatago ang daddy ni Alex?' tanong ni Roel sa nakakatandang kuyang si Rey sabay subo sa cake na panghimagas sa birthday ng huli.
'Ewan ko, pero ang alam ko si Kuya Roy, yung merong mga litratong yun.' Sumbat ng kuya sa pag usisa ng kapatid.
'Kase kuya, malakas yung kutob ko e, nag reply na sya na wala daw ganung pangalan duon sa kanila at hindi daw sya yung taong yun. Pero hindi ko mapaliwanag parang iba to sa mga dati kong pinagtanungan.' mabilis na sumbat ni Roel sa kuya.

'Hello kuya Roy, si Roel to, meron lang akong itatanong, kase nabanggit ni kuya Rey na baka meron ka daw mga litratong natatago ni Alex, yung kapatid natin kay Daddy?' tanong ni Roel sa panganay na kapatid.
'Roel? ay long distant ba ito? ay hindi ako tiyak pero papahanap ko sa ate mo, andito ako sa Mandaluyong, sa bahay na pinapagawa ni Rosey, gawa nga ng walang tatao.' sagot ni Roy kay Roel.
'O sya kuya sige, paki banggit mo nalang kay Ryan na balitaan ako pag meron kayong nahanap, meron kase akong nakita sa internet na pwedeng sya na ang kapatid naten, pero hindi pa sigurado, baka sa mga susunod na araw makikipag kita sila sa inyo, pero hindi pa ako sigurado, nabanggit ko kaseng merong mga larawan na baka makilala nila, o sya kuya sige papasok pa ako sa opisina, ingat kayo parate, kamusta nalang sa lahat.' pahuling bilin ni Roel sa kuya.
'O sya sige, basta babalitaan ka namen, ingat din kayo dyan, at ikamusta mo ako sa lahat.' sagot ng kuya.

Pagkababa ni Roy sa telepono ay bumalik sa kanya ang panahong syay asa 10 taong gulang palang, naabutan nyang nag aaway ang kanyang Daddy at Mommy, dahil sa isang sobreng galing sa ibang lugar.
'Akala ko ba hindi na kayo nagkikita o nag uusap?' galit na tanong ni Amelia sa asawa.
'Amy naman, kinakamusta ko lang yung bata, wala na akong balak o anuman.' mapagkumbabang sagot ni Alejandro sa asawa.
'dapat lang. ROY!!! halika nga!' sigaw ni Amy sa kanyang anak.
Hindi inaasahan ni Roy ang pagtawag sa kanya ng nanay, kaya naman itoy natumba sa kinalalagyan.
'Ano ba yan Roy.' gulat ng Nanay.
'Bakit po?' tanong ni Roy habang itoy tumatayo at paghimas sa tuhod sa sakit.
'Pumunta ka sa labas at sunugin mo ang sulat na to.' mabilis na utos ng kanyang ina.
'Opo.' matipid na sagot nito sabay kuha sa sobreng inaapod ng nanay.
Habang pinapunuod ni Roy na unti-unting nauupos ang sulat at sobreng inabot sa kanya ng nanay ay sya ring paglaki ng tanung kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nasaksihan.

Ben, hindi ko alam kung bakit, pero iba ang ramdam ko sayo, kung mamarapatin mo, pwede ka bang makipagkita sa aking Kuya Roy para tingnan ang mga litrato na kanyang natatago.
Baka sakali lang. Ito pala yung address nya at cellphone number. Salamat ng marami. Godbless. Roel.

Roy Mano
09198762273
82 Torres st. Brgy. Addition Hills Mandaluyong city

'Aba, sobrang lapit lang nito dito, wala pang isang oras ang biyahe.' bulong ni Ben sa sarili.
'Honey, tingnan mo yung message saken ni Roel o, pinapupunta tyo duon sa kuya nya, para daw tingnan yung mga pictures na meron sila, baka sakali daw.' pahayag nito sa asawa.
'ikaw, gusto mo ba?' balik ng asawa.
'Pagiisipan ko pa, hindi ako sigurado, pero parang iba rin ang nararamdaman ko, ewan ko pa.' sagot nito.
'Ikaw bahala.' mabilis na balik ni Eva.

Itutuloy...

Huwebes, Oktubre 13, 2011

FRIENDSTER (a father's search for a father)

'Sent. ayan. pang ilan na ba tong si Venjamin Halos sa mga napadalhan ko ng message?' tanong ni Roel sa sarili.
'1,2,3,4.... 15, mamaya na ulit, masakit na mata ko, pahinga muna.' pabulong sa sarili sabay tikom ng labi. 'Love can you make a hot chocolate for me please?' simpleng lambing ni Roel sa
kanyang Alemang asawa. 'sure, sweetie' mabilis namang sagot ni Mimi 'how many messages did you sent today?' mabilis na tanong ng banyaga sabay ang pagtayo at pag punta sa kusina para sa tsokolateng hiling.
'not much, fifteen.' saad ni Roel sa tanong ng mabait na asawa.

Alas nuebe na ng umaga ng magising si Eva dahil napuyat ito sa pag friefriendster kagabe, dagliang bumagong at ginawa ang mga dapat gawin sa umaga, bago humarap sa computer hawak ang isang tasang mainit na kape.
'Login, loading, ayan, uy message galing kay honey.' sambit ni Eva sa sarili.
Bagong tuto lang si Eva sa mundo ng internet, mejo may edad na sya pero kailangan nyang matuto para mas mabilis ang comunikasyon nilang mag-asawa na matagal ng nagtratrabaho bilang arkitekto sa bansang Nigeria.
Honey, merong nag message saken galing Chicago, naghahanap ng kapatid daw nila, sabe ko naman sige tulungan kita pare. Ibang pangalan ang hinahanap pero kaedad ko. ako kaya yun? anu sa tingin mo?

'Von!!!' tawag ni Eva sa anak. 'paano ba mag reply dito? halika nga sandale, turuan mo ko, nag message ang tatay mo'. pasunod ni Eva sabay higop sa umuusok na kape.
'OPO!' sabay tayong kumakamot sa ulo ang anak, paano naman kase, nabitin ang binata sa paglalaro ng God of War.
'Nay, simple lang yan, magbasa ka lang, ayan o REPLY.' pakutsa na sagot ng bunsong anak sa kanyang nanay.

'A ganun lang ba yan? sige magluto ka na rin.' Utos ng nanay sa anak.
'E naglalar..' mabilis na saad ng anak sa inay sabay kunot ng nuo nito.
Tingin lang ang ibinalik ng Inay sa anak at alam na ni Von ang dapat nyang gawin.
'Opo'. sabay talikod at mabagal na paglakad ng anak sa nanay.

Good morning honey, late na ko nakatulog kagabe, pinag aralan ko kase tong friendster e, pero hindi pa ko masyadong marunong, nagpapaturo parin ako kay Von paminsan-minsan.
Baka nga sila na ang hinahanap naten honey, tingnan mo parehas kayo ng lugar nung hinahanap nya tapos magkaedad pa kayo, sige itetext ko kay Lagring duon sa registry tong pangalan nato sa brgy. Pug-os. I love you Honey, Ingat ka parati! I miss you!.

'Von!!!' sigaw ulit ng Nanay sa anak.
'WALA! UMALIS! TULOG!' sumbat ng anak na nagluluto ng agahan nilang mag ina.
'Pano mag send ng message dito anak?' pasigaw na tanong ng ina sa kanyang anak.
'basahin mo lang Nay, meron jan nakalagay, SENT!'. pasigaw na sagot ng binata sa ina.

Pards, mukang malabong ako yan, pero sige papahanap ko sa asawa ko yang pangalan na yan tapos papaalam ko sayo agad kung merong taong ganyang pangalan sa amen. Ben Halos.
Sabay, kamot sa nuo si Roel sa nabasa.

'tol, asan ka na ba? ang hirap mo naman hanapin. buhay ka pa kaya? o nag hahanap lang kame sa wala?' saad ni Roel sa sarili na kinukusot ang mata habang nakatingala.
'sweetie, let's go, we need to rush, we'll get some presents for QUYA Rey's birthday later, don't tell me you forgot it.' pag lambing ni Mimi.
'Oo nga pala, tang-ina' bulong nito sa sarile. 'Nope I did not.' nakangiting sagot ni Roel sa asawa sabay kuha ng susi ng bahay at sasakyan sa lamesa.

Lagring, hanapin mo sa munisipyo tong pangalan nato, may nag message kay Manong Ben mo, naghahanap ng nawawalang kapatid, baka ito na yung hinahanap namen ng matagal.

Name: Alexandro Mano
Address: Brgy. Pug-os
Age: 55
Birthday: April 12, 1954

'Sent!' bigkas ni Eva sa sarile.
'Rix, ikanesel mo lakad mo sa sabado, dadating ang tatay nyo, ikaw ang magdridrive, ha?.' utos ng Ina sa panganay anak na si Venrix.
'Si Von nalang, may lakad ako e.' sagot ng anak.
'Von, ikaw nalang daw, may lakad daw si kuya.' tanong ng ina sa bunso.
'May choice ba ko?' sabay titig ng matalim sa kuya.

ITUTULOY...

Miyerkules, Oktubre 12, 2011

John "Skipper" Magbanua

Magkasabay ang mga daliri ni Skipper at Tolits sa pagpindot ng joystick ng family computer sa larong contra, ng magtime na sila sa upahan ng computer, naitanong ni Tolits kay Skipper kung ito ang tunay nyang pangalan, madali naman umiling ito at sinabing bansag lang sa kanya iyon ng kanyang kuya, na kinalaunan ay naging palayaw na nya.

Anong tunay mong pangalan? bakit Skipper ang tawag sayo? seryosong tanong ni Tolits.
John Magbanua ang pangalan ko, nagsimula kong tawaging Skipper ni kuya nung asa grade 2 ako, dagliang sagot naman ni Skipper sabay pangos sa hawak na mansanas.
Kasabay ng pagalalang kailangan na nyang umuwi para sa tanghalian ay ang rason din kung bakit si John Magbanua ay naging si Skipper. Uwi na ko Tolits, kakain na kame e, mamaya nalang, pahayag nito sa kaibigan.

1988 ang taon kung saan syay unang nabansagang skipper, mag aalas kwatro na ay wala pang sundo si skipper, gutom na gutom na ito ay nangangamba na rin sa akalang nakalimutan na itong sunduin.
Mangiyak-ngiyak na si Skipper pero wala syang magawa kundi ang maghintay ay magdasal na sanay dumating na si kuya Tirso, ang katiwala nilang naatasang kanyang taga sundo.

Paano ba naman hindi ka maiiwan e alas dose ang labasan mo pero magaalas tres na nung lumabas ka sa kumpyuteran, ayan ang paulit-ulit na salita sa kanyang isip.
Guilting-guilty si skipper sa kanyang kasalanan, paano naman kase imbes na sa klasrum ang pasok, ay sa rentahan ng computer ito dumirecho para maglaro ng kanyang paboritong laro, ang Mario brothers.

Yari ako kay Papa, hindi ako pumasok, minsan na nga lang sya magbakasyon susuwayin ko pa sya, mangiyak-ngiyak na pahayag ng paslit sa kanyang sarili.
Nagtatalo rin sa kanya ang ideyang, kasalanan ng kanyang OFWng ama ang nangyare, sya naman kase, hindi pa bumili ng family computer, lahat ng kaibigan namen ni kuya meron ng ganun kami nalang ang wala.
Pero kahit na anong pangungumbinsi ni skipper sa sariling kasalanan ng ama ang mga pangyayare, mataas paring ang laban ng kanyang konsensya.

4:45 pm na wala parin, unti-unting nauubos narin ang mga bata sa hintayin dahil isa-isa ng dumating ang kanilang sundo, pero ang kay skipper ni anino wala.
Linapitan sya ng gwardya ng eskwela, O diba grade 2 ka? dapat kanina ka pa umuwi a, wala pa ba sundo mo? anu ba pangalan mo? John Magbanua po, mangiyak-ngiyak na sagod ng pobreng bata.
A, kuya mo ma si Jeffrey Magbanua? kanina pa sinundo kuya mo a, nakalimutan ka? hindi na nakasagot si skipper.

Sa mga naatas ng gwardya ay lalo pang kinabahan si skipper na sa eskwelahan ito magpapalipas ng gabi.
Bago pa tumalikod ang gwardya kay skipper ay nagsalita ang bata, kuya, pwede mo ba ko samahan sa may office world? jan sa tapat? penge na rin ng barya, babayaran ko nalang bukas, tatawag lang ako sa bahay para magpasundo, natatakot kase akong matulog dito ng magisa e, saad ng bata sa matanda.
Hindi rin namalayan ni Skipper ang dahan-dahang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata.
Huwag ka na umiyak, hindi ka matutulog dito, parating na yung sundo mo, pero sige halika sasamahan kita.
Napangiti ang bata sa tuwa at halos mapatalon sa pagkakaupo sa mga narinig kay manong Garimbao, ito kase ang nakasulat sa uniporme ng mabait na gwardya, Salamat, nakangiting sagot ng bata.

9320611 ang ipinindot ni John sa dial ng kulay pulang payphone sabay laglag ng tatlong bente singko, pagkatapos ng 3 ring ay may sumagot, hello?! kuya?! si john to si mama? lagot ka hindi ka daw mahanap ni kuya tirso kanina, galit na galit si papa!
napalunok ang bata sa nadinig sa kuya, sabay sigaw ng kuya, MAMA!!! SI JOHN SA PHONE!!!
sabay kantyaw ng kuya sa kapatid MERONG PAPALUIN!!! MERONG PAPALUIN!!!
John? MAMA! SUNDUIN NYO NAKO! humahangos na pahayag ng bata sa nanay.
SORRY NA MAMA, HINDI NA MAUULIT, SORRY NA HINDI NA MAUULIT, SUNDUIN NYO NAKO. Sige, tama na ang iyak, anjan na si Kuya Tirso mo, matipid na pahayag ng Ina.

Pagdating ng bahay ay sa hapag kainan kagad pina direcho ng tatay si John, kumain ka na at maguusap tayo, seryosong saad ng ama sa anak. Opo, malungkot na saad ng bata na halatang takot na takot.

John, wag mo na uulitin yun ha, saad ng tatay sa nakayukong anak, hindi ka iniwan ni manong Tirso mo, inutusan ko lang syang wag kang sunduin o magpakita hanggang hindi alas singko.
Tumawag sya dito kanina at ikinuwentong imbes na sa eskwela ka dumirecho ay sa compuer shop ka daw pumasok.
Iyak lang ang isinumbat nito sa tatay, at gustuhin mang sabihin nito ang rason kung bakit nya mas piniling maglaro ng computer kesa pumasok sa eskwela, ay hindi na nya nagawa dahil sa guilting naramdaman.
Anak, kaya kami nagsasakrapisyo ni mama mo para makapagaral kayo sa magandang eskwela, para pag tanda nyo mabibili nyo rin yung mga gusto nyo.
O sige na tapos na, last na yun ha, pangako mo sa akin tska sa mama mo, lambing ng tatay sa anak.
Opo, pangako, sabay singhot ng bata sa kanyang sipon na dahil na rin sa pag iyak.

Kinaumagahan, habang nagaabang ang magkapatid, kasama ang kuya Tirso nila, ng masasakyang jeep papasok ng eskwela, nagtanong si Jeff sa nakatatanda, Kuya anu sa english yung hindi pumasok sa skwela? Skip! mabilis na saad ng Kuya TIrso nila.

SKIPPER!!! SKIPPER!!! si John ay SKIPPER!!! mabilis na kantyaw ng kuya sa nakababata.

Kasabay ng pagubos ng mansanas nya ay sya ring pagdating ni Skipper sa gate ng bahay nila, naabutan niya ang Nanay na merong pinipirmahang papel at may tangang-tangang parihabang kahon na naka plastik.
Salamat ho, saad ng kanyang nanay sa mamang naka-asul na uniporme.

John tawagin mo kuya mo dito sa sala, KUYA!!! TAWAG KA NI MAMA!!!
O sabay nyong bubuksan ha, takang-taka ang mag kapatid sa kakaibang excitement ng kanilang nanay, anung meron bakit excited si mama, takang isip ni Skipper.
Bigay ng papa nyo yan, wag nyo daw pag awayan, bilin nya.
Opo, matipid na sagot ng dalawa.

Nanlaki ang mga mata ng magkapatid sa nakita at sabay na napasigaw.

FAMILY COMPUTER!!!

Martes, Oktubre 11, 2011

Singitan mo ako...

Nasubukan mo na bang nasingitan sa kahit anong pangyayari o pagkakataon? sa pilahan sa MRT, sa terminal ng bus, sa enrollment, sa bilihan ng tiket sa sinehan, sa bangko, sa daan, sa parking lot, sa esclator, sa gasulinahan, sa vendo machine sa opisina, sa pantry, at kung saan saan pa?
Ito ang hindi ko makuhang ugali nating mga tao, sigurado ako hindi lang sa Pilipinas nangyayare ito marahil ay sa ibang bansa din.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag sulat nito dahil kanina lang enroute to work, nakailang beses akong nasingitan at balak singitan ng maga bastardong pampubliko at pampribadong mga sasakyan mula commonwealth ave, katipunan, sa edsa, greenhills, hanggang sa shaw blvd.
Ang sobrang nakakairita, alam na ngang trapik e dadag-dag pa sa dahilan ng pagkatrapik, anjan kang babalahaw sa bottle na daan, mag cocounter flow, isisingit ang mga sasakyan sa napakitid na espasyo, para lang mauna sila sa siksikang sasakyan, ng hindi nila namamalayan in the process, ay pinapalala lang nila ang malubha na ngang daloy ng trapiko.
Para mong dahan-dahang tinatakpan ng unan ang muka ng isang taong inaatake ng hika na hanggang sa kinalaunan ay huminto na ito sa paghinga.
Ang nakakatawa pa rito ay sila pa ang may ganang magalit pag hindi ka nila masisingitan, anjan kang magkakamot ng ulo, magmumukang galit, bubusinahan ka ng pagkatagal-tagal, mag flaflash ng headlights, parang, taena mo pala e, ikaw na tong sisingit ikaw pa tong galit, palunok ko kaya sayo yang sasakyan mo.
Isa pang nakakairitang pangyayare sa usapang singitan, ang pila sa kahit na anong bilihan ng tiket, ang style nila ay kunware patay malisyang nagmamasid-masid tapos magugulat ka asa harapan mo na at sya na ang nagbabayad ng tiket.
Merong isang pagkakataon na hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagsita sa isang mejo early fifties na babae na ginawa sa akin ang kanyang modus.
Nung turn ko na sa may window para magbayad, akalain mong bigla nyang iniabot ang bayad tapos sabe sa teller na buendia daw sya, sabe ko sa kanya, Ma'am sa likod po ang pila, kanina pa kame dito, kung nagmamadali po kayo sana maaga kayong umalis.
Naawa ako at some point, pero diba come on, parehas lang tyong merong oras na hinahabol.
Meron ding nakwento sa akin na nakasaksi sa isang eksena ng singitan sa parking lot ng megamall, ang kwento, merong isang chedeng na nag aabang sa gilid para humalili sa isang papaalis na kotse, ng biglaang singitan ng isang mazdang sasakyan.
Ang ginawa daw ng driver ng chedeng ay inatrasan ng paulit-ulit ang sumingit sa kanyang sasakyan, at sabay iskiyerda, buti nga sayo animal ka.
Hindi rin ako nakaligtas sa ganyang pagkakataon, kami ay pauwi ng probinsya at nagpasyang kumain sa isang fastfoor chain na nakapwesto sa isang gasulinahan sa NLEX.
Parang sa nauna kong nabanggit, tahimik kaming nagaabang sa isang paalis na sasakyan, at ang senyales na kamiy nagaabang ay ang pag hazard, nung nakaalis na ang otong aming inaabangan, bigla nalang umentra ang dambuhalang izuzu trooper na minamaneho ng dalawang kabataang lalake na merong kasamang babae na mukang ermats nila.
Umusok ang tumbong nameng magpinsan at ng akmang bababaan namen para ikumpronta, kami ay pinigilan ng aking nanay at sabing wag ng patulan kase baka kung anu pang mangyare.
Sumunod naman kame, pero ang ginawa ko ay sa likod nila ako nagpark, syempre hindi namen mapigil ang sarili nameng magpinsan, kame ay kumain din sa pinasukang kainan ng nanghassle sa amen.
Kinumpronta ko sila sa loob ng kainan pero ng silay kinakausap ko at sinasabihang GAGO KAYO! ay tila bang wala silang naririnig o nakikita, patay malisya, deadma.
Pag tapos naming kumain ay lumabas kame ng pinsan ko para manigarilyo sa may tapat ng aming sasakyan.
Ang mga pobreng maniningit ay nakaabang din sa loob ng kanilang sasakyan, hindi sila makaalis dahil ang sasakyan namen ay nakaharang sa daanan nila.
Nag pasya kame ng pinsan kong magpababa ng kinain, mag pababa ng init ng ulo, wala naman kaming hinahabol, at kung anu-ano pang shit, para lang madoble ko ang panghahasle sa kanila, ang suma tutal, inabot kame humigit kumulang ng isang oras, bago umalis.
Marami ring nagreresulta sa roadrage ang paniningit, na minsay na uuwi pa sa patayan, gaya na lang ng nangyare sa kaso ni Rolito Go na namaril dahil sa nabanggit na ugali.
Kahit sa paguusap o kwentuhan ay hindi maiiwasan ang nakakairitang ugali na to, kahit saan, sa magbabarkada, sa magkakaopisina, sa magkakapatid, ay merong mga nakakairitang maniningit at sisira ng magandang usapan, ang mag nakakairita pa sa mga maniningit sa usapan ay hinding hindi pwedeng hindi MAS ang bersyon nila sa topic ng kwentuhan.
Kunware, yung trapik kanina terible pero yung sa kanila yung trapik na naabutan nya kahapon ay inihinto sya sa kalye ng 24 hours, yung mga ganung bagay.
Isa pa sa mga nakakairita sa mga mahilig sumingit ay pag sila naman ang nasisingitan, sila naman ang umuiinit ang tumbong at kung sa mga driver ito nangyayare, mas lalo na yung mga pambridaong sasakyan, ay gagawa at gagawa ng paraan para masingitan ka nila ulit, gaya nga ng lumang kasabihan, ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw, anu kaya pag nagkataon merong dalawang maniningit ang nagkatapat sa singitan, siguroy maghapon-magdamag silang magsisingitan.
Nakakalungkot lang isipin na alam na nga nilang hindi maganda ang ganitong ugali ay paulit-ulit parin nilan ginagawa.
Hindi naman ako sa nagmamalinis, I had my share ika nga, pero ang gawin yun sa bawat pagkakataon na tatambad sa aking harapan ay hindi pumapasok sa aking isipan, proud akong sabihin na hindi ako sumisingit sa pilahan, at lalong lalong hindi ako nambabalahaw sa alam kong daanang bottle-neck.

Linggo, Oktubre 9, 2011

Panaginip... paulit-ulit...

Nakaranas na ba kayo ng panaginip na umuuli-ulit? o kahit na magbago man ng setting ay yuon parin ang tema?
Mula nung pagkabata ko ay meron akong panaginip na paulit-ulit, at gaya ng nabanggit ko, iba-iba ang setting pero parehas lang ng konteksto.
Meron akong 3 panaginip na paulit-ulit kong nakakengkwentro mula nung pagkabata ako magpasa hanggang ngayon, hayaan nyong ibahagi ko.

Una, magsisimula ang panaginip ko na meron daw kaming bagong sasakyan, mula regular na brand ng sasakyan, Toyota, Nissan, Honda hanggang sa mga kahit mamatay siguro ako ng labing limang ulit ay hinding-hindi ko mabibili na uri ng sasakyan gaya ng Ferrari, Maserati, Lamborghini, at kung anu-ano pang high end na sasakyan.
Ang siste, makakasakay naman ako pero yun lang hindi ko sya madrive sa hindi mapaliwanag na dahilan, meron ding mga pagkakataong madridrive ko sila pero sandali lang, yun bang pagkalabas lang ng garahe ay matatapos na ang panaginip o kayay hihinto na ang sasakyan at ayaw ng umandar, o kaya naman ay biglang maiiba ang tema ng panaginip.
Badtrip talaga, kahit sa panaginip ay ayaw parin akong pag draybin ng sports car, takte.

Pangalawa, sa awa ng Diyos hindi ko pa nasasakyan ang eroplano, at sa mga pelikula ko lang nakikita ang luoban nito, pero yung tunay hindi pa.
Merong pagkakataon nung buhay pa ang fiesta carnival sa cubao nuong sumakay ako sa simulation ng isang eroplano, at sa kasamaang palad ay hindi ko na matandaan ang detalye ng loob ng eropalano, basta ang alam ko ay inuga-uga lang kami ng ilang minuto pag tapos nun ay wala na, pero hindi mo ito maikukunsiderang malapit sa real thing.
Mabalik ako sa aking kwento, pangarap ko ang sumakay sa tutuong eroplano, yung mga pang international flight na eroplano, yan ang gusto ko, diba mangangarap ka nalang ay hindi mo pa lubos lubusin.
Ang pagsakay sa eroplanong tutuo (internal carriers) ay isa sa mga paulit-ulit kong panaginip, Iba-iba ang pupuntahan, the big apple sa USA, Louvre Museum sa Europe, Tokyo sa Japan, at night race sa SG.
Pero ang hassle, gaya ng nabanggit ko sa aking unang panaginip, ay hindi ito aalis o lilipad, pauupuin lang ako, at kung aalis man, magiging jeep ang aming sasakyan at pupunta lang sa mga lugar dito sa metro manila. Diba sobrang hassle? anduon ka na e, tapos magiging isang jeep lang? Tapos andami mong pupuntahan sa ibang bansa tapos ang ending sa divisoria ka lang dadalhin? napakasakit.

Pangatlo, ito mejo nakakatakot, pisikal, at kahiya-hiya, magsisimula ang aking panaginip sa sala ng isang bahay na merong kapiranggot na hagdang kahoy sa gitna tapos sa itaas merong magkatapat na pinto ng kwarto.
Magsisimula ito na nagkakasiyahan o nagiinuman kaming magkakatropa tapos biglaan nalang merong lalabas na white lady (ala sadako) yung tipong multo na mabagal lumakad, lahat magugulantang at magtatakbuhan paakyat sa hagdan papuntang kwarto, pero kung hindi man ako ay isa sa mga barkada ko ang hindi makatakbo sa hindi mapaliwanag na pagkakataon, anjan kang magfreefreeze ang katawan at hindi makakilos hanggang sa napakadulas na sahid na iimbaliduhin ang pagtakbo ng maiiwang kawawa, na minsay ako o isa sa mga barkada ko.
Pagtapos ng kakatakutan ay mauuwi sa isang bakanteng lote na napapaligiran ng mga hollow blocks, na mistulang pagawaan nito, magsisimula sa pagtatalo, tapos mauuwi sa suntukan ang siste, ako at isa sa mga barkada ko, pero ang siste nanaman ay pagsusuntukin ko na ang aking kalaban ay hindi ako makatama o kung tatama man ay SOBRANG HINA, diba parang suntukan ito, palakihan ng yagba pero hindi ka makatama o kung makatama ka man hindi masakit, diba hassle, at ang panghuli nitong panaginip nato ay ang pagpasyal kong nagiisa sa mall ng nakahubad, ang hindi ko maintindihan ay bakit ako pupunta ng mall ng walang suot, pero ang lubos na nakakapagtaka ay walang nakakapansin na nakahubad ako, lahat ng nakakasalubong ko ay walang reaksyon, ako lang itong hiyang-hiya at pilit na takpan ang mga dapat takpan.
Sino ba naman ang hindi magtatakip o mahihiya, diba asa mataong lugar ka tapos wala kang suot.

Meron akong ideya kung anu ang ibig sabihin ng mga ito, at kung iisa-isahin ko'y hahaba ng hahaba ang blog na ito hanggang maging boring na syang basahin.
Isa lang ang sigurado ko, lahat ng ito ay may kinalaman sa mga frustration at set-backs ko sa buhay, magmula nuong bata ako hanggang sa ngayon.

Kung merong dalubhasang makakadetalye ng mga tunay na ibig sabihin ng mga panaginip ko ay sanay matulungan nyo ko.

Biyernes, Oktubre 7, 2011

Cong. Roilo Golez and his Steve Jobs' Resolution

Yesterday I read from the news that Cong. Roilo Golez made a resolution to commemorate Steve Jobs.
Of course, it sates in the resolution of the appreciation of the honorable congressman to SJ, it also states that he's been a user since '84 when everybody doubted Macintosh.
With all due respect to SJ, I appreciate all his contributions, he indeed made our lives easier and convenient, but on my own opinion, I don't think he deserves a spot in our tribunal, as what the good congressman did.
Sure, it is his right to do it, but being a pinoy, he could have included some names of unsung real heroes, like people who risked their lives during the calamities that recently devastated our land, or something to that effect.
One eye brow raising part of the resolution is that he made the resolution out of self appreciation, being a congressman I think, you should decide not based on your self but on the people who put him in that seat, his constituents.
I think this is a social awareness for everyone under his jurisdiction to think twice whenever he'll run again for the seat, I mean, am sure there are a lot of issues that needs to be tackled in his area, but spending sometime to create a resolution just to honor the person who made his listening pleasure easier, is a little absurd and alarming.
To cap, sir mister congressman, you all have the right to create a resolution for SJ if what he did put you from the sol gen to your current seat, but again, I think your constituents deserved more than an SJ resolution.

Martes, Oktubre 4, 2011

Mga Eksena... sisimulan ko tapusin mo... (true stories)

#1
Sa loob ng jeep.
Ako: Manong bayad, paki naman, salamat.
Mamang pasahero: EDI IABOT MO!
Ako: Ayus a! anu problema mo?
Mamang pasahero: ABOT MO!
Ako(ulit): KUNG AYAW MO MAG ABOT NG BAYAD MAG TAXI KA! TANG INA KA!
Ibang Pasahero: Ako na mag aabot pare, hayaan mo na sya.
your ending...

#2
Sa kalye ng West ave, mamang taxi driver naflatan ng gulong, hirap baklasin ang knot ng gulong... (nasaksihan lang nameng magbabarkada to dahil na ipit kame sa trapik, ang mga salita ay imbento ko hango sa aking nakita)
Manong Taxi driver: Pare paki-aapakan naman tong cross range para bumigay yung knot, ang higpit e.
Manong na napadaan: ok. (sabay apak sa cross range.)
Sa kakaapak at kakapabigat, naputol ang buong knot ng gulong...
Manong Taxi driver: Tang ina naputol!
Manong na napadaan (lumakad papalayo na parang walang nangyare)
your ending...

#3
Sa loob ng classroom nung 4th year high school st. james qc, gumagawa kame ng school project (diorama para sa english namen, greek mythology). grinupo ang aming klase sa mga estudyante from cream section.
Girl 1: sige tingnan naten kung pwede natong ilaw naten (yung ilawan na ginagamit sa mga altar, yung merong open wire sa ilalim ng kabitan ng bumbilya)
Girl 2: sige, isa-sak-sak ko na.
Girl 1: ok sige! (kitang kita ang exitement sa kanyang mga mata sabay lapat sa palad nya ang ilawan)
Girl 1: ARAY! (sabay bagsak sa ilawan at basag ng bumbilya)
Si duff (ronald regio) at ako ay halos mawalan ng ulirat sa kakatawa.
your ending...

#4
Gabi, nawawala ako sa may guiguinto bulacan, may bilin saking pupuntahan duon galing probinsya.
Ako: Manong pwedeng magtanong?
Manong: Pwede!
Ako: Saan ho tong (address... nakalimutan ko na sa katagalan...)
Manong: Hindi ako taga dito e...
Nahimatay ako ng 2 seconds...
your ending...

#5
Eksena sa Commonwealth Shell station Near Ever Gotesco, umuulan at baha ang daanan papuntang ever.
BRR: manong magkano pamasahe hanggang Ever?
Tricycle driver: Sampo
BRR: ANG MAHAL NAMAN! ANG LAPIT LANG!
Tricycle driver: sige sakyan mo yang sampo mo.

Tumambling si BRR...
 your ending...